Chapter 4

5 1 0
                                    

Chapter 4

Samantha's POV

Nagising ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa cp ko. Thursday na ngayon at walang pasok ang baby ko. Kaya hanggang ngayon tulog pa ito. Kinusot ko ang mata ko at sinagot ang tawag. "Hello..." sabi ko "Hello Sam we have an urgent meeting, you need to be here as early as you can." Sabi ng boss namin. "Okay boss I will be there." I said then hang up. Tinawagan ko sila mommy at sa kanila ko muna sana iiwan si Xyam but they are too busy right now. Tinawagan ko rin si ate pero busy rin siya. Kaya naman I have no choice but to bring my baby in my work.

Kaya naman pumunta ako sa kwarto niya at ginising siya. 7:00 am pa lang naman. Tinapik ko nang mahina ang pisngi niya. "Baby, gising na." sabi ko then maya maya pa ay nagising na rin ito. "Why mom?" takhang tanong niya. "We need to go to my office. Wala ka kasing kasama rito. And the thing is busy ang lola at lolo mo. Pati na rin si Tita Amara at Tito Clinton mo kaya walang magbabantay sayo." Mahabang litany ko. Tumango naman siya at nakangiting nagsalita. "Okay mom, matagal tagal na rin po kasi akong hindi nakakapunta sa office niyo eh. Okay I will take a shower then." Sabi niya na ikinangiti ko lang naman. Then nagpunta na rin ako sa kwarto ko at naligo then nagbihis na rin. Maya maya pa aya natapos na rin ako kaya naman lumabas na ako ng kwarto. Natanaw ko naman si Xyam sa may sala kanina pa siguro naghihintay. Lumapit naman ako sa kanya at niyaya na siya patungo sa kotse. Then nagdrive na ako at maya maya pa ay nakarating na rin kami sa office. Naunang bumaba si Xyam na halatang excited na excited pa. sumunod naman ako habang hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papasok sa loob. Sumalubong sa amin ang malawak na ngiti ng mga kasamahan ko. "Hi there baby Xyam. Gosh! Your big na." sabi ni Christine katrabaho ko rin and ninang siya ni Xyam. Tumango na lang si Xyam at tumakbo ng makita si Yvander na papalapit. "Hi, there little man." Sabi nito at binuhat si Xyam. Yah ganyan sila kaclose. "I miss you tito." Sabi ni Xyam. "I miss you too young man." Sabi ni Yvander at ginulo ang buhok ni Xyam. Then pinatawag ako ni boss sa office niya, iniwan ko naman si Xyam kasama si Yvander na masayang naglalaro.

"Good morning boss." I greeted him. "Good morning Sam. May malaking client na gustong magpatayo ng unique establishment. Isa rin sa pinakasikat na tao sa buong mundo ang taong ito. Kilala mo naman siguro si JP Saico right?" tumango naman ako. "Siya ang big client natin. Gusto niyang magpatayo ng bahay sa Pilipinas sa isang Resort na nabili niya sa tagaytay. And as one of the most successful engineer, ikaw ang ibinigay kong engineer kay JP kaya naman you need to book a flight for tomorrow night. Nandun na kasi ngayon si JP sa Pilipinas. Kailangang makausap mo siya ng maaga para sa mga details na kakailanganin mo sa pagpapatayo ng bahay niya." Sabi ni boss. Mukhang kailangan ko na talagang bumalik sa Pilipinas. Hayy! "I trust you Sam. Ikaw ang ipinagmamalaki ng office natin kaya 'wag mo kaming bibiguin." Sabi niya. Tumango na lang ako at huminga nang malalim. Siguro nga panahon na para harapin ko ang nakaraan ko. Siguro ito na ang tamang panahon. Nagpaalam na kami ni Xyam sa kanila at umuwi na rin kami. Dumaan muna kami sa bahay nila mommy at ipinaalam sa kanya na babalik na kami sa Pilipinas.

Someone's POV

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko lubos akalain na maisasalba ko ang isang tulad niya. Nawalan ako ng mga anak kaya naman labis labis ang aking tuwa ng matagpuan ko siya sa kagubatan.

-Flashback-

Nagbabakasyon ako ngayon dito sa Pilipinas. Bale nakatira ako sa bahay ko sa Davao. Ngunit mas gusto kong mag-adventure at maghunting ng mga hayop kaya naman kung saan saang kagubatan na ako nakarating. Kung minsan din nagtatayo kami ng tent ng mga bodyguards ko sa gitna ng kagubatan at doon na nagpapalipas ng gabi. Hanggang sa isang gabi, may nasaksihan kaming aksidente, nalaglag ang sinasakyang kotse nito sa bangin. Malapit lang kami sa gubat na iyon kaya agad agad naming nailigtas ang isang lalaki na duguan na. Siguro kasing edad na siya ngayon ng mga anak ko. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na tulungan ito. Nakalayo na nga kami sa kotseng iyon at maya maya pa ay sumabog na ito. Sa lakas ng pagsabog nito ay napaupo kami sa lupa. Ngunit kritikal ang lagay noong lalaki kaya naman agad agad ko siyang dinala sa ospital. Noong nagamot na ang mga sugat niya ay nacomathose naman ito. Kaya naman napagdesisyunan ko itong dalhin sa America kung saan ako nakatira at ipagamot ito. Noong una nawawalan na ako ng pag-asa dahil halos isang taon na siyang nakaratay sa ospital at walang malay. Sinasabi na rin ng mga Doktor na 50-50 ang chance niyang mabuhay. Ngunit isang umaga, isang malaking himala ang nangyari sa kanya. Minulat niya na sa wakas ang kanyang mga mata, ngunit hindi niya maalala ang nakaraan niya. Ni pangalan niya ay hindi niya matandaan. Kaya naman nagpakilala ako sa kanya bilang ama niya.

-End of Flashback-

"Dad" sabi niya at niyakap ako. "I have to go. Take care okay. I'm gonna come back soon." Sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa akin. "Yeah son. You too. Take care of yourself." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Ngayon kasi ang flight niya papunta sa Pilipinas.........

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon