43
"Apo ko..." Lolo hugged me tight as soon as I went to him.
"I miss you Lo," I told him while still in the hug.
"Na-miss din kita apo."
After what happened last night, I immediately told Karus that I wanted to visit Lolo. Alam ko naman na malalaman din agad ni Lolo na bumalik na ako dahil sa media na naroon sa event kagabi. Sigurado rin akong malalaman na rin iyon nina Margo at Dani. I miss those two so much. Pati si Ate at Nanang.
"Nasabi sa akin ni Alberto na inurong na ni Arolf ang kaso laban sa 'yo," he said when we sit on the couch. Si Karus ay lumabas muna saglit dahil may tawag mula sa site sa Sta. Ana. Sinabi ko nga na kaya ko naman mag-isa at ayos lang kung sumaglit muna siya roon pero mapilit pa rin at pinauulit-ulit lang sa akin ang tungkol sa deal namin.
"It was a relief, honestly. Hindi ko na kailangang magtago pa," I said.
Bumuntong hininga siya. Habang nakatingin ako kay Lolo ay mas lalo ko lang nakita kung gaano siya tumanda. But he's still my forever gwapo Lolo.
"Pasensya ka na kung hindi ako nakapunta sa iyo sa Cagayan, apo."
"Hindi bagay sa 'yo mag-drama Lolo," biro ko na ikinatawa lang niya. "But seriously, it's fine po. We know that it's the best thing to do. After all, you taught me to be strong, that's why I survived. See?"
He patted my head as if I'm still the little girl he used to take care of.
"That's my girl," he said and hugged me again. Na-miss lang daw talaga niya ang kadaldalan ko kaya ganiyan.
I haven't told him about Mom's case because I'm afraid that it will do no good to him. Baka ma-stress pa siya. And besides, I needed to prove things first before I told him. Kasi ayokong mabaliw si Lolo sa kaiisip sa kung ano ba ang nangyari sa anak niya gaya ng kung paanong halos mabaliw ako ngayon.
"Sir, may naghahanap po kay Ma'am Naiah sa labas." Kapwa kami napatingin ni Lolo sa househelp na lumapit.
My forehead creased. "Who?" I asked.
"Mga kaibigan nyo raw po. Nagwawala na nga po iyong isa sa labas. Papapasukin po ba?"
I looked at Lolo and he just nodded.
"Let them in," he said. Umakyat na rin muna si Lolo para bigyan kami ng space.
In just a split second, Margo and Dani stormed inside the living room. Napatayo ako para salubungin sila pero halos mapapikit ako nang dire-diretso sa akin si Margo at inangat na ang palad na akmang sasampalin ako. But she stopped her hand midway.
"Margo!" suway ni Dani.
"Bitch!" Ibinaba niya ang kamay at napasabunot na lang sa sarili. "I thought we'd ride or die?! Why did you die alone?!" She looked frustrated as she said that. She wiped the tears that flowed down her cheeks. Ako naman ay natutop lang sa kinatatayuan dahil hindi ko alam ang sasabihin. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. I saw the pain in their eyes.
"We searched for you too," Dani said.
"I'm sorry..." I said and tears started to burst out.
"Bakit ginawa mo iyon mag-isa? Are you really thinking that we're just your friends in happy times? Ha, Naiah?" Margo said with the hint of annoyance and irritation. Kahit kay Dani ay nakikita ko ang pagtatampo pero hindi na lang sinasabayan pa si Margo.
"Ayoko lang na madamay kayo," I tried to explain.
"But we are already involved because we're all tied through thick and thin, remember? Sana tumawag ka man lang. Sana sinabi mo kung nasaan ka," Dani said with pain.
BINABASA MO ANG
The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)
Любовные романыVILLAIN SERIES #1 (COMPLETED) Ranaiah's father got married again after several years of her mother's death, which is still the biggest mystery to her. But she was never in favor with her father's new wife. Lalo na sa anak ng kanyang Madrasta. Ranaia...