Chapter 11

6 1 0
                                    

Chapter 11

Samantha's POV

Sa sobrang saya natulala na lang ako at hindi nakagalaw sa kinauupuan ko. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanyang mga mata na ngayon ay hindi na rin matigil ang pag-agos ng mga luha nito. Nagtataka man si baby Xyam sa tabi ko ay hindi ko na ito pinansin. Lumapit ako kay JP I mean Xyron at niyakap siya nang sobrang higpit. Hinawakan ko ang pisngi niya at siniil siya ng isang napakalalim na halik. Halik na punong puno ng pagmamahal. At pagkasabik sa kanya. Halik na ngayon ko lang ulit naramdaman matapos ang nakalipas na limang taon na nagdaan sa buhay ko. Isang halik na totoo at walang bahid ng panaginip. Isang halik na galing sa mahal ko. Hindi ko na naalala na nandito pala si Xyam sa tabi ko. Patuloy pa rin ang halik ko sa kanya at ganoon din siya ng biglang bumukas ang pinto. "Tito okay na raw po ang lagay ni JP....... OH MY GOSHHHHH! EHEM! EHEM! HINDI NIYO NAMAN SINABI NA MAY RELASYON PALA KAYO. KYAAAAAAHHHHHH! BOTONG BOTO PA NAMAN AKO SA TANDEM NIYO. KYAHHHH!." Gulat na gulat man ngunit halata sa reaksyon ng manager ni JP na masaya siya para sa amin. Sigaw ng manager ni JP kaya naman napahinto kami sa halikan session na isinasagawa namin kanina. Hiyang hiya naman ako kaya yumuko na lang ako habang namumula ang pisngi ko. "Mom are you sick? Your face turned red." Nakakunot na tanong ni Xyam sa tabi ko. "N---no baby I'm not sick." Nauutal kong sabi kay Xyam. Tumawa naman si JP na kanina ay umiiyak lang then maya maya pa ay nagsalita na siya. "Baby your mom is blushing that's why her face turned red." Pag-eexplain ni JP then tumawa ulit. Hinampas ko naman ang braso niya. "Ah because mom love you dad. That's why she blushed hard." Sabi naman ni Xyam na tumatango-tango pa. Napatikhim naman si manager Koo at ang dad ni JP na kasama pala ni manager. "Wait teka lang. Anong? Anong nangyari mag-asawa kayo ni Sam? Bakit walang nakakaalam?" nalilitong tumingin si manager sa amin. "Anak anong ibig sabihin nito. Did you remembered everything about your past?" natutuwang tanong ng lalaki na siguro ay nasa 50's na. matangkad ito at maputi kita pa rin ang kakisigan nito at mapagkakamalan mo pang nasa 30's dahil sa tikas ng pangangatawan nito. Singkit ang mga mata nito. In other word. Parang siya si Xyron kaso pinatandang version lang. Nabuo naman ng pagtataka ang aking isip. Hindi kaya................... Hindi kaya siya talaga ang tunay na dad ni Xyron oh my gosh. Ano ba itong iniisip ko. Kumalma ka Sam. "Dad I remembered everything. Naalala ko na po ang nakaraan ko." Masayang sabi ni JP. Masaya namang lumapit sa kanya ang dad niya at niyakap siya nang mahigpit. "I'm really happy for you son......" masayang sabi nito. "Paano yan iiwan mo na ba ako? babalik ka na ba sa totoo mong pamilya?" malungkot na tanong ng dad niya. "Hindi kita iiwan dad. Utang ko sayo ang buhay ko. Maiintindihan naman siguro nila mom Melody ang lahat. Pupuntahan ko agad sila at kakausapin." Sabi ni JP. "Thank you son." Sabi naman ng dad niya na umiiyak na.

Sinabi rin ng doktor na maaari ng umuwi si JP dahil okay naman na ang kalagayan niya. Epekto lang daw un ng pagbabalik ng mga alaala niya. Kaya naman nadischarge na rin siya sa ospital. Kaya naman imbis na sa condo niya siya umuwi, sumama siya sa amin ni baby Xyam at umuwi sa bahay namin. Pumayag naman si tito dahil nagpumilit talaga si JP. Samantalang si tito ay doon namalagi sa bahay niya sa Makati. Bibisita na lang daw siya rito kapag nagkataon. Nalaman ko rin na Philip pala ang pangalan nito. Philip Saico. Noong narinig ko nga yon noong una parang pamilyar. Ewan ko ba.

Ako na ang nagdrive dahil dala ko naman ang sasakyan ko. Maya maya pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Matapos kong ipark ang kotse ko ay bumaba na rin kami. Buhat ni JP si Xyam sa kabila niyang kamay habang nakahawak naman ang isa niyang kamay sa kamay ko. Maya-maya pa ay nasalubong namin si yaya Rosa. "Good morning yaya Rosa. Ang ganda niyo po." Masayang bati ni JP kaya naman nagtatakang lumapit sa akin si yaya at nagtanong. "Mam bakit kilala ako ni sir JP?" naguguluhang tanong ni yaya. Tumawa muna ako bago nagsalita. "Mahabang kwento yaya tara po muna pumasok sa loob at tsaka ko ikukwento." Sabi ko habang hindi pa rin napapawi ang ngiti sa aking mga labi.

Nakarating na nga kami sa loob kaya naman umupo kami sa sofa. Magsasalita pa sana ako ngunit hinawakan ni JP ang kamay ko at pinisil ito. Tumingin siya sa mga mata ko at nagpapahiwatig na siya na raw ang magkwento. Kaya naman tumango na lang ako. "Yaya kasi ko diba naaksidente ako noon......" panimula niya. Habang nakikinig namang maigi si yaya. "Nahulog po ang sinasakyan kong kotse sa bangin. Ngunit bago sumabog iyon ay may nagligtas sa akin. Nagka-amnesia po ako at hindi naalala ang nakaraan ko. Lumipas ang limang taon na hindi ko pa rin naaalala ang lahat. Hanggang sa umuwi ako sa condo ko at nanaginip. Hanggang sa tuluyang manumbalik ang mga alaalang nawala sa akin. Mga alaala ng aking nakaraan. Yaya si Xyron po at ako ay iisa. Buhay po si Xyron at ako yon." Mahabang paliwanag ni JP. Nakanganga naman si yaya hanggang sa maya maya pa ay tumili siya at nagsisisgaw. Dahil sa sobrang tuwa ay niyakap niya si JP at pinaghahalikan ang pisngi nito. Tuwang tuwa naman si JP sa ginawa ni yaya. Tumatawa lang ako pati si Xyam. "Naku sir Xyron ay este sir JP sabi na nga ba buhay kayo eh. Malakas talaga ang kutob ko noon pa man dahil hindi nakita ang bangkay niyo. Masayang masaya ako sir. Kumpleto na ang pamilya niyo sir. Ano bang itatawag ko sa inyo Xyron o JP?" naguguluhang sabi ni yaya. Ngumiti na naman si JP at tuminingin sa akin then tumingin kay yaya. "Xyron na lang po yaya Rosa. Total yon naman po talaga ang nakagisnan niyong tawag sa akin." Sabi niya tumango naman si yaya at tuwang tuwa pa rin. Maghahanda raw muna siya ng pagkain. Nakaupo pa rin kami sa sofa ngayon. Nakayakap si Xyron sa beywang ko, habang nakaupo naman sa lap niya si baby Xyam then nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. "Husbie I miss you." sabi ko habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat niya. "Don't worry wifie miss na miss din kita. Sobra sobra. Kaya be ready dahil susundan na natin si Xyam mamaya." Bulong niya sa tenga ko. Na nakapanindig ng mga balahibo ko hindi ko rin tuloy maiwasang mamula dahil sa pinagsasabi ng isang to. Gosh! Buti na lang hindi narinig ni baby Xyam ang mga sinabi niya dahil busy itong naglalaro ng PSP sa lap ni Xyron......... ano bay an kailangan ko na bang humanda? Oh my gosh! Baka hindi na ako makatayo pag nagkataon..... ano ba Sam erase! Erase! Tanggalin mo nga yang kahalayang namumuo sa isip mo gosh!........ sabi ng impakta kong konsensiya.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon