2: it's complicated

186 4 0
                                    

Sa gulat ng magpipinsan sa biglaang anunsyo ng babaeng kahitch ni Blexie nagkatinginan lang silang lima habang ang babae ay naghuhukay sa dining table ng makakain.

“Ano ba nangyayari sa inyo? Mga nilalang ng earth bakit kayo nakafreeze?!” hiyaw ni Lahey na kakababa lang galing sa silid at nakatayo siya sa hagdan ng mapansin niya ang mala-estatwang tinginan ng kanyang mga pinsan.

“Oh my God! Miss ten years ka bang hindi pinakain?” usisa ni Tatzi ng matauhan ito at nilapitan niya ang dilag.

 

Enjoy na enjoy ang babae sa pagkain ng letsong manok na ulam sana ng magpipinsan pero halos kalahati na lang natira. Hindi mo naman mahulaan kong ano nasasarapan ba ito sa kinakain niya o napipilitan dahil sa plain ng reaksyon ng mukha niya.

Bigla namang natauhan ang iba at napatingin naman sa naturang babae na super-enjoy sa pagkain. Napaupo na nga lang sila sa 10 seaters na dining table nila na gawa sa narra.

“Iha alam may bulsa ba ang tiyan mo at ganyan ka kalakas kumain eh ang payat mo naman” sabi ni Fria habang paulit-ulit na tinitignan ang babae mula ulo hanggang paa, vice-versa.

“Miss pwede ba umalis kana?!” bulyaw ni Blexie sa babae na nakapwesto sa center chair ng dining table.

“Ganda tirhan mo naman ako oh” dugtong naman ni Segsi na nakapwesto sa ikalimang upuan mula sa kanan ng babae.

“Best mas patay-gutom pa ito sa akin eh” kumento naman ni Ranna.

 

Nagsipapansin na nga sila sa naturang babae pero patuloy lang ito sa pagkain at nilalasap ang letsong manok ng walang kanin.

 

“Tapos na ako. Salamat sa pagkain” ani ng babae at tumayo na nga siya saka tumungo sa kusina para maghugas ng kamay.

Naiwan namang napatulala lang sina Blexie sa pang-aasal ng babae. Matapos maghugas ng babae bumalik ito sa kanyang inuupuan.

“Miss excuse me lang huh sino ka ba? Ano ba kailangan mo sa kapatid ko?” usisa ni Fria sa babae.

“Hindi ko siya kilala Fria.” Sagot niya sa kapatid saka hinarap naman ang misteryosang dilag. “Miss sabi umuwi kana eh gusto mo ihatid pa kita” nagagalaiting singit ni Blexie.

“Ako tinatanong huwag ka ngang bastos” kalmadong paninita ng babae sa kanya.

“Abaa!!” biglang uminit nga ang ulo ni Blexie sa kanyang narinig at tatayo na sana siya para sugurin ang babae pero napigilan naman siya ni Jl na nakaupo sa tabi niya ikaapat na mesa mula sa kaliwa ng babae.

“Sino ka nga ba Miss?!” naiinis na tanong ni Fria na nasa tabi naman ng babae.

“Ang pangalan ko ay Eth Viola Eruc. Wala akong kailangan sa kapatid niyo pero kailangan ko siyang bantayan baka ipagkalat niya ang kanyang natuklasan” kalmadong sagot ng babae.

“Baliw kana ata miss eh” kumento naman ng babaeng naghahanap kay Bater.

“Oo katulad mo” banat naman ni Fria sa kanya pero nginitian niya lang ito.

Hindi na nga matagalan ni Blexie ang kabaliwan ng dilag kaya tumayo na siya at lumapit kay Eth. Hinila niya dilag patayo at kinaladkad palabas.

7 CURSES OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon