Chapter 9

11.2K 186 7
                                        

I do not own any of the photos used in this story. All image rights belong to their respective owners/creators. Credits go to the rightful photographers, artists, and sources. No copyright infringement intended. Used for creative purposes only.

I MISS YOU

Trevour's POV

MAY 22, 2019 (WED)

Two days after our movie marathon a lot has changed between my relationship with Kuya Traylor. We became closer and started being open to each other. Well, since the movie night wala pa namang bagong naganap sa pagitan namin ni Kuya. Also, he became so busy na rin sa summer class na tine-take nito.

Nasa school pa si Kuya Traylor ngayong araw, pero in three days, tapos na rin siya. Halos ang buong bakasyon niya ginugol sa pag-aaral, samantalang ako, pahinga lang nang pahinga. Incoming first-year college student na siya this school year, at halata sa kanya ang halong kaba at excitement. Sila raw nina Kuya Tristan, mga college students, ay magsisimula ng klase in two weeks, isang linggo ahead sa amin na Senior High. Pero kahit papaano, sabay-sabay pa rin kami papasok sa parehong school, kaya alam kong hindi pa rin siya makakatakas sa mga asar ko.

Medyo nakakalungkot para kay Kuya Traylor kasi after ng summer class niya, dalawang linggo na lang ang matitira bago magsimula ang pasukan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Medyo nakakalungkot para kay Kuya Traylor kasi after ng summer class niya, dalawang linggo na lang ang matitira bago magsimula ang pasukan. May subject kasi itong kailangan i-take for this semester na offered exclusively around summertime. Idagdag pa na late siyang nag-start. Halos end of April na, kaya tuloy end of May na rin natapos ang klase nito. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit maaga na siyang nangarag sa pagsho-shopping ng mga bagong damit at school supplies.

Si Kuya Tristan naman, on the other hand, mukhang enjoy na enjoy sa pagtulong kay Dad sa business. Madalas din siyang busy, pero halatang nag eenjoy siya sa ginagawa niya, parang mas gusto pa niya 'yon kaysa tambay lang sa bahay.

Minsan nga naiisip ko, habang pinapanood ko silang dalawa, parang ang bilis nilang tumanda. Si Kuya Traylor, abala sa school; si Kuya Tristan, seryoso sa work. Ako lang yata 'yung hindi pa handang sumabay sa bilis ng mga nangyayari.

 Ako lang yata 'yung hindi pa handang sumabay sa bilis ng mga nangyayari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kuya (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon