45
"Alam kong mawawalan sila ng trabaho sa atin pero tingin ko ay hindi naman na natin sila kailangan. I'm sure some people need them but not us anymore," sabi ko kay Karus. Hindi ko alam kung papayag ba siya na alisin na iyong mga tauhan niya. Feeling ko naman kasi maayos na ang lahat kaya wala ng reason pa para mag-stay sila. Na-appreciate ko naman iyong service nila sa yacht, tho.
"They'll not stay forever. Let's just wait until Tita Antonia is already settled in jail so we could be sure," aniya kaya tumango na lang ako. Hindi pa naman ako sanay ng may mga bodyguards.
Nasanay lang ako na may driver na sumusundo. Speaking of driver, si Kuya Lando pala ay matagal ng umuwi sa province nila. Nagresign siya after noong nangyari sa akin dahil hindi na rin niya kayang makita sina Tita Antonia at Dessa. He probably concluded what happened. Sayang lang dahil hindi kami nagkita bago siya umalis. Siya pa naman isa sa mga unang nakaalam na crush ko si Karus noon.
"Fine. But you really should go back to Sta. Ana. Halos masira na ang phone mo kakatawag ni Aiden. I'm sure they need you there."
Ngumuso siya na parang hindi gusto ang sinabi ko.
"I told you that they're fine." He reasoned out.
"Ha! Lagot ka sa akin kapag binash ako ng mga iyon. Sabihin pinagkakait ko ang head engineer nila," sabi ko naman.
"Oh, wabi... Ipagkait mo na ako habangbuhay," he said kaya binato ko siya ng tissue na nakita ko sa may compartment ng car niya.
"Serious kasi!"
"I'm serious."
"Whatever. Babalik naman din ako roon para kina Nori kaya wala ka ng dahilan para hindi balikan ang work mo."
Bumuntong hininga lang siya ay hinigpitan ang hawak ng kamay ko. His expression turned serious as he intently look at me.
Mas humarap naman ako sa kanya ng maayos.
"Do you really have to talk to Dessa?" He asked.
I held his hand with my other hand. "I have to do this," sabi ko ulit kaya napipilitan siyang tumango. "Dito ka na lang maghintay. I'll be fast."
"Alright. Then let's eat lunch outside?"
Tumango ako at ngumiti. "Sa Jollibee ba?"
He nodded kaya natawa ako.
I removed my seatbelt and went out on his car. I went inside the jail and ask for Dessa. Naupo ako sa isa sa mga upuan roon para sa mga bisita at tahimik na naghintay sa kanya.
A minute passed and Dessa already went out to face me. She's wearing the orange shirt that the prisoners used to wear. Walang makikitang makeup sa kanya at halata rin ang pagod at puyat.
Naupo siya sa harap ko. I can't see any emotions in her eyes. Hindi gaya noong nakaraang araw na puro galit ang nakikita ko mula rito. I can see that she's just... tired.
"What do you need?" I was even shocked a bit to hear the calmness in her voice.
"I just came here because I feel like I needed to talk to you after all that happened," I said honestly.
"Do you think I'm going to say sorry for everything?"
"No."
"Then good. Kasi sa totoo lang, hindi ko rin kaya pa na humingi ng tawad sa 'yo. I wasn't even sorry at this moment. I don't know if it's my pride speaking but yeah.. I won't apologize. Hindi siguro ngayon."
I nodded because I understand. Hindi rin naman iyon ang dahilan kung bakit nandito ako. Gusto ko lang talaga siyang makausap. Gusto ko lang malaman kung anong nararamdaman niya ngayon dahil kahit na anong nangyari sa amin, I still care for her. Kahit kaunti. Kasi kahit paano ay naging parte siya ng buhay namin.
BINABASA MO ANG
The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)
RomanceVILLAIN SERIES #1 (COMPLETED) Ranaiah's father got married again after several years of her mother's death, which is still the biggest mystery to her. But she was never in favor with her father's new wife. Lalo na sa anak ng kanyang Madrasta. Ranaia...