Chapter 24

6.2K 152 6
                                    

Lilian's POV


Dumaan ang tatlong araw at masasabi kong payapa naman ang naging takbo nito. Walang nang-istorbo at walang drama na nangyari.


Naghahanda na ako sa lakad namin mamaya sa MOA kasama sina best at Yuri, inimbitahan din namin si Sarah dahil naging kaibigan na din namin siya at madali naman siyang pakisamahan. Mga 3pm pa yung lakad namin so may two hours pa ako para maghanda.


May narinig akong nag-doorbell sa labas ng gate. Sino kaya ito? Hindi naman siguro si best or si Yuri to, napag-usapan na naman namin na didiretso nalang kami at doon na sa MOA magkikita-kita.


Hindi ko na tiningnan sa may bintana kung sino nga ang nasa may pinto pero pagbukas ko...


"Yan, please let's talk" umpisa agad ni Lee.


"Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka na!" galit na taboy ko dito.


"Please Yan, tatlong araw na akong naghihintay, let me just explain" pagmamakaawa nito.


"Wow, so utang na loob ko pa talaga dahil naghintay ka ng tatlong araw? at sa tatlong araw na yun may nagbago ba Hailey? Maibabalik ba nun ang mga nangyari nung gabing yun? At yung sakit na pinaramdam mo sa akin?" pamimilosopo ko dito.


"Hindi ganyan ang ibig ko-" hindi ko na siya pinatapos magsalita.


"Ayaw muna kitang kausapin kaya umalis ka na!" madiin na sabi ko dito.


"I'm sorry Yan, hindi ko sinasadya ang sinabi ko sa'yo. Please mag-usap muna tayo oh, just hear me out" pagmamkaawa na naman nito.


"Please lang Hailey, huwag ngayon at may lakad pa ako. Kakausapin kita paghanda na ako. Pag hindi na masakit alalahanin ang nangyari nung gabing yun" sabi ko dito na medyo naiiyak na.


Natigil naman ang pag-uusap namin ng may kotseng huminto sa tapat nag apartment na tinutuluyan namin ni best. Iniluha nito si Harold na naka-shades, naka-polo shirt na stripe at naka-shorts.


"Lilian, please mag-usap tayo" sabi agad nito.


"At nagsabay pa talaga kayo? Please lang lubayan niyo muna ako!" sigaw ko sa kanila.


"Alam mo Harold, epal ka din eh! Nakita mong nag-uusap pa kami ni Yan" sita ni Lee kay Harold.


"Pwede ba H, pareho lang naman ang pakay natin dito at yun ay ang mag-sorry kay Lilian. Mas lalo mo lang pinapagulo ang sitwasyon" sagot naman nito.


"Wow, sa'yo pa talaga nanggaling ang salitang yan, kung hindi mo sana binastos si Yan noong gabing yun at naging responsable ka sana sa pag-inom mo, hindi sana tayo napunta sa ganitong sitwasyon" sabi naman ni Lee.


Ang haba naman ng hair ko ngayong araw nato. Pinag-aawayan ako ng dalawang magagandang nilalang, yun nga lang ang rason sa likod nito ay dahil may kasalanan sila sa akin at hindi dahil gusto nila ako pareho.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon