Andito na kami sa loob ng bahay...
Asan kaya sina eomma? Ay, oo nga pala. Sa kwarto nila ni appa, inaalagaan nga pala niya si appa kasi nilalagnat siya :(
"Ah JC, tara akyat tayo. Punta tayo kina eomma at appa para mapakilala na kita sa kanila."
"O sige, tara."
*knock knock
"Pasok"
"Good afternoon eomma"
"Kamusta ang school?"
"Eomma naman ayos lang po yung school ako hindi.. =__="
"Anak..."
"Joke lang eomma, kayo naman talaga. Di na mabiro. Siya nga pala eomma, si JC po classmate at new friend ko sa school. Kuya JC! Pasok ka, hehe"
"Kaw talaga. *chuckles* Hi po pala, ako nga po pala si Jake Christian Byun. JC na lang po itawag niyo saken. Classmate po ako ni Steff."
"Ah hello sayo JC. Kamusta naman tong anak namin? Makulit ba?"
"Ah hindi naman po masyado. Pasaway lang po ng kaunti, haha"
"Ano?! Eomma di po totoo yun. Inaaway niya po ako. T^T"
"Haha, pagpasensyahan mo na tong anak namin JC at ganyan talaga yan kahit dito sa bahay.""
"Eomma naman iih! T^T"
"Haha, masyado mo kasing bina-baby mommy eh." - appa
"Appa! Gising na po pala kayo. Siya nga po pala, si JC friend and classmate ko po."
"Ahm, hi po."
"Hi din iho."
"Kamusta na po pakiramdam niyo appa?"
"Medyo okay na ako anak. Inalagaan na ako ng mommy mo eh."
"Aww, you're so sweet mom and dad."
"Oh siya, magpahinga ka na muna hon. Baba lang kami at igagawa ko lang sila ng meryenda."
"Oh sige, thanks hon sa pag-alaga saken."
...........................
Bumaba na kami at ginawan kami ni eom---okay, mommy na lang nga itatawag ko sa kanya tutal na sa Philippines lang naman kami...
Yun nga ginawan kami ni mommy ng meryenda at heto kami ngayon, kasalukuyang kumakain. :)
"San ka nga pala nakatira JC?" - mommy
"Aah...J-jan lang po."
"San naman?" - ako
"Aah..Haha, makulit ka talaga Steff. Nga pala, jan lang po ako nakatira sa may kanto, mga tatlong bahay ho ang layo dito."
"Aah, malapit ka lang pala.."
"Ah opo."
Ayun, nagchikahan lang yung dalawa samantalang ako andito na sa kwarto ko para magpahinga...
*knock knock
"Bukas yan."
"Aah, Steff alis na ako ha? Bye the way, nag-enjoy akong kausap yung parents mo."
"Ah sige, tara hatid na kita sa labas."
"Ah wag na, magpahinga ka na lang jan. Mukhang pagod na pagod ka na sa school eh."
"A-ah okay ingat na lang sa pag-uwi.'
"Sige see you tomorrow. Good night."
"See you din, good night."
......................................................
JC's POV:
Ang saya pala kausap ng mommy ni Steff. Sabi niya pa saken tawagin ko na lang daw siyang Tita Che at yung dad ni Steff na si Tito Rey. Marami rin kaming napag-usapan gaya ng about kay Steff at iba pa. Gusto rin daw nilang ma-meet yung parents ko, sabi ko naman wala sila sa bahay kasi may busiiness trip sila for 3 weeks so after na lang daw nun ipakilala ko raw sa kanila sina mom and dad.
.........................................................
Aecha's POV:
Hi! I'm Ae-cha Yoon, Steffany's sister. Nag-aaral rin ako sa school na pinapasukan ni Steff and graduating na this year...
Nga pala, andito lang ako sa room ko kanina pa. Nung narinig kong may bisita kami, di na ako lumabas ng kwarto pero sinilip ko lang kung sino yung narinig kong bisita daw...
Nang makita ko na kung sino...
Siya yung nakabungguan ko kaninang umaga...
Actually gwapo siya. Hindi ko alam na magkakilala pala sila ni Steff. Mukhang madali lang saken na mapalapit sa kanya tutal friends lang naman sila ni Steff.
Bukas magpapakilala ako sa kanya if ever na magkita kami uli...