Chapter 33

6.4K 141 26
                                    

Lilian's POV

Naghihintay ako ngayon kay best dito sa building ng department namin. Kahit kailan talaga itong si best, laging on time!. 


Napag-usapan kasi namin ni best na dito nalang maghintayan dito sa may building ng CED bago kami pumunta sa first subject namin. Which is the very boring subject na economics.


"Lilian?" biglang rinig kong tawag sa may likuran ko. Paglingon ko, isang matangakad na lalaki, maputi, cute na may magandang mata ang tumawag sa pangalan ko. Parang nabasa naman nito ang expression sa mukha ko kaya nagsalita ulit ito.


"Hindi mo ba ako natatandaan?" eh baliw naman pala ito, mukha bang natatandaan ko siya.


"Sorry, pero dapat ba kitang matandaan?" mataray na tanong ko dito.


"Wow, hindi ka pa rin nagbabago. Ang taray mo pa din, ang sakit lang sa feeling na kinalimutan mo na ako. Natatandaan mo pa si Butchok, yung kababata mo na mataba dati?" nakangising sagot nito.


Mmmm...butchok?..mataba? Impossible namang si butchok to eh, napakadungis nun at ito ang neat tignan. Pero si butchok cute yun at ito din cute. Pinalobo naman nito ang pisngi nito para magmukhang mataba at..


"Oh my gosh! Buchok!" biglang sigaw at yakap ko dito. Pinagtitingnan naman kami ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin pero wala akong pakialam. Namiss ko itong si tabachoy nato!.


"Grabe ka naman Iya! Huwag mo naman ipagsigawan ang palayaw ko noong bata pa tayo. Baka marinig ka ng mga chicks na nandito oh! At ang gwapo-gwapo ko na para sa palayaw na yun" reklamo at biro nito.


"Namiss lang kita Buchok! At hindi na kaya ako Iyakin, huwag muna akong tawagin na Iya noh!" reklamo ko dito.


"Talaga lang Iya ha? Matanong nga mga kaibigan mo kung totoo ang sinasabi mo" nagdududang sabi nito at tiyempo naman na dumating si best.


"Sorry best kung pinaghintay kita" sabi agad ni best, hay..kung kailan pa na natuwa akong nahuli siyang dumating.


"Uy..Iya..may matatanungan na ako oh!..Ah..miss..iyakin pa rin ba itong si Lilian?" feeling close na tanong nito kay best. Nagtataka naman na tiningnan ito ni best at ibinalik ang tingin sa akin.


"Ah..sa pagkakatanda ko..hmm..lately..nagiging iyakin ito pag-tungkol kay Hail--" hindi ko na pinatapos na magsalita si best at tinakpan ko na ang bibig nito.


"Ahh..Buchok..malalate na kasi kami. Usap nalang tayo next time" nagmamadaling paalam ko dito sabay hila kay best.


"Teka nga best, bakit ba nagmamadali ka? At sino yung cute na lalaking yun?" tukso ni best sa akin.


"Si Buchok yun, kababata ko noong elementary. Mas bata sa akin ng 1 year yun. Hindi ko alam na dito na pala siya nag-aaral. Nagkahiwalay na din kasi kami dahil nga lumipat kami ng ibang probinsya from Tarlac to Baguio" paliwanag ko dito.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon