Chapter 13

7K 169 2
                                    

Lilian's POV


"Mukhang close na close na kayo ni H ha?" tukso ni Andy sa akin.


"Halata ba masyado?" ganting biro ko sa kanya.


"Ewan ko sa iba, pero sa akin obvious siya, may pa Yan at Lee pa kayong nalalaman" tukso at tawa naman niya sa akin.


"Pwede ka bang sabihan ng sekreto Andy?"


"Shoot! Ano ba yun?"


"May gusto ako kay Hailey" confess ko sa kanya.


"Wow! Sigurado ka ba diyan?" shock na reaction nito.


"Oo, nalove at first sight ako sa kanya. Nagsimula yun sa mini concert niyo. Palagi akong masaya pag nakikita ko siya, bumibilis ang tibok ng puso ko at nagrarambulan naman yung mga paru-paro sa tiyan ko pag kinikilig ako sa sweetness niya without her knowing it at kapag nahahawakan niya naman ako, parang may spark na hindi ko maipaliwanag" sagot ko sa kanya.


"Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko sa'yo. Mahirap kasing basahin si H, kahit palagi yang nakangiti at nagbibiro hindi ko alam kong masaya ba siyang talaga o may itinatago siya" explain naman niya.


"Anong ibig mong sabihin Andy?"


"Ayaw kong sa akin manggaling ang nakaraan ni H Lilian kaya dapat ikaw mismo ang makaalam nito o siya mismo ang magsabi nito sa'yo" dagdag pa nito na mas lalong nagpalito sa akin.


"So, may lihim pa lang nakaraan itong si Lee at yung lihim na yun ang maaaring makaapekto sa pagkagusto ko sa kanya?" tanong ko dito.


"Siguro, hindi ko rin alam. Mga 3 years ago na yun Lil at dahil lang sa banda unti-unting naka- move on na itong si H. Pero wala talaga siyang pinapakilala sa aming nagugustuhan niya so hindi ko rin matukoy kung totally naka-move on na talaga siya" dagdag naman nito.


"Tao ba ang pinag-uusapan natin dito Andy?" tanong ko na naman sa kanya though nagkakaroon na ako ng clue sa mga nangyayari.


"Oo, Lil kaya dapat mong ihanda ang yung sarili."


"Sa tingin mo, magusgustuhan din kaya niya ako?" lakas loob na tanong ko dito.


"Oo, sigrado ako dun kung nakamove on na talaga siya" ngiti niyang sagot sa akin.


"Kung ganun, tutulungan ko siyang maka move on" pursigido kong sabi sa kanya.


"Wow! That's the spirit, huwag kang mag-alala tutulungan din kita Lil" akbay naman niya sa akin.


"Hoy Andeng bakit ka nakaakbay kay Lil? Tiyansing ka na ha! At bakit mo siya tinatawag na Lil? Ako lang ang may karapatan na tawagan siya sa ganung nickname!!" biglang singit at reklamo naman ni Yuri.


"Ikaw naman babe, selos ka naman agad" biro ni Andy sa kanya at mas inakbay pa ang balikat niya sa akin.


"Woah, mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ha?, dumadamoves na tong si Ands! hahaha..at bakit naman ang talim naman ng tingin niton si tig-Yuri?" biglang sabat at tukso naman ni Lee.


"Feeling kasi yang isa na yan eh! At kung makaakbay wagas! Bitiwan mo nga yang si Lil!" bawi naman ni Yuri sa akin mula kay Andy.


"Chill ka lang babe, halata ka naman masyado" kindat naman nitong si Andy kay Yuri.


"Wow Ands ha! Balik tukso ka na naman kay tigre, hindi ka na ba magpapa-under?" biro naman ni Lee.


"Hindi naman talaga ako under, pinagbibigyan ko lang yang si Yuri" ngiti pang sagot ni Andy pero matalim ang matang pinupukol sa kanya ni Yuri.


"Anong sabi mo?" mataray at nakataas na kilay na sagot ni Yuri.


"Ah...wala, nagbibiro lang ako Yuri at mukhang dapat na tayong bumalik sa practice hehehe.." biglang alis naman nito.


"Galing mo naman Yan! mukhang close na agad kayo ha! apir!" masayang biro naman ni Lee sa akin.


"Anong ibig mong sabihin H?" tanong naman ni Yuri.


"Ah wala... sige balik na ako doon at text nalang kita Yan ha?" nag-nod lang ako sa kanya pero nabigla ako sa sumunod na ginawa niyang pagkiss sa cheek ko kaya yumuko nalang ako para itago ang pamumula nito.


"Anong ibig sabihin nun?" nagtataka naman na tanong ni Yuri.


"Ew--an...ko..sa..ka--n--ya..." nagsta-stamer na sagot ko sa kanya. "Hindi ba balik na kayo sa practice?" iwas ko sa tanong ni Yuri.


"Yeah, pero may tanong lang ako Lil, nakalimutan ko kasi itanong yung tungkol kay Harold. Close ba kayo? Nanliligaw ba siya sa'yo?" woah! kinabahan naman ako dun at teka bakit nasali naman si Harold sa usapan na ito?'.


"Ha? Anong ibig mong sabihin?"


"Well, alam mo bang ex-boyfriend ko si Harold? At nung time kasi na ipinakilala kayo ni best mo sa amin. Yun lang din yung time na may nakita akong kasama niya na babae. Sa tingin ko nakamove on na talaga siya sa akin at may gusto siya sa'yo" paliwanag naman ni Yuri.


Hayy..kahit sino na lang ba talaga? Bakit yung gusto ko hindi niya mapansin na gusto ko siya?


*****

Thank you guys for reading :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon