Chapter 5

6 1 0
                                    

"Handa ka na?"tanong ko kay Cressida a.k.a Crissa. Ngayong araw ay dadalhin ko siya sa park. Sana naman totoong nandon si Leyo. "Maayos na ba ang aking kauotan?" tanong niya saakin. Nakasuot siya ngayon ng dilaw na bestida na pinaresan ng flat shoes na kulay yellow rin. I looked at her, examining her whole look. Ang ganda nga niya. " Ang ganda" sagot ko sa kaniya kasi totoo naman. Hindi na niya nga kailangang magmake-up. "Paano ang iyong kasuotan?" tanong niya saakin na ipinagtaka ko. Nakasuot lang ako ng mom jeans at puting crop top. Hindi naman ako ang may date kaya ayos na siguro tong suot ko. 


"Kailangan mong magpalit" komento niya. Hindi na ako nakaangal dahil pinitik niya ang kaniyang daliri at biglang nagpalit ang kasuotan ko. Nakasuot na ako ngayon ng puting bestida na medyo above the knee at sandals. Nagkaroon rin ako ng light na make up at naayusan rin ang buhok ko. Gusto ko pa sanang magreklamo dahil parang sobra naman tong suot ko dahil sa park lang naman kami pupunta pero wala na akong magawa sayang naman ang effort ni Cressida.

Wews

Sumabay lang kami kay Lourreine at nagpadrop-by sa may park. Ipinakilala ko bilang kaibigan si Cressida sa kanila para hindi sila magtaka. "Ingat kayo" saad niya bago tuluyang umalis. Maraming tao ang nasa park ngayon dahil may event pala ngayon. Ang Jardin Maria Clara Lobregat ay ipinatayo bilang alaala kay Maria Clara Lobregat na unang naging babaeng alkalde ng lungsod. 

" Ate...." May humila saaking bata kaya umupo ako para mapantayan siya. She gave me a white dahlia which made me smiled because it is my favorite. Nilingon ko si Cressida na tuwang-tuwa naman sa nakikita niya. Paano kaya nabubuhay ang isang diyosa? Masaya rin ba ito dahil may kapangyarihan siyang taglay?


"Hindi madali ang tungkulin ng isang Diyosa. Maaari kang umibig ngunit tiyak na hindi kayo magkakatuluyan. Dahil ang isang diyosa ay isinugo upang mangalaga, hindi upang sundin ang tibok ng kanilang puso." sagot niya sakin na para bang nabasa niya ang iniisip ko kanina. Omg ibig sabihin nakakabasa siya ng isip?


"Oo, nakakabasa ako ng isip ng tao." pagsagot niya ulit sa tanong ko kanina sa aking isipan. Omg this is insane. " Kung ganon bakit inibig mo parin si Leyo?" kuryoso kong tanong. I mean diba, bakit ka pa iibig ng isang tao kung wala rin namang chance na maging kayo? Narinig kong bigla siyang natawa, I guess nabasa niya rin ang sinasabi ko utak kanina. "Hindi namin makakatuluyan ang aming iniibig, lalo na kapag ito ay isang mortal. Ngunit hindi ibig sabihin ay wala kaming karapatang umibig". malalim niyang sagot.


Well, may point rin naman siya. Pero ang sakit siguro nun. Yung umiibig ka kahit alam mong walang pag-asa. Napatda ako nang may biglang humablot sa aking braso. Paglingon ko ay si Leyo ang bumungad saakin. Nakasuot siya ng puting polo na button up at black jeans. Ngumiti siya kasabay ng biglaang pag-ihip ng hangin kasabay ng pagtama ng aming mga mata. My heart raced, what's this feelings?

Binawi ko kaagad ang kamay ko sa bigla at tumayo ng diretso. What's with that response? Omhayghash wala na akong nararamdaman para sa lalaking to that's why I need to focus on my main goal. Speaking of goals ay napatingin ako ako kay Cressida na nakatayo lang sa harapan namin at nakasaksi nang tagpong iyon. Binigyan ko siya ng peace look at nag-sorry na rin ako sa isipan ko. Baka mamaya uuwi ako ng kulang-kulang na ang body parts ko. " Mabuti naman at nakadating kayo" bungad niya at iginaya kami sa isang table malapit sa stage ng program.

"Uhm Lei, there's someone who I like to introduce to you" I said because that's the main point why I am here. He nod as a sign of approval saka ko hinila si Cressida na nasa likuran ko lang.         "This is Crissa. She's nice and kind. I think you will look good together" I smiled while I'm introducing them with each other. Ewan ko ba kung bakit parang akward. Sino ba namang magiging komportable kung magpapakilala ka ng bagong tao sa ex mo. Minahal ko rin namang tong lalakeng to........ noon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Promise Of Paseo Del MarWhere stories live. Discover now