1:intro

394 5 0
                                    

“I love you Segsi please take me to heaven, uhhh!” hiyaw ng babaeng may makapal na labi at lahat ng fats sa katawan ay napunta sa boobs. Nakahiga ito sa kanyang kama habang minamasahe ni Segsi.

“Putcha naman Ranna bakit ang tagal mo dumating” bulong ni Segsi sa kanyang sarili habang minamasahe ang bago niyang girlfriend.

Nakacheck-in sila sa isang five star hotel at kasalukuyan ngang minasamasahe niya ang dilag na sobra-sobrang sarap naman.

“How dare you! Iniwan mo kami ng mga anak mo para makipaglandian lang dito?! Itong bunso mo!” natigilan naman ang dalawa sa biglang pagbukas ng pintuan at bumungad ang isang dilag na may kasamang tatlong bata na halos magkasunod-sunod lang ang edad. Nakadamit pambahay pa silang apat, ang dudungis ng mukha at nagsisiiyakan.

Iniabot nga ni Ranna ang karga-kargang bata nito na isang taon kay Segsi. Sobrang gulat naman si Segsi sa pinaggawa ng bestfriend niya. Ang syota naman ni Segsi ay napaupo na nga sa kama at nagsuot ng damit.

“Oh my gosh Segsi! Sorry miss, sorry talaga hindi ko alam. Ahm,ahm..ahm…” natataranta na nga ang babae sa gagawin niya at sa pangdidilat ng mga mata ni Ranna sa kanya.

“Hindi mo ba alam nakakasira ka ng pamilya! Hindi kana naawa sa mga anak natin Segsi! Pinabayaan mo kami magutom para lang sa babaeng ito?!” umarteng umiiyak na nga si Ranna.

“Segsi sorry pero break na tayo. Huwag mong sirain ang pamilya mo! Ito misis pera huwag niyo lang akong saktan please. Pinapangako ko hinding-hindi na ako magpapakita sa inyo” kumiripas na nga ang babae palabas ng silid.

Sa paglabas ng babae bigla namang tumawa si Ranna habang si Segsi naman ay pinagtitinginan lang ang mga bata at si Ranna.

Samantala nasa parlor naman ni Tatzi si Lahey at kasalukuyang nag-uusap ang magpinsan sa table sa labas ng parlor nito.

“Ikaw ba si Lahey?” may umeksinang lalaki na matangkad, singkit ang mata at mukhang artistahin sa mesa nilang magpinsan.

Napatingin naman ang magpinsan sa lalaking nakatayo sa gilid ng mesa nila.

“Yes?” tanong naman ni Lahey ng nakangiti.

“Anong pinagsasabi mo sa pinsan ko at nagtangka siyang magpakamatay!” nagulat naman ang lahat ng tao sa loob ng parlor sa biglang paghiyaw ng lalaki.

“Wa-wa-what??” bulalas ni Lahey at Tatzi.

“Excuse me Mr.Pogi sinong pinsan mo ba?” usisa naman ni Tatzi.

“Her name is Ginalina Angelina Kasumping, remember her Miss Lahey. How you ruined her future” tigang na sagot ng lalaki habang nakayoko ito at sobrang lapit ng mukha nila Lahey.

“Beef steak ang ulam mo nuh?” napaatras naman ang binata sa hiya. “Anyway Mr.Sugod-sugod alam mo masakit talaga ang katotohanan. Tinanong ako ng pinsan mo if bagay sila ng boyfriend niya eh sabi ko sa kanya hindi kayo tatagal. Pineperahan ka lang ng lalaki na yan at lalong mapapahamak buhay mo dahil may asawa na yun” kalmadong wika ni Lahey.

“Sino ka si Madam Auring at nakikita mo ang future niya?! Ikaw ba yung misis ng boyfriend niya? Kaibigan mo ba? Pinsan? Ano ba pakialam mo sa buhay niya?! Dahil sa ginawa mong pangingialam nacoma ang pinsan ko!”

7 CURSES OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon