Chapter 5: Boba_panget_pulubi

5.6K 112 44
                                    

Umuwi akong naguguluhan sa mga nangyari. Pagdating ko ng bahay, kumuha ako ng isang basong tubig at napaupo nalang sa favorite spot ko sa garden namin. Nakatingin sa kawalan, nag-iisip kung lahat ba ‘to may pupuntahan. Biglang….

Caloy: (nagulat, napatili na parang babae nung may tumapik sa balikat niya) Aaaaayyyy!!

Tin: (tawang tawa pagkatapos gulatin si Caloy) Uyyyy!! Confiiiirrrrmmmedddd!!!

Caloy: Ibuhos ko kaya sayo ‘tong tubig!

Tin: Oh kalma lang teh… este Kuya. Usog ka nga! (umupo sa tabi ni Caloy)

Caloy: Bakit gising ka pa?

Tin: Nagutom ako eh. Ikaw? Kararating mo lang noh?

Caloy: Oo.

Tin: Aba! Minamadaling araw ka na sa date Kuya ah. Congrats!

Caloy: Sira! Umakyat ka na nga!

Tin: Ay. Jirits?

Caloy: (natahimik sandali) Hmm… Tin… May itatanong ako.

Tin: Ano yun?

Caloy: Na-in love ka na ba?

Tin: May pinakilala na ba ko sa inyo?

Caloy: Wala pa.

Tin: May nakikita ka bang lagi kong kausap sa phone o di kaya katext?

Caloy: Wala din.

Tin: O eh sagutin mo sarili mong tanong Kuya.

Caloy: Kutusan kaya kita?

Tin: ‘To naman oh! Para ginagaya ka lang eh. Pero di nga Kuya, seryoso, hindi pa. Bakit?

Caloy: Wala ka naman pala matutulong. Sige na, umakyat ka na.

Tin: (pinapasok daliri niya sa kili kili ni Caloy) Asuuuuuus!!! Hashtag pogi problems! Anyare?

Caloy: Wala.

Tin: Sige na. Wala ka din namang choice. Kesa makipag-usap ka sa halaman dito, ako nalang. Ano nga nangyari Kuya? Di na ko mambabara, promise.

Caloy: Naalala mo yung kinukwento ko sayo?

Tin: Sino? Si Berto?

Caloy: Huh? Sinong Berto??

Tin: Ay mali. Sorry. Bogart?

Caloy: Naman eh! (kukutusan na sana si Tin)

Tin: (umiwas kay Caloy habang pinagtatawanan siya) O hindi na, hindi na! Sorry na! Bobbie. O ano nangyari kay Bobbie?

Caloy: Nag-usap kasi kami kanina. Meron siyang sinasabi na hindi niya matuloy-tuloy. Tapos nung kinukulit ko siya, bigla nalang akong niyakap.

Tin: Ano ba naramdaman mo nung niyakap ka niya?

Caloy: Natuwa ako siyempre pero… Tin, she was shaking. Kilig ba yun?

Tin: Pag kinikilig nanginginig??

Caloy: Eh ano yun?

Tin: Malay ko. Pero kung anuman yun mukhang intense. May mga taong ganun eh. Sobrang saya, sobrang takot, sobrang emosyon.

Caloy: Tingin mo gusto niya rin ako?

Tin: Hindi ko alam. Hindi ko pa naman kayo nakikita magkasama. Pero kung ibabase ko sa mga kwento mo, she seems like a decent girl so hindi ka naman siguro paaasahin nun sa wala.

Caloy: Then why can’t she tell me how she feels?

Tin: (leaned her head on Caloy’s shoulder, humihikab habang nagsasalita) Alam mo Kuya, hindi dahil walang sinasabi ibig sabihin na walang nararamdaman.

#100HappyDaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon