Dumaan ang ilang araw na para kaming may sariling mundo ni Bobbie. Hindi natatapos ang araw na hindi ko siya nakikita o nakakausap. She became a constant part of my day na para bang ang laki ng kulang pag wala siya. Sabi ng mga tao sa paligid ko malaki daw pinagbago ko nitong mga nakaraang araw. To be specific, mula nung dumating si Bobbie. Mas sumaya, mas naging appreciative sa mga bagay at tao na noon di ko naman nakikita.
Weekend came…
8am, Caloy on the phone…
Caloy: Oy Miss. Gising na.
Bobbie: (tumingin sa orasan na nakalagay sa bedside table niya, nakapikit pa isang mata) Ang aga mo naman mambulahaw.
Caloy: Eh ganun talaga. Excited lang.
Bobbie: (nagtaklob ng kumot, pumikit habang kausap si Caloy, napahikab) Ha? Saan?
Caloy: Kasi makikilala ka na ng pamilya ko mamaya.
Bobbie: (napadilat, tonong gulat) Ha? Anong mamaya?
Caloy: Diba? Birthday ng tita ko.
Bobbie: Oh shoot! Ngayon ba yun?
Caloy: Oo. Niremind pa kaya kita the other day, sabi mo pupunta ka.
Bobbie: Ah… Hmmm… Ano… Kasi…
Caloy: Don’t tell me hindi ka pwede?
Bobbie: Pwede naman kaso… Sigurado ka ba?
Caloy: (natatawa) Babs, birthday party lang yun. Hindi pamanhikan.
Bobbie: Sira!
Caloy: Basta. Susunduin kita mamaya, okay?
Bobbie: Wag na. Send mo nalang sakin yung address, dun nalang tayo magkita.
Caloy: Susunduin nalang kita. Baka maligaw ka pa.
Bobbie: Wag na kasi.
Caloy: Bakit ba ayaw mo?
Bobbie: May dadaanan pa ko eh.
Caloy: Baka naman magpaparlor ka pa ah?
Bobbie: Babaan kaya kita ng phone noh? Kanina ka pa eh.
Caloy: (natatawa) Joke lang! Pero hindi nga, saan ka ba pupunta?
Bobbie: Bibili ng regalo para sa tita mo. Ayan, okay na?! Dami mong tanong!
Caloy: Eh bakit hindi mo nalang kasi sinabi?
Bobbie: (humina yung boses) Eh ano eh. Nakakahiya.
Caloy: Sus! Wala namang problema sakin kung gusto mo magpalakas sa pamilya ko. Pero di mo na kailangan magregalo. Mahalin mo lang ako, okay na okay na.
Bobbie: Ayan tayo eh! (natatawa)
Caloy: O sige na, kung ayaw mo talaga magpasundo, hindi na kita pipilitin. Just make sure na sisipot ka, ok?
Bobbie: Opo. Hindi naman ako indianera noh.
Caloy: I’ll text you the address after this call. I’ll wait for you tonight.
Bobbie: I’ll be there.
Caloy: Promise?
Bobbie: Promise.
Caloy: Sige na. Magbreakfast ka na.
Bobbie: Eeeeh. Mamaya na. Matutulog muna ko. Wag mo ko piliting bumangon kung ayaw mo magpakilala ng zombie sa pamilya mo mamaya.
Caloy: Fine fine. Good morning Babs!
Bobbie: Good morning. Bye! (ended the call)
BINABASA MO ANG
#100HappyDays
RomanceKung nasundan mo ang Project Ex series, siguradong may ideya ka kung sino si Caloy. Paano nga ba pag nain-love ang isang happy-go-lucky sa isang nega't di naniniwala sa true love at destiny? Three months of challenge. Two perfect strangers. One epic...