"STEFFANY YOON!!!"
Hala ka! Ayan na naman si Unnie Aecha...Nako, lagot na... >___<
"Hi unnie! ^____^V"
"Anong-----
"WAAAAAHHHHH!!!! EOMMAAAAA!!!! >___<"
Asan na ba si eomma?? T__T
"At san ka pupunta??"
Waaah!! Naabutan niya na ako..huhuhu.. T___T
"Sinong nagsabi sayong pwede mong pakialaman yung mga make-up ko?"
"Unnie naman eh..Sorry na.. T__T"
"Huwag mo na ulit yun papakialaman kung ayaw mong matusta!"
"Opo unnie..."
Annyeong haseyo! Ako nga pala si Steffany Yoon. 17 years old pero isip bata pa rin daw. Yung kanina pala na nanghabol saken, siya naman ang unnie ko na si Ae-cha Yoon. Masyadong korean ang name niya, buti na lang akin hindi.XD
Pasukan na naman pala bukas. Magpapakapagod na naman uli sa school.. =__=
"STEFF!!!"
Waah! Si eomma! San kaya sila galing ni appa? May pasalubong kaya ako galing sa kanila? Makababa na nga lang..
"EOMMAAAA!!!"
"Oh andyan ka na pala Steff." - appa
"Hello appa! Hi eomma! May pasalubong po ba kayo saken?"
"Of course baby, makakalimutan ka ba naman namin? Eh ang kulit-kulit mo talaga tsaka ang cute-cute mo din." - eomma sabay kurot sa pisngi ko >__<
"Eomma naman, mashaket eh! T^T"
"Haha, sige na baby. Kunin mo na diyan yang pasalubong namin sayo at umakyat ka na sa room mo, maaga pa ang pasok mo bukas sa school."
"Yes eomma!"
*KINABUKASAN
Yawn! Anong oras na ba?
WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!! LATE NA AKO!!! >___<
Ano ba naman yan? First day of school late agad ako? Ginawa ko na lahat ng kailangan kong gawin. Kailangan ko nang magmadali!
"Oh baby, di ka na magbe-breakfast?"
"Eomma sa school na lang po ako kakain! Bye bye!"
"Oh sige, kumain ka ng mabuti sa school ha? Sunduin ka na lang namin ng appa mo mamaya okay?"
"Yes Eomma!!"
Hinatid na lang pala ako ng driver namin sa school kasi may ginagawa ngayon sina eomma pero kadalasan talaga sila appa at eomma ang naghahatid at sumusundo saken sa school. Bumaba na ako sa loob ng kotse at nagmadaling pumasok sa school kasi hahanapin ko pa kung saan ang room at section ko..Talaga nga naman at ngayon pa ako nalate...
Tinakbo ko na lang papunta sa may announcement board ng school para matingnan kung saan akong section and what room number...
Ayun nakita ko na! Room 164, Section 1!
Huh? Ano ulit? Section 1 ba kamo?
Waah! Hindi naman ako matalino! Ay, oo na nga. May laman naman ang utak ko kahit papaano.XD
Makapunta na nga lang dun...
Hala san bang parte yung room na yun?
Makapagtanong na nga lang...
"Kuya, excuse po. San po ba dito yung Room 164?"
"Dun ba punta mo? Tara sabay ka na lang saken."
"Ah salamat. :)"
Habang naglalakad kami papunta dun, di ko maiwasang di magtanong tungkol sa kanya...
"Ah kuya. Ano po bang pangalan niyo?"
"Huwag mo na akong i-kuya. JC na lang."
"Aah, sige po."
Nakarating na kami sa classroom. Mabuti nga at wala pang teacher na pumapasok.
"Dito ka na lang sa tabi ko maupo."
"A-ah sige. Salamat."
"Nga pala, ikaw, ano bang pangalan mo?"
"Steffany Yoon. "
"Aah. Korean ka rin pala."
"Oo, ba't ikaw? Korean ka rin?"
"Oo, Jake Christian Byun ang buong pangalan ko."
"Aah...Hi ulit JC! ^____^"
"Haha! Ang cute mo naman."
"'*blush* Aah..Haha, salamat."
Dumating na rin yung teacher namin. Nagpakilala lang kami sa isa't isa. As always, pag first day of school..
*BREAK TIME
"Aah Steffany, may kasama ka na bang mag- lunch? Tara, sabay na lang tayong dalawa?"
"Ah s-sige. Wala rin naman akong kasama eh."
Ayun, sabay kami nag-lunch. Siya na nga rin yung bumili ng food ko. Treat niya na lang daw kasi cute raw ako.XD
Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya. So, ayun may new friend na ako dito.
..............................................................
Tapos na rin yung classes this afternoon. San kaya naghihintay sina eomma at appa?
"Steffany-------
"Ah, Steff na lang tawag mo saken. Medyo mahaba pangalan ko eh."
"Ah sige. Tara, hatid na kita sa inyo.'
"Huh? Ah kasi susunduin ako nina eomma at appa eh."
"Ah ganun ba? Edi samahan na lang kita dito habang hinihintay mo sila."
"Ah nako, wag na. Baka may iba ka pang gagawin, maistorbo pa kita dahil dito."
"Ano ka ba? Wala naman akong gagawin kaya ayos lang."
*BEEP BEEP
"Oh ayan na pala sila. Sige, salamat na rin sa pagsama saken dito. Kita na lang tayo bukas. Bye!"
"Bye!"