Andito na kami sa tapat ng bahay nila Steff. Lumabas muna ako ng kotse para mag-door bell sa bahay nila para pagbuksan kami ni Tita.
*door bell
Maya-maya lang lumabas na si Tita na may dalang payong.
"Oh anjan ka na pala JC! Asan si Steff?"
"Ah andito po Tita. Kaso nilalagnat po siya at basang-basa dahil sa ulan."
"Ano?! Bakit siya nagpa-ulan? Anong nangyari?!"
"Di ko po alam. Ipasok ko muna po siya sa loob ng bahay niyo."
"Ah sige, tara na."
Binuhat ko na si Steff para ipasok sa loob ng bahay nila. Pinayungan kaming dalawa ni Tita habang papasok sa kanila...
"Ah JC, dito mo na lang muna siya sa guest room,"
"Sige po."
Linagay ko na siya sa kama...
"Ah, labas ka na muna JC at papalitan ko lang ng damit si Steff."
"Sige po Tita."
"Salamat."
Maya-maya lang lumabas na si Tita sa guest room...
"JC, ang taas na ng lagnat ni Steff! Anong gagawin natin? Ayoko namang abalahin pa ang daddy ni Steff kasi pagod na pagod na siya sa trabaho at isa pa, galing pa lang siya sa sakit. JC, ano nang gagawin natin? Tatawag na lang ako ng doktor."
"Teka lang po Tita...Tutal, ako naman po may kasalanan kasi binilin niyo sakin sina Steff pero di ko po siya naiuwi nang maayos... Ako na lang po mag-aalaga sa kanya ngayon tsaka wag na po kayo tumawag ng doktor. Gabi na rin po kasi, ako na lang po bahala sa kanya."
"O-o sige. Ipagluluto ko muna si Steff ng sopas, dalhin ko na lang jan mamaya. Pasok ka na lang sa loob."
"Sige po Tita. Salamat."
Pumasok na ako sa loob ng kwarto kung nasan si Steff. Kumuha muna ako ng palangganang may tubig tsaka towel pagkatapos umupo ako sa tabi ni Steff tsaka ko siya pinunasan sa mukha, sa braso at kamay...
Medyo nilalamig pa rin siya kaya kinumutan ko na siya ng maayos. Linagay ko na rin yung basang towel sa noo niya para kahit papaano bumaba na ang lagnat niya...
*knock knock
"Ah JC, heto na nga pala yung sopas."
"Ako na lang po ang magpapakain sa kanya pag gising niya. Magpahinga na po kayo, ako na pong bahala dito"
"Sigurado ka?"
"Opo Tita. Matulog na po kayo, mukhang maaga pa kayo bukas."
"Ah sige. Naku, salamat talaga JC ha?"
"Walang anuman po Tita. Tsaka pasensya na po kung dahil saken nagkasakit pa tuloy si---
"Ano ka ba? Okay lang yun. Nakakahiya nga dahil ikaw pa yung naghatid sa kanila papunta sa school at pauwi. Salamat na rin."
"Okay lang po yun Tita."
"Sige maiwan na kita dito. Dito ka na lang matulog sa bahay kung okay lang sayo tutal gabi na naman. Diyan ka na lang sa double deck sa tabi matulog."
"Ah s-sige po Tita, salamat."
"Sige,good night."
"Good night din po."
Lumabas na si Tita sa room... Bakit kaya talaga nasabi ng kacpatid ni Steff na gumawa sila ng project sa bahay ng classmate niya pero andun siya sa school naghihint----
"Uhmm..."
Teka, gising na ata siya...
"Steff? Steff? Steff, kain ka na muna, baka lumamig na to."
"Teka, ba't andito na ako? Di ba nasa school pa tayo?"
"Ah hinatid na kita dito sa bahay niyo. Nilalagnat ka na nga eh. Pasensya na kung hindi kita nahatid dito ng maayos. Ang sabi kasi saken ng kapatid mo gumawa raw kayo ng project sa bahay ng classmate mo sa ibang subject."
"Ano? Wala pa naman kaming napapag-planuhan sa gagawin namin na project eh. Tsaka tinext niya ako na magkita-kita na lang tayong tatlo sa gate 3 ng school kasi andun daw naka-park malapit yung sasakyan mo. Tapos naghintay ako ng ilang oras sa inyo. TInext ko uli si unnie, pero ang sabi niya hintayin ko lang daw kayo dun dahil matagal raw magpa-dismiss ang prof niyo kaya nag-antay ako dun ng ilang oras. Baka kasi pag-umalis ako dun, iwan niyo na ako at baka di ko kayo makita.'
So, ganun pala yung nangyari..
Naniwala agad ako. Mali naman pala yung pinakinggan ko. Kasalanan ko to eh...
"G-ganun ba?"
"Bakit? M-may nangyari ba?"
"Ah w-wala naman. Ah-ano hmm... Passensya na kung hindi kita nahatid dito sa inyo nang maayos. Promise, babawi ako sayo."
"D-di mo naman kailangang bumawi eh. May kasalanan din ako eh. Naghintay ako dun at nagpaulan kahit alam ko na mukhang iniwan niyo na ako tsaka kasalanan ko rin naman na hindi ako marunong umuwi mag-isa."
"Ano ka ba? Wala kang kasalanan kasi kasalanan ko to lahat eh."
"Per---
"Oops! Wag ka nang umimik jan dahil kasalanan ko talaga yun lahat. Kumain ka na muna, susubuan na kita."
"A-ano ka ba *cough* okay lang ako. Kaya ko naman nang k-kumain eh. Ako na lang, wag mo na ko subuan."
Inabot niya naman yung soup na niluto ni Tita at akmang susubo na sana siya nang pigilan ko siya.
"Hep! Ako na sabi eh. Hayaan mo na ako. Ako muna mag-aalaga sayo tsaka di ba sabi ko babawi ako sayo? Kaya akin na yan at susubuan na kita."
"P-pero---
"Wag na makulit okay? Say aah"
Ayun, pumayag na rin siya. Sinubuan ko na siya nung soup para gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam niya. By the way, ang cute niya pala habang sinusubuan. Para siyang bata na may sakit. Pakiramdam ko...Ay, wala wala. Wala lang to...
Tapos ko na rin siyang subuan kaya inalalayan ko siyang makahiga nang maayos saka ko siya kinumutan.
"Matulog ka na para makapagpahinga ka na nang maayos. Dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita."
"Ah s-salamat."
"Sige na matulog ka na. Good night."
"G-good night din."