Nasa club ako ngayon dahil konti ang schedule ko ngayong araw ng byernes.
Pinaguusapan namin ang gagawin naming cinematograhy para kalabanin ang kabilang campus.
Nag suggest kami isa isa, ako naman ay nasa isang sulok lang, napansin ko kasing nagpipigil si Max pag may kausap ako, parang naiingayan siya o kaya ayaw niya lang marinig boses ko.
Habang nag iisip ako para sa cinematography, naalala ko ang TWICE, isa sa sikat na K-pop GG.
Kaya naman nag taas ako ng kamay
"Ahmm, pwede nating gawan ng PARODY, ang Twice signal, o kaya ibang K-pop may cinematograhy doon at mukang may laban tayo pag ganun ang ginawa natin."
Napaisip silang lahat at agad ko namang pinakita ang mga M/V ng Twice.
Mukang na cutan sila sa Twice haha, galing ko talaga.
Pauwi na ako ng may madaanan akong mga grupo ng kalalakihan. Ang tatangkad nila at ang iba ay naka pang sports, may hawak na kamera, bola, at may hawak na mga papel at dyaryo.
Tumingin sakin ang isang matangkad na lalaki.
Ang cold rin nitong tumingin at agad din tumingin sa harapan niya.
Pagkaraan nila ay nagtungo na ako sa canteen para uminom ng soda. Pagkabili ko ay tumambay ako sa ilalim ng puno malapit din ako sa drinking area.
Habang umiinom ako ay naghalungkat muna ako ng notes para tignan kung may nakaligtaan ako.
Maaga pa kaya naman nakakatamad umuwi sa suite.
"Bakit mag isa ka?" tanong ng isang lalaki sakin
Nagulat ako at si Rex ito.
"Ahmm wala, gusto ko lang mapag isa" sagot ko, di ako makatingin dito sa sobrang cold nitong tumingin sakin.
Bakit ganito sila tumingin sakin? Taga kasi ako probinsya kaya ganun?
"Pwedeng maupo?"
Pinaupo ko naman siya para naman di ako magmukang suplado.
"Saan kanga ulit nakatira?" tanong nito sakin
"Sa Bulacan, Bulacan, pero yung tito ko malapit dito sa school, si Tito na kasi ang bumubuhay sakin." sabi ko dito.
Nag usap usap pa kami, at nakaka panibago dahil ang hot tumawa ni Rex. Maskulado si Rex pero tama lang sa pangangatawan ng isang studyante.
Napagkaalaman ko na 20 years old na siya at tumigil lang daw siya sa pag aaral dahil sa issue sa babae.
"Sensya na at ma vocal ako sayo, sa lahat ng kagaguhan ko, ikaw? May GF kana ba?" tanong nito sakin.
"Ahm wala pa e, since birth, mas nag focus ako sa pamilya ko at pag aaral" sagot ko dito.
Di naman ako naiilang kasi normal lang ang usapan namin bilang lalaki.
"Gusto mo ba may ireto ako sayo? Yung inspiration lang, para mas ganahan ka haha" suhestyon nito sakin.
"Ahm, wag na, ayoko pa, wala pa sa vocabularyo ko yun, mainam na ang single haha, wala kang stress pag tinoyo shota mo haha" sagot ko dito
"Haha oo nga naman, masaya maging single" sabi nito sakin
"Ikaw ba? May shota kaba?" tanong ko
"Wala nga din e haha, di ka nag iisa pre " sagot nito
Humagalpak kami ng tawa
"Edi ikaw nalang shumota dun sa irereto mo sakin haha" sagot ko dito habang tumatawa kami.
Nagtitinginan na ang ibang studyante sa tawanan namin.
Ilang kwentuhan pa ay nagpaalam na ito
"Pano bayan, sige may gagawin pa ako, sa susunod kita tayo ulit dito, malapit lang training site namin dito" paalam nito sakin
Tumango naman ako, kaya umalis nadin ako at nagsimulang pumunta sa suite.
Pagkabukas ko ng pintuan ay tahimik sa loob.
Pero maya maya pa ay may narinig akong ingay sa loob ng kwarto ni Max.
Sinilip ko ito at nagulat ako ng walang tao, kaya naman medyo kinabahan ako, mukang may multo dito, kaya naman ng aalis na ako ay agad na may humila sakin papasok sa kwarto ni Max.
Naramdaman ko ang hinginga nito sa batok ko.
"San ka galing? Kanina pa kita hinahanap" tanong nito sakin, malalim ang boses at tila hinihingal at amoy alak din siya, naka hawak sa katawan ko at naka subsob ang kanyang muka sa bandang leeg ko.
"Max?, ahm nag pahangin lang ako sa canteen." di ko alam bakit kailangan kong mag paliwanag dito
"SINUNGALING, SIIINUNGAAAALINGGG" nagagalit na tono ni Max pero mahina ang boses.
Natatakot na ako kay Max, iba ang aura niya, at malakas pa siya kaya di ko siya kayang labanan.
"Nakita kita kanina, nakikipag landian ka, ano? Bakit naghahanap ka ng lalaking papatong sayo, lalot nandito naman ako?" nagulat ako sa sinabi niya, kaya agad akong kumalas sa pagkakabihag niya, pagkawala ko ay kumaripas ako ng takbo sa kwarto ko at nag lock.
Napatulala ako, at naalala ko ang sinabi sakin ni Max.
Ano tingin niya sakin, bakla? Nakaka appreciate ako ng kagwapuhan ng isang lalaki, pero never kong naisip na kailangan ko sila para patungan ako.
Ibang iba siya kay Rex. Mas gugustuhin kong makasama si Rex keysa kay Max.

BINABASA MO ANG
School Club
FanfictionSi Ethan Santos ay probinsyano at mababago ang buhay niya pag pinasok na ng taga siyudad ang kanyang pamumuhay. Kasama si Max, Rex at maraming pang lalaking aangkin at mabibighani ng nag iisang Ethan. At dito niya malalaman ang tunay na dahilan kung...