Buong araw akong tuliro. Isang lugar lang ang naisip kong puntahan.
Sa puntod ni Uno…
Caloy: (ang tagal munang tumitig sa lapida ni Uno bago nakapagsalita) Alam mo gusto ko magalit sayo. Kasi hindi ko maintindihan tong ginawa mo. Bakit mo siya pinakilala sakin kung alam mo palang babawiin din naman. Pero tuwing maiisip ko ‘to (nilagay kamay niya sa dibdib niya), kung anuman nararamdaman nito mula nung nakilala ko siya, natutunaw yung galit ko kasi papano ko pagsisisihan na nakilala ko siya? Even if loving her meant getting hurt, I wouldn’t want it any other way. Pipiliin kong makilala siya ng paulit ulit, masaktan ng paulit ulit, mahalin siya ng paulit ulit. Kuya, minsan lang ako humiling sayo. You failed me when I asked you to stay and live longer for us. Ngayon hihiling ako ulit, sana tuparin mo na. (hindi na napigilang umiyak) Kuya, pakibulong naman sa Kanya oh. Wag muna please. Just give me more time with her. Please Kuya.
--
Sa sobrang lutang ng utak ko natapos ang araw na blangkong blangko ako. Para akong namanhid, nagblackout ng gising. The next thing I knew, nasa kama na ko, namulat ako sa liwanag ng araw, at nagising pa lalo sa lakas ng ring ng cellphone ko. Tumatawag si Andi.
7:30am sa kwarto ni Caloy…
Caloy: (sinagot tawag ni Andi) Hello?
Andi: Hello Caloy? Nandito na kami sa condo. Umalis muna saglit si tita para umuwi sa bahay nila pero babalik siya dito mamaya. Lalabas muna ko. Papasok muna ko sa office, magfafile ako ng leave. Ikaw na muna magbantay.
Caloy: Sige sige. Maliligo lang ako. Pupunta ako agad. Thank you Andi.
Bumangon ako agad. Binilisan ko mag-ayos para makaalis na. Kulang nalang paliparin ko yung kotse ko makarating lang ako ng mabilis sa condo nila Bobbie. Pagdating ko sa condo nila, si Andi ang nagbukas ng pinto.
Andi: (pinapasok si Caloy) She’s in her room. Natutulog.
Caloy: Kumusta siya?
Andi: She’s okay. Kala mo walang nangyari. Alam mo naman yan, ayaw na ayaw na may nag-aalala sakanya. Gusto nga sana ni tita iuwi muna siya sa bahay nila pero ewan ko ba diyan, ang tigas ng ulo. Dito niya gusto umuwi. Kaya si tita nalang muna pupunta dito. (tumingin sa relo niya) Caloy, iwan na kita dito ah. Malelate na ko eh. Magtetext naman yun si tita sakin pag pabalik na siya dito. Sasabihan nalang kita agad.
Caloy: Pwede naman ako magpakilala sa mommy niya.
Andi: Hindi magandang timing Caloy eh. Saka nalang. Pag may kailangan kayo, tawagan mo lang ako. Teka, ikaw ba wala kang pasok?
Caloy: Tumawag na ko sa office kanina. Bukas nalang ako papasok.
Andi. Ok, sige. Mauna na muna ko.
Paglabas ni Andi, binuksan ko pinto ng kwarto ni Bobbie. First time ko lang nakapasok dito. White walls, malinis, lahat ayos na ayos. Sa bedside table ni Bobbie, may family picture at alarm clock. Sa kabilang side naman may lamp at nakalapag na rosary. Naglakad ako palapit sa kama niya at tinitigan siya sandali habang natutulog. May upuan akong nakita, kinuha ko at nilagay sa tabi ng kama niya. I sat down, held her hand, and I couldn’t help myself from crying. Tinakpan ko ng isang kamay ko yung bibig ko para wala siyang marinig at hindi siya magising. I tried my best to pull myself together dahil ayokong makita niya kong ganito. After an hour of watching her sleep, nagising din siya…
BINABASA MO ANG
#100HappyDays
RomanceKung nasundan mo ang Project Ex series, siguradong may ideya ka kung sino si Caloy. Paano nga ba pag nain-love ang isang happy-go-lucky sa isang nega't di naniniwala sa true love at destiny? Three months of challenge. Two perfect strangers. One epic...