Pagkatapos kong kantahan si Bobbie, napansin kong nakaidlip siya. Hindi ko na ginising. I carried her pabalik sa unit nila. Andi and Mico were there. Sina Mitch at Paolo umuwi na daw. Pagkatapos ko ihatid si Bobbie sa kwarto niya, nagpasalamat ako kina Andi at Mico sa tulong nila. I wouldn’t have pulled the event off kung wala sila.
May parang humihila sa paa ko pabalik sa kwarto ni Bobbie. Gusto ko pa siyang makita. Bumalik ako sa kwarto niya. I kissed her forehead and whispered “I love you”. Pinanood ko siya matulog ng ilang minuto, kinumutan ko siya at umalis na ko. While driving on my way home, ramdam kong may luha pa kong iiiyak pero ayaw ng tumulo. I wanted to stay beside her until she wakes up but I want to honor my promise to her.
100 days.
The greatest love story of my life started and ended in 100 days.
Kung may katuloy pa? Hindi ko alam. Oo. Siguro. Baka. Sana.
A new chapter of my life began the next day. Yung chapter ng buhay ko na kung pepwede ko lang i-skip, ginawa ko na. I can hear my heart cracking each day I wake up.
The day Bobbie left dumaan sa bahay ko sina Andi at Mico. Pinapaabot daw sakin ni Bobbie yung susi ni Boogie. Ako na daw bahala sa kotse niya. Kunin ko nalang daw sa parking lot sa condo nila Andi anytime. After a week saka lang ako nagkaron ng lakas ng loob para kunin yung sasakyan. Pagsakay ko kay Boogie, inanticipate ko na maiiyak ako. I was wrong. I found myself smiling dahil naalala ko si Bobbie. Alam ko kung gaano kahalaga sakanya ‘tong sasakyan na ‘to kaya pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ‘to.
Tuwing matatapos trabaho ko dalawa lang ang automatic na pinupuntahan ko. Kung hindi sa rooftop ng condo nila Bobbie para magmuni muni at magdala ng bulaklak, pumupunta ako sa autoshop kung saan ko pinagawa si Boogie. Pinarepaint ko at pinaayos yung makina. Pinaayos ko din yung mga dent. Pati yung loob pinalinis ko. Pinapalitan ko yung seat cover pati yung radyo niya. Excited na ko na makita niya ‘to pagbalik niya because just like her heart, maayos na si Boogie. Gumagana. Buong buo. Parang bago.
May mga araw na napapadaan din ako sa puntod ng kapatid ko. Minsan kasama ko si Tin, minsan ako lang. Siguro nga wala na si Kuya pero alam kong naririnig niya ko. Alam kong pakikinggan niya yung hiling ko.
Mahirap pa rin maging masaya pero para kay Bobbie, sinubukan ko. Kahit na meron na kong tinatawag na “new normal”, hindi pa rin nawawala sa isip at puso ko yung pag-asa na isang araw magkikita kami ulit. Lumipas ang dalawang buwan, natutunan ko mang magfunction kahit wala siya pero hindi nagbago na araw araw namimiss ko pa rin siya. I still haven’t heard from her even kina Andi. Kahit madalas ako sa rooftop ng condo nila, hindi na kami nagkikita. Since wala na daw siyang kasama sa condo, bumalik daw muna siya bahay nila. Pinigilan ko yung sarili ko na tanungin siya ng tanungin tungkol kay Bobbie dahil alam ko nahihirapan din siya. I don’t want her to be torn between her loyalty to her cousin and yung awa sakin dahil hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako.
Isang araw na napadaan ako sa autoshop para icheck si Boogie, may inabot sakin yung gumagawa. Parang scrapbook na may nakalagay na 100 Happy Days sa cover. Nakita daw nila yun sa compartment ng sasakyan at inabot na sakin kasi baka daw mawala pa nila. Hindi ko na muna binuksan yung scrapbook dahil sa hindi ko maintindihang rason, kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
#100HappyDays
RomanceKung nasundan mo ang Project Ex series, siguradong may ideya ka kung sino si Caloy. Paano nga ba pag nain-love ang isang happy-go-lucky sa isang nega't di naniniwala sa true love at destiny? Three months of challenge. Two perfect strangers. One epic...