Hailey's POV
"Grabe H, pwede na akong dito tumira, plus may masarap pa na tagaluto. Salamat sa pagluto ng paborito kong ulam Manang Belen!" masayang sabi ni Faith. Sinigang na hipon kasi ang ulam namin ngayon. Namiss siguro nito ang mga lutong pinoy.
"Pahiram naman minsan si Manang Belen H, yung cook kasi namin hindi marunong magluto ng lutong bahay" pakiusap naman nito.
"Ayoko nga, baka agawin po pa si Manang sa akin eh, hindi ko alam baka mag-offer ka nalang bigla ng house & lot, siguradong hindi makakatanggi si Manang pag-nagkataon" tanggi ko dito.
"Hmph! And damot mo naman!" reklamo nito sabay pout.
"Alam mo ang laki muna, nakatira ka na nga sa ibang bansa, asal bata ka pa din" natatawang sabi dito.
"Mabuti pa Manang, maglista ka nalang ng mga recipes para sa cook nitong si Faith. Siguro naman marunong siyang sumunod sa recipe ng iba" suhestiyon ko. Natuwa naman ito at niyakap si Manang. Parang hindi ako ang nagsabi ng idea na yun ah!.
"Ahemm" pagpapapansin ko dito.
"Oh! Ito naman, selos na agad" biglang yakap din nito sa akin na ikinangiti ko naman. Nagiging at ease na ulit ang pakiramdam namin sa isa't-isa, gaya ng dati.
"Alam niyo, bagay kayo?" yun lang at bumitiw kami agad sa isa't-isa. Grabe naman itong si Manang, naging awkward nalang tuloy lahat at nakita ko pang nagblush itong si Faith..hahaha.
"Oy..nagbu-blush. Hindi ko alam na ganun kalakas ang effect ko sa'yo Faith" tukso ko dito sabay kindat.
"Ang feeling mo!" hampas nito sa akin at pinagtawanan namin siya ni Manang Belen.
"Oh, gumagabi na H, ihatid muna si Faith baka maabutan pa kayo ng dilim sa daan at mukhang uulan pa naman."
"Hatid na kita Faith, pinapalayas ka na ni Mang eh!" biro ko ulit dito, nakatanggap naman ako ng mahinang palo kay Manang. Pinagtawanan naman niya ako, ang karma nga naman ang bilis dumating.
Kinuha na niya ang sling bag niya at nagpaalam na kay Manang. Pumunta muna kami sa kwarto ko kasi dun pala naiwan yung susi sa kotse ko.
"Oh! Okay ka lang" pag-aalala ko dito.
"Medyo sumakit yung ulo ko" sagot naman nito.
"Yan kasi eh! Ang dami mo kasing kinain na junk foods" pagsesermon ko dito. Dati kasi pag marami itong nakakain na junk foods, sumasakit agad ang ulo nito at pagkatapos ay nagsisimula na itong magsuka. Hindi pa din pala nawawala ang sakit niyang yun.
"Ang sarap kasi eh! Ang dami mo rin kasing hinanda" sagot pa nito.
"Oh, sumasagot ka pa, dito ka nalang matulog. Kukuha lang ako ng tubig at gamot tas hihilutin ko yang ulo mo" nasabi ko nalang dito.
BINABASA MO ANG
Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)
RomanceAng mga mata niya, napanganga nalang ako tapos yung smile at ang boses niya.. Nawala nalang ako bigla sa sarili ko, sana mapansin niya ako, sana nga.. Kaso nga lang akala niya yung kabanda niya ang gusto ko at ang worst nagvolunteer pa siya na magin...