J5
“He is mine! Who the hell are you to make balakid in my way?!” nagagalaiting hiyaw ng babae sa taong umeksina sa moment niya.
“Hindi siya ang taong nakalaan sayo,” seryosong sabi ni Eth sa babae. Kamay niya ang humarang sa babae para makalapit kay Blexie.
Taas-kilay naman siyang tinignan ng babae. “Who the hell are you? Sino ka ba si madam Auring para malaman ang future ko? Back-off bitch!” bulyaw pa niya kay Eth pero nanatiling nakaflat-face lang ang dilag sa kanya.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo pero sigurado akong hindi kayo ang nakalaan sa isa’t-isa,” sabi ni Eth sa babae.
Tumayo na si Blexie sa kanyang kinauupuan para awatin ang dalawa dahil sa kanila na nakatuon ang atensyon ng mga tao roon. Nagtataka naman si Tatzi sa nangyayari sa labas ng kanyang shop kaya sumugod siya roon.
“Umalis kana kung sino ka man!” pagtataboy ni Blexie sa babaeng nakaall-pink.
“Pero… Blexie I love you!” nangingilid na ang mga luha ng babae kaya mas napaintense ang buong paligid.
“Miss umalis kana, mahiya ka naman sa syota ng pinsan ko. Baka ikaw pa ang maging dahilan ng awayan nila,” pag-eeksina naman ni Tatzi at natuon ang tingin sa kanya. Lalo na ang dalawang tinutukoy niya.
“Hindi pa tayo tapos Blex,” tigang na sabi ng babae at nagwalk-out ito.
Awkward naman na nagtitinginan sina Eth at Blexie. Matapos ang ilang minutong tinginan nila nagkaiwasan na rin sila. Sumunod si Eth kay Tatzi sa loob habang si Blexie naman ay bumalik na sa kinauupuan niya. Ang mga saksi naman sa nangyari ay bumalik na sa kani-kanilang monkey business.
Few days later…
Isinama naman ni Lahey at Fria si Eth sa mall para bumili nang mga damit nito. Kasalukuyang nasa women shoe area sila. Busy ang dalawang dilag sa pagpipili ng mga sarili nilang sapatos habang si Eth naman ay parang tupa na susunod-sunod sa kanila.
“Mas mahalaga pa ba ang material na ‘yan sa kalayaan niyo sa sumpa?” banat ni Eth sa kanila habang abala sila sa pagsusubok ng mga sapatos. Pagdinig nila sa sinabi nito agad naman silang napatigil at tinignan ang dilag.
“Kapag maging tao kana you’ll know granny,” pagsusuplada naman ni Fria sa kanya.
“Kung maisakatuparan niyo ang inyong misyon,” poker-face na sagot ni Eth sa kanya at tinalikuran sila.
Akmang papatulan siya ni Fria pero to the rescue naman si Lahey sa pag-awat sa kanya. Wala na nga silang nagawa kundi sundan ang lola niyo este si Eth. Hinanap nila ito pero hindi nila mahagilap.
“Caz we need to separate para mas madali ang paghahanap natin sa kaniya,” suhestiyon ni Lahey at umagree naman si Fria.
Nagkahiwalay na silang magpinsan. Sa right side ng department store naghanap si Fria at sa left front side naman si Lahey. Parehong nag-aalala nang dalawa sa biglaang pagkawala ni Eth to the point na nagtatanong na sila sa mga tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/24770595-288-k156854.jpg)
BINABASA MO ANG
7 CURSES OF LOVE
AventurăTRASHTALK, ACCIDENT PRONE, FUTURISTIC, KILLER EYE, AMNESIA, UNSATISFYING, and OVERLOAD. THE CURSES OF LOVE. ALIN PIPILIINMO? MEET THE 7 HUMAN and JOIN THEM in THEIR ADVENTURE IN SOLVING THE CURSE BESTOWED IN THEM.