PITO

2 0 0
                                    

Maraming nangyari nitong mga nakaraang araw at hindi ako nakapag update bawi na lang ako. Take care always. - kitlinjas


7

Inayos ko ang sulong kung saan nakalagay ang ilang mga ballpen at inayos ko ito sa maayos na paghahanay, inihiwalay ang natinta sa hindi. Pati na rin ang ilang mga papel ay akin tinabi ng ayos ultimo maliit at baka ito ay mahalaga ay maitapon ko. Tumingin ako sa relong pambisig ko at malapit na ako mag out ngayong araw. Alas singko ng hapon ang aking out at mayroong ilang gamit din ang naiwan sa loob ng airport tulad ng phone pero nakukuha naman kaagad ng may ari. 


Pero ang passport na nakita sa comfort room ay hindi pa rin naisasauli sa may ari ilang oras na rin naman ang nakakalipas pero wala pa rin nag cla-claim. Familiar yung isang nakaiwan ng passport pero bakit naman nila hindi inayos ng lagay at tinabi ng maayos ang kanilang mga passport alam naman nilang mahalaga iyon. Ang mga mahahalagang bahay ay dapat iniingatan hindi hinahayaang mawala. Paano na lamang kung ito walang nagsauli at kinuha ng masamang tao.


"Hi! Excuse me we lost our passport today, may nag return ba dito sa lost and found naka lagay iyon sa sling bag. " Ngumiti ako sa kanya at tumango. "May I know what color or identification of the sling bag and name/s so I can check." Alam ko naman na sila yung may ari ng passport pero kailangan pa rin namin masigurado. 


" It was a pink sling bag tapos may violet na wallet. The names is Andrea Cervantes and Grace Fontenay." napatingin sa'kin yung kasama ko kaya naman ay kinuha ko sa sulong ang sling bag at inabot ito sa kanya. "Omygosh! Thanks!" energitic nyang sabi. Saktong dating naman ng kanyang kasama kaya ipinakita nya ito sa kasama. 


"Please sign here, Miss, so we can say that you already have your lost sling bag and the passport." inabot ko ang maliit na papel kung saan nakalagay ang name ng nakakuha at signature na katibayan na nakuha na ito ng may-ari. "Kinabahan ako ate Grace baka kasi pagalitan tayo ni kuya pag nalaman nyang naiwala ko yung passport natin." ngumiti sila parehas sa'kin at nagpasalamat bago ito umalis.


"Alam mo Rachel hindi ko bet ang aura nung dalawang iyon." napatingin ako sa kasamahan ko at natawa. "Bakit naman?" sabi ko. 


"Feeling ko nasa loob ang kulo nan." napailing na lang ako sa kanya at hinayaan na sya.  Muli akong lumingon sa relo ko at nakitang malapit na ako mag out. 


"Feeling ko bitchesa yung mga iyon." natawa na ako ng tuluyan sa sinabi nya. Madali lang naman kasi masabi na mataray o bitchesa ang isang tao dahil sa mukha or dahil sa isang beses pa lang naman nakikita ang isang tao. Saka lang naman natin masasabing totoo yung hinala sa isang tao kapag nakilala na natin o minsan na natin nakasama. 


"Rachel mag a-out ka na ba? Sabay na tayo." ika ni Erica. Tumango ako sa kanya at nagpaalam na ako sa kasama ko at sumunod na kay Erica. Since trainee kami binigyan kami ng lockers ng airlines. Pinuntahan ko agad ang locker ko para kunin ang aking mga gamit. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung nag text ba si Andrew hindi naman ako nagkamali at may tatlong text.


From babe;

Hi babe! Good luck sa iyong OJT. 


From babe;

I love you.


Lie to Me (PLAYLIST SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon