Ae-cha's POV:
Tapos na pala yung classes ko this afternoon then uwian na nga...
Asan na kaya si JC???
Teka...Ayun! Lapitan ko lang...
"Hi! Di ba ikaw yung JC na sinasabi nina mommy? Wait...Parang naalala kita..."
"Di ba ikaw yung nabunggo ko last day?"
"Ah oo. Ikaw pala yun? By the way, ako nga pala si Ae-cha Yoon."
Haha, ang galing ko talagang umarte,.. *smirk*
"Ah JC nga pala. Jake Christian Byun, classmate at friend ng kapatid mo."
"Ahm, tara uwi na tayo?"
"Ah di pa pwede eh. Di ko pa nakikita si Steffany, bilin kasi saken ng mommy niyo na sabay ko kayong ihahatid pauwi."
"Pero-----
"Di talaga pwede----
"Teka, pakinggan mo muna ako!"
"Nagtext siya saken na mauna na tayo kasi may project daw siyang gagawin kasama yung mga classmates niya."
"Pero wala siyang sinabi saken na gagawa sila ng proj----
"Ayaw mo bang maniwala saken? Heto tingnan mo yung text niya saken.."
Pinakita ko sa kanya yung text kuno ni Steffany pero ang totoo, ginamit ko lang yung isa kong number para itext tong isa ko pang phone number tapos pinalitan ko lang ng name ni Steff para kapanipaniwala...
"Ano naniniwala ka na? Tara umuwi na tayo. Ay, pwede bang pasama muna sa mall? Please? May bibilhin lang ako."
"A-ah o sige. Tara."
Ayun, papayag ka rin pala eh. Mabuti na lang pala at sa gate 1 exit kami dumaan. Yung text ko kasi kay Steff is sa gate 3 kami magkita-kita. Bahala siyang maghintay dun hanggang sa mapagod siya...
Nakasakay na pala kami sa kotse ni JC. On the way na papunta sa mall...
Actually, wala naman talaga akong bibilhin pero gusto ko lang siyang makasama kaya inaya ko na siya sa mall...
Naglakad-lakad lang kami tapos dumaan sa isang bookstore para bumili naman ng bagong book na magandang basahin. Nakaka-bore kasi minsan sa bahay kaya nagbabasa na lang ako...
5:45 na pala. Kailangan ko nang umuwi bago pa makauwi sina eomma and appa...
"Ah JC, tara na uwi na tayo."
"Tara."
Sumakay na ulit kami sa kotse niya at hinatid niya na ako pauwi...
"Ah thank you sa paghatid JC."
"Welcome. Sige, bye."
"Bye! Ingat ka."
Umalis na yung kotse niya, pumasok na rin ako sa bahay. Mabuti nga at wala pa sina mommy and daddy. Baka tanung-tanungin lang ako nun kung nasan si Steffeny...