Andito na ako sa school. Mukhang napa-aga uli ang dating ko. Wala pa masyadong tao dito sa school. Aryt, ok lang yan. Maglalakad-lakad muna ako. :)
Ang ganda pala dito sa may garden ng school...
Umupo muna ako sa may bench, pasok na lang ako mamaya sa room pag nag-ring na yung bell.
"Hulaan mo kung sino to."
Huh? Teka, sino nga ba to? Bigla na lang may nagtakip sa mata ko. Baka mamaya masamang tao pala to.. T__T
"S-sino to?"
"Ako to si JC. Natakot ba kita? Sorry..."
"Ah, di naman masyado."
"Haha, sorry natakot nga kita."
"O-okay lang yun. Teka, ba't ka nandito?"
"Ah, andito ako lagi pag medyo maaga pa naman, dito ako natambay. Maganda kasi dito eh. Natatanaw din dito yung field tsaka sariwa pa ang hangin."
"Aah.."
"Kamusta na pala si Tito Rey?"
"Aah si appa? Medyo okay na siya, nakasabay ko naman kasi siya mag-breakfast. Konting sinat na lang."
"Mabuti naman. Ikaw ayos ka lang? Parang problemado ka eh."
"Ah, wala to. Napag-usapan kasi namin kanina ni mommy na aalis raw sila after two weeks para sa business trip nila."
"Bakit anong problema dun?"
"Mami-miss ko kasi sila agad. Tsaka...A-ano...W-walang maghahatid at susundo samin ni unnie."
"Don't worry, binilin na kayo saken ng mommy at daddy mo. Nag-volunnteer na lang kasi ako na isabay na lang kayo papunta sa school at pauwi kasi magkalapit lang naman ang bahay namin at parehas lang naman yung way na dadaanan natin. Tsaka, ilang days lang naman sila mawawala eh. For sure mami-miss ka rin nila pero magwo-work muna sila para sa inyo."
"Haha, tama ka. Tara na, baka ma-late pa tayo nito."
"Sige tara."
..................................................................
Ae-cha's POV:
Sabay kaming pumasok ni Steffany pero magkaiba kami ng deparment pero nakita ko siya na papuntang garden ng school kaya sinundan ko siya, mamaya kasi may kinakatagpo na pala yan. Maisumbong naman kina mommy. Lagi na lang kasi siya ang pinapansin nina mommy at daddy. Parang balewala lang ako sa kanila. Pag nagkataon baka sakaling mainis sina mommy kay Steffany.
"Hulaan mo kong sino to."
"S-sino to?"
Teka...Ganun na ba talaga sila ka-close? Kaka-start pa lang ng school year at kakakilala pa lang naman nila, ba't ganun na sila ka-close? Landi naman ng babaeng to!
"Ako to si JC. Natakot ba kita? Sorry..."
"Ah, di naman masyado."
Hay, lande talaga... =___=
"Haha, sorry natakot nga kita."
"O-okay lang yun. Teka, ba't ka nandito?"
Hay, nagpapakabait na naman ngayon?... =__=
"Ah, andito ako lagi pag medyo maaga pa naman, dito ako natambay. Maganda kasi dito eh. Natatanaw din dito yung field tsaka sariwa pa ang hangin."
"Aah.."
Hayaan na nga. Mamaya makakasama ko rin naman si JC eh. Sabi kasi ni mommy si JC na lang daw muna ang maghahatid samin pauwi, busy daw kasi sina mommy eh.. *smirk*
Makapunta na nga sa room...
...................................................................
Steffany's POV:
Uwian na pala. Nag-text saken si Unnie na magkita na lang daw kami nina JC sa may gate 3 andun daw kasi malapit yung pinag-parkan ng kotse ni JC. Papunta na ako dun baka kasi nag-aantay na sina unnie at JC.
Andito na ako sa may gate 3. Mga ilang minutes na akong nag-aantay dito. Tinext ko na rin si unnie kung nasan na siya. Sabi niya hintayin ko lang daw siya kasi ang tagal daw silang palabasin ng prof tapos nagtext din daw sa kanya si JC na medyo male-late din daw ng konti kasi matagal ding magpa-dismiss yung prof nila ngayong last subject. Pano kaya nakuha ni JC yung number ni unnie? Baka binigay ni eomma sa kanya..
Asan na kaya sila. 5:30 pm na wala pa sila. Kanina pang 4:00 pm yung dismissal eh. Mga isa't kalahating oras na akong naghihintay dito eh T^T
Konting hintay pa. Baka late lang talaga silang pinalabas...
Anong oras na ba?
Hala?! 5:50 na?! Magsi-six pm na pala! Ba't wala pa sina unnie? Wala naman akong nareceive ulit na text galing kay unnie eh. Di pa naman ako marunong umuwi mag-isa dahil di ko alam ang sasakyan pauwi.
Hala!!! Mukhang uulan ng malakas. Asan na kaya sila? Sana di nila ako iniwan dito. Sana nasa loob pa sila ng school...
Pano kung pumasok ako sa loob para hanapin sila. O kaya puntahan ko na lang sa classroom nila si unnie?
Ah, hindi pwede... Baka hanapin nila ako dito kay dito na lang ako para madal nila akong makita...
Umuulan na, wala pa namang silungan dito sa labas ng gate3 ng school. Palakas na nang palakas ang ulan. Asan na kaya talaga sila??? Baka iniwan na nila ako?
Ah, hindi-hindi... Di naman ako iiwan ni unnie tsaka alam naman ni JC na hindi ako marunong umuwi mag-isa kaya siguradong aantayin ako nun...
7 pm na pala. Mukhang iniwan na nga nila ako kasi sarado na yung school at wala nang tao dito bukod sa mga guards ng school na bantay sa bawat gate dito...
Nilalamig na rin ako... Dead bat na rin yung phone ko... Baka bukas na ako makauwi nito...