Chapter 3: First Date

5.4K 134 54
                                    

Sa kotse ni Caloy pagkatapos sunduin si Tin sa school…

Tin: (nilalaro yung seatbelt) Umm… Kuya… Good mood ka ba?

Caloy: Ok lang. Bakit?

Tin: Wala lang. May itatanong ako eh.

Caloy: Ano nanaman yan?

Tin: (ang likot sa upuan, parang di mapakali) Eh Kuya…

Caloy: Ano? Pasuspense ka masyado.

Tin: Hmm… May girlfriend ka na ba?

Caloy: May pinakilala na ba ko sa inyo?

Tin: Wala pa.

Caloy: May napapansin ka bang lagi kong kausap sa phone o katext?

Tin: Wala din.

Caloy: O ikaw ngayon sumagot ng tanong mo.

Tin: Pero gusto mo ba ng girlfriend?

Caloy: Anong klaseng tanong yan??

Tin: Sagutin mo nalang Kuya!

Caloy: (inalis kanang kamay niya sa kambyo, kinurot bilbil ni Tin) CHISMOSA!!!

Tin: ARAAAAAAYYYYY!!!! (tinanggal kamay ni Caloy sa bilbil niya)

Caloy: Wala akong girlfriend ok? At hindi ako naghahanap.

Tin: (pabulong na nagsalita) Eh boyfriend? Promise satin lang. Hindi kita ia-out kina Mommy.

Caloy: (napabreak sa kotse ng malakas, muntik mapasubsob si Tin) ANO?!!!

Tin: Aray ko naman!!! Muntik na tumalsik leeg ko dun ah!

Caloy: (humarap kay Tin) Maka-leeg ka naman kala mo meron! Anong boyfriend pinagsasasabi mo??!!

Tin: Eh kasi kuya ilang taon ka na. Nakagraduate ka na ng college at lahat wala ka pa ring jowa. Wala naman sa lahi natin ang pangit. Dalawa lang yan. Either sobrang torpe mo… o baka… bakla… este baka… baka lang naman… baka lalaki din bet mo. Di naman ako judgmental Kuya. Mahal pa rin naman kita kahit pa pareho tayo ng type.

Caloy: May pinopormahan ako ngayon ok?

Tin: Weh? Baka imaginary yan ate… este kuya ah…

Caloy: Totoo siya ok? Nakikita. Nahahawakan. Nakakausap.

Tin: Ok sige. Naniniwala na ko. Anong pangalan?

Caloy: Bobbie.

Tin: (napatili) HOMAYGAAAAADDDDD!!! KUYAAAAAA!!! So… it’s official? Lalaki nga bet mo??

Caloy: (piningot sa tenga si Tin) BABAE SIYA!!! BABAE SIYA OK?!!!

Tin: (pilit tinatanggal kamay ni Caloy sa tenga niya) Aray araaaayyy araaaaaayyyyyy!!! Oo na, babae na, babae na!!!

Caloy: (pinaandar ulit yung kotse) Isa pa ha. Tatapyasin ko talaga yang tenga mo.

Tin: Sorry na, sorry na! Oo na. Babae na siya. Sayang.

Caloy: Anong sayang?

Tin: Wala lang. Yung nanliligaw kasi sakin. Si Owen. May gusto sana ireto sayo. Yung pinsan daw niya.

Caloy: Hindi ako interesado ok? Tsaka teka nga. Owen? Akala ko ba babastedin mo na yun?

Tin: Oo nga. Eh bebwelo muna ko. Di ko pa alam papano ko sasabihin. Kaya pumayag ka na sa blind date Kuya. Idea niya yun eh. Para di naman niya mafeel na super rejected siya.

#100HappyDaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon