Chapter 4

6 1 0
                                    

It was Monday. Another day of classes and requirements that is needed to comply. Dalawang taon nalang at makakapagtapos na ako. Konting tiis nalang Almira. Sa ngayon naghahanap ako ng pwedeng mapasukang part time. Para at least naman may maipanggagastos na ako para sa rili ko at hindi na aasa pa kay Tita. Lunch time na at nagtataka ako dahil nagkakagulo ang mga estudyante sa hallway pagkalabas ko ng room .

"Have you heard about her?"

" I heard that she's from the US daw"

"She's so pretty"

Rinig kong mga bulong ng mga iilang students. I didn't dare to pay attention with them because I'm hungry and I don't care. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Kaye kasama ang mga bitch niyang alipores. Hindi naman talaga ako hater ng mga tao pero exempted si Kaye don. Siya lang naman ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Leyo noon. Hindi naman sa hindi pa ako nakakamove on. Its just that kahit wala na kami ni Leyo ay patuloy niya parin akong inaasar about don. Tsaka natural lang talaga siyang nakakairita para sakin.

"Ouch!" maarteng sigaw ni Kaye nang matumba siya sa harapan ko. Sinadya niya naman talagang banggain ako. Ang lawak-lawak ng daraanan tapos mababangga pa niya ako. Nako hulaan ko magpa-play safe na naman to. " You're so pathetic Almira. Papansin ka talaga. I know you did something that's why Leyonel broke up with me" galit niyang sumbat sakin. Break na sila? I didn't know. Tinayo siya ng mga alipores niya kaya galit siyang nakatingin sakin ngayon.

"Ano? Guilty ka noh that's why you have nothing else to say" dagdag niya pa. Maganda naman siya kaso.....walang utak. Natawa nalang ako sa mga sinasambit niya dahil lagi nalang ako ang sinisisi niya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Leyo. Kasalanan ko bang mas maganda ako kaysa sa kaniya? " Alam mo Kaye, if I were you...... mag-aaral nalang ako ng mabuti" pang-aasar ko sa kaniya saka umalis don nang hindi siya nililingunin. Alam kong umuusok na ngayon ang ilong at teka niya sa inis. 

Pagkarating ko sa plaza ay agaw-pansin ang isang babaeng naka blonde hair. Nakaupo siya sa isang bench at nagbabasa ng libro. Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng dumadaan sa harapan niya.

Napamura ako nang narealize ko kung sino ang babae kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.

"Almira!" agad lumiwanag ang kaniyang mukha nang makita niya akong papalit.

"Cressida....."

May mga naririnig parin akong nagbubulung-bulungan. Nagtataka siguro kung bakit may kausap akong magandang babae ngayon. Well..... its an Almira thing you don't know. Ako lang naman ang isinugo para tulungan ang diwatang ito.

Prente akong lumapit at umupo sa tabi ni Cressida. Sumenyas pa ako ng high five kaya naman naki-high five nalang rin si siya. "Grabe ang ganda mo" bungad ko dahil totoo naman. Mas maganda ata siya bilang tao eh. Napansin ko na naman ang kwintas na lagi niyang suot-suot, kapareho ito ng hugis sa gintong marka na nasa left hand ko. Napangiti lang siya saakin. "Kumain kana ba Cressida?" tanong ko sa kaniya ngunit umiling lang siya. Iginaya ko naman siya papuntang canteen. Malayo palang ay nakikita ko agad sina Shae at Lawrence na masayang kumakaway sakin. Okay goodluck sayo Mareng Cressida.

"Wow ang ganda" unang bungad ni Lawrence nang nakalapit kami. Samantalang nakangiti lang si Shae. Hinila niya pa yung upuan sa tabi niya para paupuin si Cressida. Samantalang nag-abot naman ng botlled water si Lawrence kay Cressida. Wow siya ang kaibigan ha.

Umupo nalang ako sa tabi ni Lawrence dahil hinila ni Shae si Cressida na dapat sana yun ang uupuan ko. "Sino yan? San mo nakilala?" tanong ni Lawrence. Eh hindi niyo pala kilala tapos ganyan kayo makaasta mga siraulo.

" Siya si... Cre---"

"Ako nga pala si Crissa. I'm Almira's cousin. Nice to meet you guys"pagpapakilala ni Cressida. Magrereact pa sana ako pero tinitignan niya agad ako na parang sinasabing huwag na akong umangal. Siguro Crissa ang ginamit niyang pangalan para naka-hidden parin ang identity niya bilang isang dyosa. I wonder if ano pang kaya ng mga powers niya.

"Ow you have another cousin bukod kila Lorraine and Kelsey huh." komento ni Shae. Ang alam kasi niya ay sila nalang yung mga natitira kong kamag-anak.

"Ah malayong kamag-anak ko na si Crissa. We've met sometimes when they are visiting Philippines. Then now she decided to study here" pagpapaliwanag ko. Tumango naman sila bilang pagsang-ayon. Kung anu-ano pa ang tinanong nilang dalawa kay Cressida at buti nalang ay nagkakaintindihan sila.  Matiyaga namang sinagot lahat iyon ni Cressida.

"Anyways have you seen those cute guys from other universities?" kinikilig na sabi ni Shae. "Lahat naman ata cute sayo" pambabara ni Lawrence na ngununguya ng pasta ngayon. May lumalagpas pang sauce sa gilid ng labi niya, ang baboy talaga neto kahit kailan. Minsan napagkakamalan na siyang bakla dahil hindi siya nakikihangout sa ibang mga guys. Parang linta kung makadikit samin ni Shae eh.

I just rolled my eyes because it is so usual for Shae. "Cute guys?" tanong ni Cressida. Oh kita mo to may pagkaharot rin pala yung mga diwata. "Yeah I mean oh my ghad they are so hot. Every year kase schools are conducting different competitions and now our school was appointed to be its host. I've heard that today was the competition for the debate. And currently , the contestants are in the auditorium." pagpapaliwanag ni Shae.

"And I just saw some cute guys. I think they are from Ateneo." masayang usal ni Shae at nagsisimula na siyang maglagay ng make up sa mukha. Mayaman naman si Shae pero mas ginusto niyang mag-aral dito dahil sinundan niya kami ni Lawrence. Ewan ko ba kung bakit dito yan nag-aaral.

"Maureen......" naputol ang pakikinig ko sa kanila dahil may biglang tumayo sa harapan ko. In my shocking state, it was Leyo. Biglang napasipol si Lawrence dahil tulad ko, hindi ko ineexpect na lalapitan ako ng ex ko. 

He's wearing a formal clothing. I guess he's one of the debaters. "Can we talk?" tanong niya sakin. Nagsisimula na ring magbulong-bulungan ang mga estudyante sa paligid kaya naman napatingin ako sa paligid. Natanaw ko si Kaye sa may di-kalayuan na parang kakainin na ako sa talim ng titig niya. At dahil gusto kong inisin si Kaye ay pumayag ako.

"Sure...." I answered while playfully looking at Kaye. Nabigla ako nang biglang hinawakan ni Leyo ang palapulsuhan ko at nagsimulang maglakad. Lagi nalang akong hinihila nitong lalake.

If you're wondering why we broke up, well its his fault. Magpakita ba naman sakin tapos saaabihing ayaw na niya sakin. After a week I heard that he's already dating Kaye. And now he's here again. Nakakairita rin 'to. Tumigil kami sa isang puno kung saan may mga bench sa gilid nito. Saka ko lang napansin na may dala-dala siyang itim na tote bag. Inilapag niya ito sa mesa at umupo saka huminga ng malalim.

Tinitignan ko lang siya at hinihintay kung ano man ang sasabihin niya. As soon as possible I need to introduce him to Cressida. Iyon naman talaga ang rason kung bakit ako sumasama pa sa kaniya.

"Kumain kana?" tanong niya ng nakangiti. What's with this man? Pano ako makakakain kung umepal siya kanina sa canteen. Naglabas siya ng tupperware at binuksan iyon. The food looks delicious. " I don't usually cook. But when I heard that the competition will be held at your school, I changed my mind" sambit niya na parang wala kaming past. And so?

"Look..... I don't have time to fool around" seryosong saad ko sa kaniya.

He chuckled that's why my brows furrowed. "Gusto ko lang namang bumawi sayo" he answered na mas lalong nagpagulo saakin. "Are you flirting with me?" diretsong tanong ko. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang magpaliguy-ligoy. Bigla naman siyang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"No......" sagot niya nang nakangiti, ngiting nakakasar." You said you're not with someone right? Do you want me to introduce someone to you?" suhestiyon ko. I just hope that he will agree para matapos na ang pakikisalamuha ko sa kaniya. "Actually I am looking for someone" sagot niya.

How unsual thing for me to introduce someone to my past lover. "Okay I will introduce her to you. She's pretty.... and very charming" casual kong sabi sa kaniya. " And I hope that you will not be a jerk in front of her" pagbabanta ko. Hinawakan niya naman yung puso niya na para bang nasaktan ito. " Ouch, ang sakit mo namang magsalita Maureen. May galit ka parin ba sakin?" tanong niya.

" I just remember how you left me with no reason before. But don't worry, it's nothing now" I uttered. Wala naman talaga akong pakialam ngayon sa kaniya. Ang gusto ko lang ay matapos na ang misyong ito so that I could leave my normal life before. No more goddessess, gold marks and ex-dealings.

"Fine, bring her at park tomorrow. And  introduce her to me."

"Deal"


#TPOPDM

#ZamboangaSeries1

The Promise Of Paseo Del MarWhere stories live. Discover now