Chapter 6

5 1 0
                                    


Chapter 6

Samantha's POV

Nagising ako nang maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Lumingon ako sa orasan at nakita 9:00 am na pala. Medyo tinanghali na ako ng gising. Total Saturday naman ngayon kaya wala pang pasok si Xyam. Sa Monday kasi magsisimula na siyang pumasok ulit kaya naman inayos ko na ang mga papeles niya para makapagtransfer na siya nang maayos.

Tulog na tulog pa rin si Xyam sa tabi ko kaya hindi ko a ito ginising pa. bumangon na ako at maghahanda n asana ng pagkain ng makita ko na may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Bumungad sa akin ang nakangiting si yaya Rosa. "Oh mam gising nap o pala kayo. Si Xyam po ba?" nakangiti pa rin nitong tanong. "Tulog pa po manang. Hindi ko na po ginising at baka napagod sa biyahe." Sabi ko habang nakangiti. Paupo na sana ako sa upuan nang makita ko si Xyam na pababa ng hagdan. Dali-dali akong lumapit sa kanya at inaya na itong kumain. "Baby what do you like?" sabi ko habang pinapapili siya sa mga nakahandang pagkain sa mesa. Mayroong scrambled egg, bacon, hotdog, toasted bread, pancake then milk. Inaaya ko namang kumain sila yaya at manong Berting ngunit tumanggi naman ang mga ito. Katatapos lang daw nilang kumain.

"Baby do you want to come with me? Let's shop things you need in your new school." Sabi ko habang nakangiti. "Yeah mom." Maikling sagot niya habang nakangiti. Nang matapos kaming kumain ay nagbihis na rin ako. I'm wearing simple white shirt then fitted jeans then a flat shoes. Nakasuot naman si Xyam ng strip polo shirt then pantalon at nakasapatos ito. Siya na ang nagbihis sa kanya. Kahit naman gustuhin kong bihisan siya ayaw niyang pumayag. Matanda na raw siya. and siya na rin ang pumipili sa mga damit na nais niyang isuot. Ihahatid sana kami ni mang Berting, ngunit sinabi ko na lang na ako na ang magmamaneho. Then sinabi rin ni yaya Rosa na naayos niya na ang room ni Xyam kaya 'wag na raw akong mamroblema. Ngumiti lang ako nang malawak sa kanila at nagpaalam na rin. At nagpunta na kami sa mall. Maya maya pa ay nakarating na rin kami. Pinark ko na ang kotse ko at bumaba na rin kami ni Xyam. Pagkapasok sa mall ay maraming tumitingin sa amin. Yung iba ay malawak ang ngiting nakatingin sa akin. Ung iba ay bumubulong pa ngunit naririnig ko rin naman.

"Gosh is that Samantha Snow Dy? The most successful engineer and model?" tanong nong isang babae sa kasama niya. "Yeah girl siya nga. Maganda siya sa pictures at mga magazines pero mas maganda pala siya sa personal." Sabi ng isa na kitang kita ang pagkamangha sa mga mata. Nginitian ko lang sila habang patuloy kami sa paglalakad ni Xyam.

"Si Samantha Snow Dy ba iyon? Ang ganda niya. Wait ung kasama niya kayang bata. Is that her son?" tanong ng isang babae sa mga kasamahan niya. "Yah girl. Gosh ang gwapo ng anak niya." Komento naman ng isa. "Idol na idol ko talaga siya gosh. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko na siya ngayon." Maluha-luhang sabi naman ng isa. Ngumiti na lang ako at nagpunta sa national Book store kasama ang anak ko.

Nakakarinig pa rin ako ng mga bulong bulungan ngunit hindi ko na lang pinapansin. Ngumingiti na lang ako. Maya maya pa ay nakarating na rin kami sa national bookstore. Nagtingin tingin ako ng mga gamit ni Xyam then notebooks niya. Well siya nga lang ang namimili ng designs. Nang matapos kami sa pamimili ay pumila na kami sa counter. Lumapit naman ang isang sales lady sa akin at nagrequest siyang magpapicture sa amin kaya naman hindi ko na ito tinanggihan. "Gosh! Miss Sam ang ganda ganda niyo po talaga. Kahit simple lang ang suot niyo you look stunning. Palagi po akong bumibili ng magazines niyo." Tuwang-tuwang sabi ng saleslady. "Wow sya na po ba ang anak niyo. Ang gwapo gwapo po." Nakangiti pa ring sabi nito tumango lang ako at ngumiti sa kanya. then nagpaalam na siyang magtatrabaho na raw ulit. Medyo nahihiya pa ang saleslady sa counter ng makita ako. nagbayad na ako then umalis na kami roon.

Habang naglalakad kami tinanong ko si Xyam kung saan niya gustong kumain. "Xyam baby, where do you want to eat?" tanong ko. Nakayuko pa rin ako habang nakatingin sa kanya at naglalakad. "There mommy." Sabi niya habang tinuro ang Mang Inasal. Papunta na sana kami roon ng may makabangga kami. Nilingon ko ito at nagulat na lang ako sa nakita. "I'm sorry po... naku sorry po tala.........T—Tita C-chamber." Pautal-utal kong sabi tumingin naman ito sa akin na gulat na gulat. "Sam iha. How are you?" nakangiting tugon niya at niyakap ako nang mahigpit. "I'm okay tita." Sabi ko sabay ngiti. Then nakita niya naman si Xyam sa tabi ko. "M—may asawa ka na?" takhang tanong niya. "No tita. By the way meet my son Xyam Louise Dy." Nakangiti kong sabi. "I thought may asawa ka na?" tanong niya ulit. "None tita. May nangyari po sa amin ni Xyron noong Graduation ball. And nagbunga po iyon." Sabi ko sabay tingin kay Xyam. "Meet your grandson tita."sabi ko habang nakangiti. Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata niya. "Is that my apo? Oh my gosh! Ang laki-laki mo na apo?" sabi niya habang niyakap si Xyam. Then maya-maya pa ay may lalaking lumapit sa kanya kaya naman napako ang atensyon ko rito. "Mom we need to go....hi there little boy." Sabi nito ng makita si Xyam. Natulala na lang ako sa kanya. kamukhang kamukha niya talaga si Xyron. "Ah by the way Sam meet Jensen Philip. Xyron's Twin." Sabi ni tita. Natulala lang ako nang ilang minuto then tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Jensen. Para talaga silang pinagbiyak na bunga ni Xyron. "Mom why are you crying?" tanong bigla ni Xyam. Tsaka ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako. "Nothing baby." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Muli akong niyakap ni tita. "Jensen meet Xyam. He is your brother's son." Sabi ni tita na maluha-luha na rin. "Hello little young man." Sabi ni Jensen at binuhat si Xyam."Hi there. You look like my dad. Can I hug you?" tanong bigla ni Xyam. Tumango naman si Jensen at niyakap niya na ang anak ko. Then napagpasyahan naming kumain na lang nang sabay sabay. 

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon