Chapter 14

5 1 0
                                    

Chapter 14

Samantha's POV

Nagulat na lang ako sa biglaang tanong ng anak namin ni Xyron/JP grabe as in literaly my jaw dropped. Ni hindi nga ako makakibo dahil sa sobrang pula na ng mukha ko. At ginatungan pa nitong JP na to. Kung ano-anong pinagsasabi sa anak namin. On the way na raw ang mga kapatid ni Xyam. Grabe ano siya manghuhula o kaya naman nakikita ang future. Haha grabe kakahiya ung itsura ko. Sobrang pula na ng pisngi ko buti na lang at tapos na kaming kumain kaya naman umalis na kami sa Jollibee. Papunta kaming Enchanted Kingdom ngayon dahil gusto raw pumunta ni Xyam doon. Kaya naman bumabiyahe na kami ngayon.

Maya maya pa ay nakarating na rin kami. Hapon na ng makarating kami. 12 kasi noong umalis kami sa mall. 1:00 na ngayon kaya isang oras ang bineyahe namin. Bumaba na kami ng maipark na ni JP ang kotse niya. And as usual buhat buhat niya na naman si Xyam habang magkahawak na naman ang kamay naming pumasok sa gate ng EK. Never pa kasi kaming nagpunta ni Xyam dito kasi medyo busy ako.

Then maya maya pa ay sumakay na rin kami sa mga rides. Una naming sinakyan ang carousel. At tuwang tuwa naman ang baby namin. Then sinakyan pa namin ang mga pangbatang rides. Enjoy na enjoy naman si Baby then maya maya pa ay nagpunta kami sa mga stall na nagtitinda ng pagkain. Bumili si JP ng Tatlong hotdogs at iyon ang kinain namin. Naghanap muna kami ng mauupuan at nakahanap naman kami sa gilid. Nakaupo si Xyam sa lap ng daddy niya samantalang nakaupo at at nakasandal sa balikat ni Husbie. Habang nakaupo kami sa bench na iyon ay may lumapit sa aming isang matanda. Nakangiti ito at nagsalita. "Ang kalungkutang naranasan mo noon ay hindi na mauulit pa, sapagkat malapit ng dumating ang taong makapagbibigay sayo ng ningning at ngiti sa mga mata. Maghantay ka lang at paparating na sila." Sabi ng matanda at umalis na. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko matapos marinig ang mga sinabi ng matanda. Pati si JP nakatunganga sa tabi ko. Hindi rin alam ang palaisipang iniwan ng matanda. "Anong ibig sabihin noon wifie? Ang weird noong ale. Tara na wifie ko. May gusto pa raw sakyan si Xyam." Sabi ni JP habang nakakunot ang noo. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi noong matanda at sumunod na kila husbie. Halos lahat na ng rides nasakyan na namin. Maliban na lang sa medyo delikadong rides.

Nandito kami ngayon sa tapat ng ferris wheel. "Baby sure kang gusto mo rito?" nag-aalangang tanong ko, kasi naman he's only 5 years old. Grabe maloloka ako sa anak kong ito. Napaka-adventurous tulad ng ama niya grabe....... Then maya maya pa ay sumakay na rin kami. Magtatakipsilim na kaya naman mas lalong gumanda ang view sa baba. Malapit na ring gumabi kaya naman marami na ring nakasinding ilaw. Nakakamangha ang ganda ng mga ito. "Are you happy wifie?" sabi ni JP kaya naman napatingin ako sa gawi niya. Nakita ko ring nakatulog na si baby Xyam napagod siguro. Tumango muna ako then ngumiti nang sobra sobra. "I'm happy husbie. Really really happy." Sabi ko at tumingin ulit sa baba. "Don't worry wifie, mas lalo kang sasaya kapag pinakasalan na kita....." bulong niya na hindi ko naman narinig dahil busy na ulit ako sa pagtingin sa naggagandahang ilang sa baba. Maya maya pa ay mas lalo akong namangha ng magkaroon ng fireworks display sa kalangitan........... pinanuod ko lang ang mga ito at napanganga sa sobrang ganda. Hanggang sa may isang alaala ang nanumbalik sa akin. Ang scene na nagpropose si Xyron sa akin.......... Hindi na ako makapaghintay pa na magpropose ulit siya, dahil kahit na hindi niya siya magpropose pa ay handa akong pakasalan siya. handa kong pakasalan ang lalaking kaharap ko ngayon. Ang lalaking minahal ko noon at ang lalaking patuloy kong minamahal ngayon........

Maya maya pa ay umuwi na rin kami. Mabilis lang naman kaming nakauwi dahil mabilis ang pagpapatakbo ni JP ngunit maingat naman ito. Bumaba na ako sa kotse at ipinahiga na si Xyam sa kwarto niya. Inayos ko ang kumot niya then umalis na ako at nagpunta sa kwarto namin para makapagpahinga na. nagpalit muna ako ng damit at humiga na sa kama. Hanggang sa naramdaman kong bumukas ang pinto at pumasok na si husbie. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ring yumakap siya sa akig beywang kaya humarap ako sa kanya. "Good night husbie, alam kong napagod ka sa biyahe......" sabi ko sa nakapikit na ngayon si Husbie. Hinalikan ko ang labi nito at yumakap na kanya. "I love you husbie." Sabi ko. "Good night wifie. I love you too. No words can explain how lucky and happy I am. Because finally I'm with you."sabi nito sabay halik sa nook o. then niyakap niya rin ako nang sobrang higpit tila natatakot na mawala ako. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Napakasaya ko ngayon dahil sa katotohanang buhay na buhay ang taong mahal ko at kasama ko na siya ngayon............ sana lang hindi na matapos ang kasiyahang nararamdaman ko. Sana lang walang hanggang kasiyahan na ito. Sana lang wala ng pipigil sa kasiyahang nararamdamna ko ngayon. Sana matahimik na ang pag-iibigan namin ni husbie. Alam ko na panibagong pahina na naman ang nabuksan sa aklat ng buhay namin. Kaya naman handa ko itong harapin kasama ang lalaking mahal ko. Kasama ang nag-iisang captain ng puso at buhay ko........

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon