3
Damn. After the finals we can have now our one-week semestral break after ng madugong bakbakan sa mga exam ay makakapahinga naman kahit papaano. After the tiring semester, I deserve lambing. Charot not charot. I was busy collecting all modules and put them in the envelope when I heard my phone vibrate.
"Let's have a date, babe." Nabasa ko ang text ng boyfriend ko at natawa ako ng mahina. I was just saying that I deserve lambing binigay agad ni Lord. Anak talaga ako ni Lord talaga namang konting hiling ko ay pinagbibigyan ako. TY po. Tinawagan ko sya at mabilis nya itong sinagot.
"Hi." Hindi agad ako nakasagot dahil ang boses nya ay iba. May nangyari ba? May iba kase sa boses sya para bang may sakit or may problema sya. Is he okay?
"Are you okay, babe?" I ask. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya, ako naman ay napaupo sa edge ng kama ko at hinihintay ang sasabihin nya. I think he needs me because he's not okay pero bakit kaya? It's better idea na mag kita talaga kami para macomfort at makapag usap kami kung ano ba ang bumabagabag sa kanyang isipan.
"I'm not okay babe. Feeling ko babagsak ako sa isang subject no'ng final. But anyway, let's have a date. Susunduin kita mamayang three ng hapon don't forget to take your lunch." Oh, its already lunchtime na pala. Nalilimutan ko na talaga ang oras.
"Yep. Ikaw din babe don't forget your lunch kumain ka na after ng tawag na ito."
After the conversation with my boyfriend ay dumiretso na ako sa kusina para kumain. Magkikita ulit kami! I can't wait. Sobra ko syang namiss hindi kasi kami masyadong nag kikita nitong mga nakaraang araw dahil sa finals. At baka umabot ng two weeks bago namin makita ang final grades for this semester. Matapos kong kumain ay niligpit ko na ito ay sandaling nanood muna ng kung ano man ang palabas sa TV.
Magpapalipas muna ako ng oras bago ako gumayak medjo matagal pa man din ako mag ayos dahil gusto ko laging presentable ang aking ayos. Since noon show ang palabas ay Showtime nawili ako sa isang segment ng show at ng tingnan ko ang orasan ay almost 1:40 na ng hapon kaya naman ay dali dali na akong pumunta sa kwarto para maghanap ng masusuot at makaligo. Bakit ba ang bilis ng oras ngayon. Para ilang ilang oras na lang ang meron sa loob ng isang araw.
"Rachel anak. Nasa baba na ang boyfriend mo." Wika ni mama pagkatapos ay kumatok ito. "Opo ma! Wait lang po pababa na." sabi ko. Chineck ko muna ang suot at laman ng purse ko at ang huli ay ang pag re-retouch ng aking buhok. Pagbaba ko ng hagdanan ay naabutan ko sya na kausap si mama. Nakita kong may kapit na long stem rose si mama at may kapit pa syang isa pang bulaklak. Hindi agad ako nagpakita at pinagmasdan ko muna sya. He's really handsome. He's thick eyebrows, pointed nose and pouty lips napadako ako sa labi nya at minsan talaga nakakainggit ang labi nito kase ang pula. Oh well, pupula din naman ang labi ko mamaya charot!
Mukhang napansin nya ako at bigla itong napalingon sa gawi ko. Mabilis itong tumayo at saka ngumiti ang swerte ko naman sa lalaking ito saka swerte rin naman sya sa'kin ibig sabihin fair lang. "Hi babe!" bati nya. "Bagay na bagay talaga kayong dalawa." wika ni mama. Lumapit ako sa kanya at yinapos ito narinig ko ang pagtikhim ni mama kaya naman natatawa akong lumayo sa kanya. "Ang paalala ko sa'yo hijo. Iuuwi ang dalaga namin at baka habulin kayo ng papa ni Rachel." natatawang sabi ni mama. Grabe naman iyon every date namin ay ito lagi ang sinasabi para naman na magtatanan kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Lie to Me (PLAYLIST SERIES 3)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 3) When someone lies to you the trust you gave to them is now broken. I hate when someone lied to me, it's just you can say the truth even it cause to hurt me as long as your honest with me. But perhaps I'm being a martyr because I...