Chapter 3

16 1 0
                                    


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na humalik sa pisngi ko. May kumikirot rin sa palapulsuhan ko kaya napabangon ako ng tuluyan. Nung sinuri ko ito ay umiilaw ang gintong marka na nilagay sakin ni Cressida. Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin nito kung kayat kiniskis ko ito. Ngunit napabalikwas ako sa kama nang biglang lumabas mula rito si Cressida.

"Hayop!" . Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa matinding gulat.

"Magandang umaga Andrea"bati niya. Nag switch costume siya ah. Hindi na siya nakalong-gown parang dress nalang ang suot niya ngayon. Agaw-pansin rin ang suot niyang gintong kwintas kaya napatitig ako dito.

"Goodmorning Mare"walang ganang sagot ko.

Simula nung magpakita siya saakin sa Paseo Del Mar hindi na niya ako nilubayan. Sa klase bigla-bigla nalang siyang lilitaw kaya napagkakamalan akong baliw ng mga kaklase ko. Paminsan habang naglalakad ako sa kalsada kaya napapatingin saakin ang mga tao.

Saturday ulit ngayon at dumating na nga ang isa ko pang pinsan at si Tita.

"Mira may lakad ka ba?"tanong ni Tita. I smiled gently to her. "Yes po Tita,may bibilhin lang po sa mall"pamamaalam ko sa kaniya.

Si Mareng Cressida ay sunod lang ng sunod saakin. Pero hindi siya nakikita ng ibang tao. Ako palang muna........sa ngayon.

"Take care anak" she patted my head as I walk outside the house. Isa sa mga malaking blessing ko sa buhay, tinanggap ako ng buo ng Tita ko na parang tunay niya akong anak.

I am going to the mall today. I wore a simple yellow crop top and mom jeans paired with a white sneakers. Nagsuot lang ako ng maliit na black backpack para ilagay ang phone, wallet and other stuffs.

"Mareng Cressida"pagtawag ko sa diwatang katabi ko na inosenteng nakatingin sa glass wall ng isang department store. "Ano ang iyong kailangan?"tanong niya habang nakangiti. Bakit ang ganda nito kahit mukhang siyang tanga?

"Kapag tutulungan kita ano naman yung reward ko?"tanong ko. Sana kayamanan po!

"Ri--ward?" . Muntikan ko ng makalimutan.  "Ibig kong sabihin ay kung anong gantimpala ang maibibigay mo saakin bilang kapalit?" tanong ko. Desperada na kung desperada pero nangangailangan talaga ako ngayon.

"Bibigyan kita ng isang kahilingan"

"Ano!!"napalakas ang sigaw ko kaya napalingon saakin ang isang saleslady. Matalim siyang tumingin saakin kaya napa-peace sign nalang ako at naglakad paalis.

"Bakit isa lang?Diba dapat tatlo?" I said. Ganun naman talaga sa mga movies eh, three wishes kaya yun."Kung gayon ay hindi nalang kita bibigyan ng isang kahilingan". Agad akong napalingon sa kaniya.

"Joke lang kasi Mare. Ito naman hindi mabiro." komento ko habang pinapalo ang braso niya.

"Ang damot mo tsk." Bulong ko sa sarili ko. "May sinasabi ka ba Mira?" tanong niya na parang sinusuri ako ng husto. Tumalim ang tingin niya kaya napatigil ako. Baka mamaya nyan tatanggalan niya ako ng kamay sa gitna ng mall. Attitude rin pala ang mga diwata.

Paglingon ko saktong nakita ko si Leyo na nakasandal sa isang pader. Nagkatitigan kami ng ilang segundo kaya nailang ako. Lagi ko nalang siyang nakikita kahit saan ako magpunta.

Napatitig rin saakin si Cressida kaya napatitig rin ako sa kaniya. Kung tutuluangan ko siya bibigyan niya ako ng isang kahilingan. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko nilapitan si Leyonel.

Diretso lamang siyang nakatingin saakin na para bang inaasahan niyang lalapitan ko siya.  Bubuka na sana dapat ang bibig ko pero agad siyang naglakad palayo. Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago siya sundan. He's heading towards the cinema.

The Promise Of Paseo Del MarWhere stories live. Discover now