I do not own any of the photos used in this story. All image rights belong to their respective owners/creators. Credits go to the rightful photographers, artists, and sources. No copyright infringement intended. Used for creative purposes only.
NEW BONDS, OLD SOULS
Trevour's POV
Kasalukuyan akong nag bibihis ng makatanggap na naman ako ng panibagong tawag. I took a quick glance at my phone screen and saw my childhood best friend's name, Basti. Isa ito sa pinakamalapit na kababata ko mula sa dati naming tinitirahan.
Sebastian Maniago, kasing edad ko lamang ito. Simula't sapul ay ito na ang nakakalaro at nakakasama ko sa eskwela. Malapit din ang pamilya nito sa amin. Kaclose din ng mga Kuya ko ang nakatatanda nitong kapatid.
Kuya Severino Maniago, isang kilalang basketball player na ito ngayon sa malaking unibersidad sa Maynila. 20 years old civil engineer. Isa sa malapit ring barkada at kaklase noon ng Kuya Traylor.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Basti!!! Ba't ngayon ka lang napatawag, taba?!" amok ko rito. Hindi naman na ito mataba. Sadyang lumaki kaming may kabigatan ito kaya siya'y nagawaran ng nakatutuwang nickname na ikinaiinis nito.
"Taba ka diyan?! Umpog kita dito sa maskels ko eh." biro nito.
"Kamusta na bulilit?" Tanong nito.
"Hoy! FYI mag kasing taas lang tayo. Nagmumukha ka lang matangkad sa akin dahil ang laki mo. Tumawag ka lang ba para inisin ako?!" sagot ko rito.
"Hindi naman, nangangamusta lang. Mukhang kinalimutan mo na kasi ako eh." pagdadramang patuloy nito.
"No! I was just so busy fixing everything." depensa ko rito. "Its just that... You know? School. Settling in. New Environment. Tapos since malapit na ang pasukan, napapadalas ang bonding namin nina Dad. I missed you kaya my best friend na tabachingching." biro ko rito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hayyy... To be honest, hindi naman talaga siya mataba. Mas tama sigurong sabihing "malaman" o "well-built" kung tutuusin. Pero katuwaan lang talaga namin ang magbigayan ng mga nakakatawang palayaw. Isa sa mga bagay na naging bonding naming dalawa. Sanay na kaming asaran, tawanan, at minsan seryosong usapan, pero lagi't laging may halong lambing.