Chapter 12

3.5K 76 19
                                        

I do not own any of the photos used in this story. All image rights belong to their respective owners/creators. Credits go to the rightful photographers, artists, and sources. No copyright infringement intended. Used for creative purposes only.

SOAKED SECRETS

Trevour's POV

May 24, 2019 (Friday)

Makalipas ang halos kalahating araw ng biyahe mula sa pag-alis namin sa bahay, pagpunta sa airport, at ang aming lipad patungong Palawan. Pakiramdam ko'y pagod na ang buong katawan ko. Pagdating namin sa airport doon, sinalubong kami ng isang private van na inihanda na pala para sa amin. Mula roon, bumiyahe pa kami ng mahigit kalahating oras papunta sa isang pribadong daungan, kung saan naghihintay ang isang marangyang yacht. Ayon kay Dad, pagmamay-ari rin ng kanyang kaibigan.

Pag-akyat namin sa yacht, hindi ko maiwasang mamangha. Kumpleto ito sa amenities, may sariling lounge area, mini bar, at kahit jacuzzi! Habang naglalayag kami sa kalmadong dagat, naramdaman kong unti-unting nawawala ang pagod ko sa ganda ng paligid.

 Kumpleto ito sa amenities, may sariling lounge area, mini bar, at kahit jacuzzi! Habang naglalayag kami sa kalmadong dagat, naramdaman kong unti-unting nawawala ang pagod ko sa ganda ng paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumaan ulit ang halos kalahating oras ng paglalakbay sa dagat, sa wakas ay narating din namin ang resort. Tanaw pa lang namin ito mula sa yacht, alam ko nang high-end ang lugar. Malawak ang beachfront, may mga private villa na nakatago sa likod ng mga palm trees, at may sariling helipad pa.

Sabi ni Dad, ang resort na ito ay pagmamay-ari ng matalik niyang kaibigan, hindi lang basta investor, kundi parang kapatid na rin ang turing niya rito. Dito raw kami maglalagi ng ilang araw para magpahinga, malayo sa ingay ng lungsod at stress sa trabaho.

Sa unang sulyap pa lang, dama na agad ang katahimikan at ginhawa ng lugar. Ang tinutuluyan naming bahay ay isang malaki at modern beach house. I think, base sa nakita namin kanina bago bumaba sa yate. Ito ang pinaka malaking lot sa buong isla. Ang buong structure nito ay elegante pero may tropical touch pa rin. Maaliwalas at presko ang paligid, at kapag binubuksan ang mga sliding glass doors, sumasalubong ang malamig na simoy ng hanging dagat, rinig ang hampas ng alon at ang huni ng mga ibon sa paligid.

Pagbaba ng aming mga bitbitin, agad kaming sinalubong ng isang matandang lalaki, si Mang Ador, ang tagapag alaga ng bahay. Maaliwalas ang mukha nito at halatang sanay na sa pagtanggap ng mga bisita.

"Magandang hapon po. Ako po si Ador, ako po ang housekeeper dito. Ako na rin po ang bahala sa mga pangangailangan ninyo habang nandito kayo." bati nito sabay bahagyang yuko.

" bati nito sabay bahagyang yuko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kuya (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon