Chapter 2

288 9 0
                                        

6 30 na ng umaga ako nagising at nagsimula na ako bumaba sa kusina para kumain, agad akong napatingin sa lamesa.

May nakatakip na ulam dito at may nakalagay pang sulat.

"Eat this cutie, I hope you like it" at nakalagay sa baba ng sulat ay

"Max Dela Tore"

Binuksan ko na ang ulam at ito ang corn beef.

May nakita din akong kanin dito at mainit init pa kaya naman nilantakan ko na ang pagkain.

Mukang magkakasundo kami ni Max, mabait siya sakin, muka nga lang masungit at suplado pero pinaghanda ako ng makakain, ganito pala sa siyudad, pinagluluto karin.

Pagkatapos ko kumain ay agad na akong nagligo at pagkabihis ko ay saktong 7 na, kaya tumakbo ako papunta sa room ko, habang tumatakbo ako ay may nag text sakin.

"Hello this is the President of Picture club and see you by the end of the class, thank you, we will have our meeting today, attendance is a must. " basa ko sa text.

Pagkarating ko sa elevator ay naka sabay ko si Rex, ang pinsan ni Max.

Tahimik lang kami sa elevator kaya naman nakaka intense sa pakiramdam.

Nasa likuran ko si Rex at nakatingin lang ako sa baba at kung minsan ay sa cellphone.

Ng bumukas ang elevator ay tsaka na ako naglakad patungo sa room namin.

Hindi ko manlang nilingon si Rex.

Pagkabukas ko ng pintuan ay wala pa ang prof namin kaya dali dali ako umupo sa upuan ko.

Habang wala pa ang Prof namin ay agad akong nag cellphone para mag facebook at youtube.

Ng napatingin ako sa bandang harapan sa kaliwang side.

Nakatingin sa akin si Max na kaagad ding umiwas ng tingin.

Bumalik nalang ako sa pag facebook at nalaman kong nakipag meeting pala ang teacher namin kaya naman inubos ko nalang ang oras ko sa pag cellphone lalot nakapag advace reading naman ako.

Nakakailang din dahil medyo nahuhuli ko si Max na panay tingin sakin. Ganun din si Rex. Nakakailang silang dalawa.

Hindi sila magkatabi, nasa likuran ni Max si Rex.

Napansin ko na hindi naguusap ang mag pinsan. Nagtatanguan lang sila kung minsan.

Natapos ang buong klase ay kaagad akong nagtungo sa picture club. Dala ang aking cellphone para sa tutorial.

May pinicturan akong bulaklak at tutubi, nahirapan ako sa tutubi dahil malikot ito, pero kailangan ko ito para tuluyang makapasok sa club. Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may kasunod ako.

Si Rex at Max. Ang tangkad nila pareho, at muka silang Amerikano sa tangos ng ilong at puti maging sa kapal ng kilay. Maging ang kanilang labi na natural na mamula mula at may pag ka pink.

Ang cold nilang tumingin sa paligid.

Habang naglalakad ako ay nakita ko na ang club ko, kaya naman tumapat ako sa pintuan at tsaka ako kumatok.

Nagulat ako at nasa likod ko ang dalawa at nag aantay din.

Pero umalis din kaagad si Rex at naiwan si Max sa likod ko.

Mukang sinamahan lang ni Rex si Max.

Bumukas ang pintuan at tumambad sakin ang 5 lalaki.

Tumitig sila sakin bago ngumiti, at umupo na ako sa bandang gilid. Si Max naman, ay dumiretso sa table at inilabas niya ang malaking marmol at nakaukit ang pangalang "Max Dela Tore President", nagulat talaga ako na siya pala ang president na nag text sa akin.

School ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon