4
Maagang nagising si Tatzi, papunta na sana siya ng kusina nila nang nakita niya si Eth na nasa hardin nila inaamoy ang mga bulaklak. Nagpasya siyang puntahan ang dilag.
“Ang pag-ibig parang halaman kapag hindi inalagaan mamatay ng hindi nagpapasabi,” ani Eth at hinarap niya si Tatzi na nakatayo sa likod niya.
“What a speech from you,” kumento naman ni Tatzi. “Have you eaten your b.f?”
“B.f.? Anong pagkain iyon?” poker-face na tanong ni Eth.
“Its breakfast granny, nakapaghanda na ako,” singit naman ni Fria sa pag-uusap ng dalawa. Nauna na itong umalis.
Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Pagtungo nila ng dinning area naroon na rin sina Blexie, Bater at JL., hinihintay sila. Naupo si Eth sa center at nagsimula na nga silang kumain ng walang umiimik sa kanilang anim.
“Bater your home atlast!” natuon ang atensyon nila sa naghihiyaw sa sala nila.
“What are you doing here Jinx?!” nagagalaiting hiyaw naman ni Bater sa dilag na papalapit sa mesa nila.
Dahil ulirang makapal ang mukha ng babae, hindi siya nahiya na lumapit padin. “I’m here to visit you, I miss you so much yeobo,” napatingin naman siya sa mga kasama ni Bater. “Hi guys…” nakangiting bati nito pero mas natuon ang atensyon niya kay Eth na poker-face siyang tinitignan.
“Jinx will you leave now?!” tumayo na si Bater at hinawakan ng mahigpit sa kamay ang dilag.
“Ganyan ka ba tumatrato sa babae? Hindi porke’t hindi mo siya maalala may karapatan kanang saktan siya at ipahiya,” poker-face pa rin na sabi ni Eth.
Parang tumigil naman ng ilang segundo ang oras ng mga kasama niya sa sinabi niya. Matapos kumain ni Eth tumayo na siya at tumungo sa kanyang silid. Habang ang iba naman ay nagkatinginan lang.
“Pinapaprocess pa rin ng utak ko ang sinasabi niya,” naunang natauhan si JL sa kanila.
“Lalim ‘nun huh,” kumento naman ni Fria.
“Payo galing kay lola,” dugtong naman ni Blexie.
Hindi na kumento si Tatzi dahil pinagpatuloy na nito ang pagkain habang si Bater naman ay kinaladkad na nga palabas si Jinx.
Matapos mag-almusal nila nagsitungo na sila sa kani-kanilang business. Natutulog pa rin si Segsi dahil lasing kagabi, at si Lahey naman ay nagkukulong sa kwarto sa kadahilanang hindi ko alam. Si Eth naman ay kasalukuyang kausap ang lola ng pitong sinumpa.
“Bilang kabayaran sa utang na loob ko sa iyo Nana gagawin ko ang lahat para mawala ang sumpa nila,” ani Eth kay Nana.
“Salamat Eth, salamat. Ayoko kasing nahihirapan ang aking mga apo,” naiiyak naman na sambit ng matanda. “Bago man sana ako mawala sa mundong ito ay makita kong lumigaya sila.”
Niyakap na ni Eth ang matanda para icomfort sa lungkot na nararamdaman nito. Habang nagdadrama ang dalawang matanda, si Segsi naman ay naalimpungatan sa paninigaw ng bestfriend niya.
BINABASA MO ANG
7 CURSES OF LOVE
AdventureTRASHTALK, ACCIDENT PRONE, FUTURISTIC, KILLER EYE, AMNESIA, UNSATISFYING, and OVERLOAD. THE CURSES OF LOVE. ALIN PIPILIINMO? MEET THE 7 HUMAN and JOIN THEM in THEIR ADVENTURE IN SOLVING THE CURSE BESTOWED IN THEM.