(7
“Eth just take a sit here, okay?” sabi ni Bater bago siya pumasok sa loob ng kanyang office.Nasa shop sila ngayon ni Bater at kasalukuyang nakaupo si Eth sa waiting area, nagbabasa. Si Bater kasi ngayon ang nakatuka na magbantay kay Eth kahit hindi naman sila obligado na bantayan ito. Busy ang binata sa loob ng opisina nang dumating ang isang babae na nakaloose-shirt, threaded jeans at heels with matching backpack at may hawak pa itong sketchpad. Napatingin naman sa kanya si Eth and she caught her looking at her too.
“Diba ikaw ang babaeng multo sa bahay nina Bater?”tanong ng babae sa kanya nang mamukhaan siya nito.
Akmang sasagot na si Eth, “what are you doing here again?!”napatingin naman ang dalawang babae sa biglaang pag-eksina ni Bater na kakalabas lang ng kanyang opisina.
“Oh, honey! I just came back from Palawan at dumiretso ako agad dito. I miss you,”dali-dali naman itong lumapit sa binata at niyakap ito.
Pilit naman na kumalas ang binata, “ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita kilala? Nobody owns me so leave me alone,”naiinis na sabi ni Bater at binangaan nito ang dilag. “Let’s go Eth,” yaya naman niya kay Eth at naunang lumabas.
Naiwan naman ang dilag na nakatayo lang at napabuntong-hininga while looking at him walking away.
Naglulunch naman si Lahey sa cafeteria ng publishing company na tinatrabahuhan niya kasama si Finn na siyang nagsisilbing bff na din niya simula ng sinamahan siya nito sa shop ng kanyang pinsan. Naging feeling close na ang binata sa kanya at hinayaan naman siya ni Lahey.“Alam mo ba Finn mamaya na raw ipapakilala ang bagong CEO natin,”tsismis niya sa binata na kumakain ng fresh veggies.
“I saw him awhile ago,”sagot naman nito.
“Him? Ibig sabihin lalaki pala?”tanong naman ni Lahey at hinigop nito ang sabaw ng inorder niyang ulam.
“Yes, mukhang istrikto siya at parang pasan ang mundo dahil nakasimangot ito,”sagot naman ni Finn.
“Talaga? Hala, wala pa naman akong may naipasa na kwento ngayon,”sabi naman niya at napatingin siya sa pinggan ng binata. “Teka, vegetarian ka ba? Araw-araw ko atang nakikita na puro lang prutas at gulay kinakain mo.”
“Ha? Hindi naman, health conscious lang,”nakangiting sagot naman nito kaya nawawala ang kanyang mga mata.
“Ohh, dadaan ako mamaya kay pinsan sama ka? Natikman mo na ba roon ang veggies ice cream niya?”excited na tanong ni Lahey.
Habang abala si Lahey sa pagbibida ng shop ng kanyang pinsan tamang-tama naman pagdaan ng bagong CEO. Napakunot-noo siya ng makita niya si Lahey.
“Who’s that girl?”tanong niya sa sekretarya niya.
“Alin po?”tanong naman nito.
“That girl wearing a round eyeglasses,”tinuro pa niya si Lahey.
Nanlaki naman ang mga mata ni Lahey ng mapansin niya ang presensiya ng lalaking tumuturo sa kanya. “Shit bakit nandito siya?”tanong nito sa sarili.
“Sino?”nagtatakang tanong ni Finn at nang mapansin niya kung saan tumitingin si Lahey napalingon naman siya. “You know the new CEO?”
“NEW CEO?!!!”hindi na nga napigilan ni Lahey ang pagbubulas ng madinig niya ang mga sinabi ni Finn.
Napangiti naman ang naturang lalaki sa pagsigaw ni Lahey na ikinagulat naman ng mga tao roon.
“Small world Ms.Ter,”bati ng CEO paglapit nito sa mesa nina Lahey kaya napakagat labi naman ito.
“Taena naman oh, nasaan ang hustisya?”hiyaw ng utak ni Lahey.
“Enjoy your meal Ms.Ter,”dugtong pa nito at napayoko pa ito para ilapit ang mukha sa dilag. “You gonna miss here,”dugtong pa nito bago tuluyang umalis.
Bigla naman nakadama ng inis si Lahey kaya bigla itong tumayo at hinablot ang plastic bottle ng shake na iniinom ni Finn. Pagkaagaw niya itinapon niya ito agad sa CEO na hindi pa nakakalayo ng hakbang sa mesa nila. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Lahey lalo pa nang sapol sa ulo ng lalaki ang naturang plastic bottle.
“You don’t need to fire me! I quit!!”bulyaw ni Lahey sa lalaki pagkalapit niya dito. Hindi pa siya nakuntento at binuhos pa niya ang pagkain na bitbit ng babaeng dumaan.
Umexit na nga si Lahey ng nakataas-noo at sinundan naman siya ni Finn.
Abala naman ngayon si Tatzi sa kanyang shop dahil sa dami ng mga customer lalo pa sa tindi ng init ng panahon ngayon. Tumutulong na siya mismo sa pag-aasikaso ng mga customer.“Enjoy your ice cream sir,”nakangiting bati niya sa magkasintahan na customer. “Tamang-tama ang order niyong couple dutch dahil match talaga kayo,”dugtong pa niya.
Pabalik na sana siya sa kusina nang mapansin niya ang sasakyan ng pinsan pero mas nagulat siya ng makita niya ang lalaking bumaba sa passengers seat ng pinsan niya.
“Is there something between them?”tanong nito sa sarili.
“I need a gallon of ice cream caz,”natauhan naman si Tatzi ng umeksina sa harap niya ang pinsan.“A gallon? May party ba kayo?”bulalas naman nito habang sinusundan ang pinsan na naglalakad papasok ng kanyang opisina. “Teka nag-away ba kayo ni Finn?” hindi pa rin kumikibo si Lahey sa kanya.
Mukhang wala nga siyang makuha na impormasyon dito kaya lumabas na lang siya at inihabilin ang request ng pinsan niya sa isang staff nila pagkatapos ay lumabas naman ito.
“Inaway mo ba pinsan ko?”seryosong tanong nito sa binatang nakatayo sa labas ng kotse ng pinsan niya.
“Hindi ah, sinamahan ko lang siya to make sure na matino pa ang pag-iisip niya,”sagot naman ni Finn habang kinakapa ang puso niya.
“Ano ba nangyari sa pinsan ko? Umorder naman siya ng isang gallon ng ice cream and she will never request if she’s not super-duper-mega piss-off,”sunod naman na tanong nito.
“Well, I think she has an issue with our new CEO. Tinapunan niya lang naman ito ng isang tray ng pagkain at bulls-eye niyang hinagis ang plastic bottle sa ulo ng boss namin,”papaliwanag naman ni Finn at bigla itong naupo.
Nagulat naman si Tatzi sa rebelasyon ni Finn pero mas nagulat siya ng biglang nawalan ng mala yang binata kaya napasigaw siya ng ubod ng lakas.
Habang nagtatarantahan ang mga tao sa shop, chill naman nagdadrive si Bater kasama si Eth pauwi.“Hindi mo ba talaga maalala ang babae kanina sa shop mo o ayaw mo lang siya alalahanin?”tanong ni Eth kay Bater habang nakatingin sa labas ng kotse.
“Alam mo naman siguro ang sumpang napunta sa akin diba? I can’t remember a single thing about the women that I flirt with,”sagot naman nito.
“Simple lang naman ‘yan Bater eh, subukan mo kayang pakinggan ang nasa puso mo kaysa sa utak mo baka sa ganung paraan may maalala ka naman,”sabi naman ni Eth kaya napailing na lang si Bater. “Hindi naman ganun kakumplikado ang buhay niyong mga tao eh, kayo lang mismo ang nagpapakumplikado rito. Hindi ko maintindihan, bakit kung andiyan na ang sagot pilit naman nating iniiwasan. Pero kung hindi natin alam ang sagot kusa naman tayong tumitigil sa pagharap dahil nahihirapan na tayo,”dugtong pa nito.
“Alam mo kasi, hindi naman lahat ng alam mong tama ay tama na. Hindi naman lahat ng dinidikta ng puso mo ay dapat nang sundin. Dahil minsan ang dinidikta ng puso mo ay siyang dahilan ng kamalian mo. Kapag maranasan mo nang umibig at magkapuso kana maiintindihan mo din ako,”sagot naman ni Bater kaya napatingin sa kanya si Eth.
“Kaya nga ayaw ko magkapuso ulit…”sabi ng utak ni Eth sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
7 CURSES OF LOVE
AdventureTRASHTALK, ACCIDENT PRONE, FUTURISTIC, KILLER EYE, AMNESIA, UNSATISFYING, and OVERLOAD. THE CURSES OF LOVE. ALIN PIPILIINMO? MEET THE 7 HUMAN and JOIN THEM in THEIR ADVENTURE IN SOLVING THE CURSE BESTOWED IN THEM.