Chapter 10

12.4K 205 40
                                        

I do not own any of the photos used in this story. All image rights belong to their respective owners/creators. Credits go to the rightful photographers, artists, and sources. No copyright infringement intended. Used for creative purposes only.

CAR FUN

Trevour's POV

Kasama ko ngayon si Kuya Tristan sa mall. Bukas na ang alis namin para sa summer trip kaya heto kami, namimili ng mga kailangan dalhin at, syempre, ilang summer outfits na bagay sa mainit na panahon.

Kasama rin namin si Kuya Casper na nagsilbing driver namin ngayong araw.

May free time kasi si Kuya kaya naisipan nitong magmall at dahil ako lang din ang nasa bahay kaninang umaga, ako agad ang naisama nito. Wala akong choice, pero ayos lang, gusto ko rin namang lumabas-labas at makabonding si Kuya Tristan.

Habang naglalakad-lakad kami sa loob ng mall, nawala pansamantala ang focus ko sa mga paninda at stores na nadadaanan namin ng mapansin ko ang mga sulyap ng mga tao sa paligid. May mga nagdadaan na pasimpleng tumitingin, habang ang iba naman ay lantaran kung makatitig, halos bumunggo na sa nakakasalubong.

Lagi na lang ganito kapag magkasama kami sa labas. Para kaming walking magnet ng tingin. Minsan pakiramdam ko artista kaming napadaan lang. Kumpleto ang aura, height, porma, at presensya. Kulang na lang ay may maglabas ng cellphone at humiling ng picture.

Lalo na kapag kaming apat nina Dad ang sabay-sabay lumalabas. Doon talaga ramdam ko 'yung spotlight. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mailang. Honestly, hindi talaga ako sanay sa ganung atensyon. Iba 'yung pakiramdam, parang may boses sa utak ko na paulit-ulit na sinasabi, 'Tumingin ka sa sahig, huwag kang tumingin sa kanila.'

May mga nakakakilala naman talaga sa amin. Ilang beses na rin kasi kaming na-feature sa balita at sa iba't ibang magazines. Si Dad pa lang, kilalang-kilala na sa industriya, lalo na noong maimbitahan siya sa isang sikat na talk show kung saan naikuwento nito ang  journey niya bago maabot ang tagumpay na meron kami ngayon. Yearly rin kaming cover ng aming mens magazine lalo na para sa year end issue kaya alam kong may ibang nakita akong  lumaki kahit pa sa pang taunang larawan lang.

Bigla akong inakbayan ako ni Kuya Tristan. Ramdam ko ang bigat at taba ng braso nitong gumapang sa aking batok. Nilaro niya ang tenga ko gamit ang daliri. One of his usual habit whenever he puts his arm around me. Then he raised his phone and took a quick photo of us. Afterwards, he grabbed my hand, and we walked together, holding hands just like we always do.

 Afterwards, he grabbed my hand, and we walked together, holding hands just like we always do

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Don't mind them. Cute ka daw kasi," bulong niya na may kasamang natatawang hinga sa tenga ko. Napairap ako habang bahagyang siniko siya sa tagiliran. "Ewan ko sa'yo, Kuya," nakangiting wika ko dito.

Nagpatuloy na kami sa pag-iikot sa mall, bawat hakbang ay may kasamang tawanan, kulitan, at paminsan-minsan ay mahabang pagtitig sa mga display. Ang una naming pinuntahan ay isang boutique na may summer collection. Mga linen shirts, light-colored shorts, bucket hats, at kung anu-ano pang bagay na sigaw na sigaw ang beach vibes.

Kuya (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon