Chapter 16

6 1 0
                                    

Chapter 16

Chamber's POV

Nagpunta kami ni Jensen sa Nueva Ecija dahil dumating na raw si Philip, ang aking pinakamamahal. Simula ng mamatay si Dad hindi kami nawalan ng koneksyon sa isa't isa. Alam niya rin na nabuhay ang isa naming anak. Si Jensen ang kasama niya sa America. Habang ako naman ay nasa Pilipinas. Alam niya ring namatay ang isa naming anak si James. Kaya naman nalungkot ito. Simula noong namatay si dad, nagpakasal na rin kami, hindi nga lang alam nila Melody dahil isinekreto namin ni Philip ang pagpapakasal. Hindi rin nila alam na tumira si Jensen sa America kasama siya.

Maya maya pa ay nakarating na rin kami sa bahay niya. Pumasok na kami sa loob dahil kilala naman na kami ng katulong. "Hi hon," sabi ko habang papalapit sa kanya. Kaya naman napaharap sila sa akin ng kausap niya. Gayon na lamang ang pagkalaglag ng panga ko sa nakita. "Oh hi JP Saico, ikaw ung sikat na model right." Sabi ko ngunit nagulat na lang ako sa sumunod niyang sinabi. "Tita Chamber ano pong ginagawa niyo rito?" tanong niya na nakapagpalaglag ng panga ko. Paano niya ako nakilala hindi ko naman siya kilala. "Pa-papaano mo ako nakilala?" tanong ko. "Mahabang istorya tita. Pero sasabihin ko na rin. Umupo naman ako sa sofa na kaharap ng inuupuan nila Dad Philip. "Five years ago, naaksidente po ang kotseng sinasakyan ko...... nahulog ito sa bangin at sumabog, ngunit bago ito sumabog nailigtas po ako ni Dad Philip. Kinupkop niya ako at inalagaan. Isinama niya ako sa America at doon ipinagamot. Kaso nagkaroon po ako ng amnesia kaya hindi ko naalala ang nakaraan ko. Pero isang araw bumalik po lahat ng alaalang nawala sa akin sa loob ng limang taon. Naalala ko na po lahat. Tita ako po si Xyron. Ako po si Xyron Louie Cheng, pamangkin niyo." Sabi niya kaya naman mas lalong nalaglag ang panga ko. At naramdaman ko na lang na tumulo na ang mga luha sa mata ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang sobrang higpit. "Tita okay lang po ba kayo?" sabi ni Xyron at pinat ang likod ko. "Okay lang ako, o-okay l-lang a-ko anak." Sabi ko at niyakap siya nang mahigpit. "Wait tita, hindi ko po kayo maintindihan? Ano pong anak? Sino pong anak?" naguguluhang tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit. "Noong araw na naaksidente ka, nalaman ko ang buong pagkatao mo. Ampon ka lag nila Melody at Victor right?" sabi ko tumango naman ito. Then nagsalita ulit ako. "Ako ang tunay mong ina Xyron, may kakambal ka pero pinalabas ni Dad na patay na ang isa kong anak. Kaya naman nalungkot ako. yun pala pinadala ka ni dad sa isang ampunan. Sinabi rin ni dad kay Philip na namatay ang anak namin. Dahil ayaw ni dad kay Philip kasi mahirap lang siya noon.......... Pero bago mamatay si dad, inamin niya sa akin lahat at humingi siya ng tawad. Sinabi niya rin na buhay ka at kung saang ampunan ka niya iniwan. Kaya naman bumalik ako roon. Bumalik ako sa ampunang iyon ngunit nalaman ko na lang na may nakaampon na pala sayo. Then lumipas ang 20 taong paghahanap ko sayo. And worth it naman ito dahil nalaman ko ang katotohanan. Na nasa tabi ko lang pala ang isa kong anak. Ikaw ang sanggol na inampon nila Melody. Xyron anak. Desidido akong pumunta sa bahay niyo noon dahil sa kasiyahang nararamdaman ko. Dahil sa wakas nahanap ko na rin ang anak ko. Ngunit sa kasamaang palad, un din ang araw na nalaman kong naaksidente ka na and wost ay patay ka na. hindi ako makapaniwala sa nangyari kaya nagkulong ako sa kwarto ko ng ilang buwan. Kaya naman napauwi nang maaga si Jensen sa Pilipinas para alagaan ako. Noong time rin na iyon, kasagsagan ng paglago ng negosyo ni Philip kaya naiwan siya sa America at hindi sumama kaya naman dito na nanirahan si Jensen sa Pilipinas. Anak ko, salamat sa Diyos at buhay ka. Miss na miss na kita anak." Sabi ko habang humahagulgol na. lumapit naman sa akin si dad at Jensen at niyakap rin ako. "Son, hindi ko alam na totoo pala kitang anak. Kaya pala magaan ang loob ko sayo. Son ang saya-say ko." Sabi ni Philip na umiiyak na rin. "Bro I miss you." sabi naman ni Jensen nang magbitaw sila sa yakap. "Ang bading mo bro." natatawang sabi naman ni Xyron. "Masayang masaya ako dad. Mom and bro. Dahil sa wakas kumpleto na rin ang pamilya ko. Dahil sa wakas nakilala ko na rin kung sino ang totoo kong mga magulang. Napakasaya ko po mom, dad."sabi niya habang nakangiti at pinupunasan ang luhang umaagos sa mga mata niya. Then masaya lang kaming nagkwentuhan. "Bro naka-usap mo na ba si Sam? May anak ka na pala bro, grabe ka napagkamalan pa ako noong anak mo na daddy niya." Pailing-iling na sabi ni Jensen kaya natawa na lang kami. "Oo bro. alam na ni Sam lahat." nakangiting sabi nito. "So anong plano mo son?" tanong naman ni Philip. "Tutal ayos na po ang family ko, gusto ko na pong magsettle. Malaki na rin ang anak namin kaya gusto ko na po sanang magpakasal kami ni Sam. Total 25 naman na po ako at ganun din si Sam. Ayoko na pong magsayang ng panahon."sabi niya. Masaya naman akong tumingin kay Xyron at ngumiti bago nagsalita.. "Okay na okay yan son. Ang ganda kaya ni Sam. Nasa kanya na ang lahat. naku 'wag mo ng pakawalan pa. Kikitusan kita kapag nagkataon." Hyper na sabi ko. Kaya natawa naman sila sa reaksyon ko. "Syempre mom hindi ko na papakawalan un. Mahal na mahal ko un eh." Sabi niya habang nakangiti tinapik naman ni dad ang balikat ni Xyron. "I will support whatever your decision is. Sabihin mo lang son kung ano ang gusto mo."nakangiting sabi ni Philip at ganun din ako. "Okay dad, thank you po." Sabi niya then nagpaalam na rin siya na babalik na sa Manila. Sinabi kong dumito muna siya ngunit namimiss niya na raw ang mag-ina niya. Kaya naman wala na kaming nagawa ni Philip. Pumasok na kami sa loob na masayang masaya. Dahil saw akas kumpleto na rin ang pamilya namin.

JP's POV

Kahit na nakakapagod ang biyahe, nakangiti pa rin ako nang makarating ako sa bahay nila Sam. Gabi na noong makarating ako. Kaya tulog na si Xyam. Pumasok na ako sa kwarto namin ni Sam at naabutan ko naman siyang tinitignan ang plano ng bahay na ipinapatayo ko sa tagaytay. Nagsimula na kasing gawin un at ang pagkakaalam ko, malapit na ring matapos. Napagawi naman ang tingin niya sa akin at nakangiting lumapit sa akin. "Kamusta ang lakad mo husbie?" sabi nito sabay kiss sa akin sa lips. "Okay lang wifie. Nahanap ko na ang totoo kong mga magulang." Sabi ko. "So nagka-usap na pala kayo ni tita Chamber. I'm happy for you husbie." Sabi niya sabay yakap sa akin. "Wait lang husbie. Eh sino ung daddy mo?" nagtatakang tanong niya. "Si dad Philip wifie." Sabi ko habang nakangiti. "Kyahhhh! Really what a coincidence. I'm so happy for you husbie." Sabi niya sabay kiss sa pisngi ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan ang noo niya. "Kumain ka na ba husbie? Ipaghahanda kita ng pagkain. Nagluto ako ng paborito nating chicken curry." Sabi niya habang nakangiti. Tumango naman ako bago nagsalita ulit. "Oo nga wifie. Naalala ko hindi pa nga ako kumakain eh." Sabi ko at nagpunta na kami sa kitchen...........

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon