2
Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ako. Balak kong mag jogging dito sa may subdivison kaya naman ay gumayak na ako. Kinuha ko ang earphone at cellphone ko at tinalian ang aso kong si Orange na isang pomeranian. "Let's go, Orange." aya ko sakanya at mabilis naman itong sumunod. Sinara ko muna ang pinto bago tuluyang lumabas at mag jogging.
Habang nag jo-jogging ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa braso ko kaya naman sandali akong huminto at tingnan kung sino ang nag text. It was him.
From Babe:
Good morning, babe. Have a nice day. I love you.
I smile while typing a message for him. Orange and I went to the park inside this subdivision at kalapit lang ng park ay tindahan ng pandesal kaya naman bumili na rin ako ng para sa almusal namin nina mama. Maayos ang park na ito dahil may place kung saan pwedeng painumin ang mga alagang hayop sa isang side. After the light jogging that we did, we immediately went to our house.
"Rachel, paalis ka ba ngayon araw?" tanong ni mama habang nag titimpla ng kape. Binaba ko muna ang pandesal na binili ko at nilagyan ng pagkain saka tubig sa pakainan ni Orange. "Hindi ma, dito lang ako sa bahay May kailangan po akong tapusin na project para makapag review na rin." sabi ko. Tinanggal ko ang tali ni Orange at mabilis na lumapit si Orange sa pakainan nya.
Finals na rin ng first sem kaya naman marami ang pinagawa at hinahabol na mga gawain at ang iba ay nagtatambak pa ng mga gawain. Minsan naiisip ko ayaw ata nilang grumaduate ang mga estudyante, e. Gusto lang naman ng mga estudyante na makatapos sa college pero college ata ang tatapos sa mga estudyante.
I took a shower first before taking breakfast. Matapos kong maligo ay nakita kong nakaupo na si mama at hinihintay ako para sabay na kaming mag almusal. Wala si Ate Rochelle ngayon dahil may lakad sila ng barkada nya kaya naman naiwan kami ni mama dito sa bahay. Sa isang buwan pa naman ang uwi ni papa.
"Good morning ulit, ma." wika ko at yumapos kay mama. "Good morning, anak. Maupo ka na at kumain na." nakangiti nyang sabi at muling bumalik ang tingin sa tv.
"Sa pagkakataon na ito ay muling nagkaroon ng insidente dito malapit sa La granja de flores. Kaya naman pinag-iingat ng mga otoridad ang mga nag mamaneho na dadaan sa De flores street."
Sinubo ko ang huling piraso na pandesal habang nakatingin sa balita na nasa tv. Madalas nga naman ang insidente sa lugar na yan. Maganda pa naman mamili at umuli sa La granja de flores. Taniman iyon ng mga bulaklak at pwedeng pwede bumisita at bumili ng bulaklak ang kaso ay madalas nga ang insidente. Madalas ay banggaan ang dahilan ng insidente at ang pinakang trahedya ay may namatay sa barilan doon rin sa lugar na iyon. Minsan ay sinasabi ng mga taga ibang lugar ay may sumpa ang lugar ng de flores.
Tumunog ang phone ko kaya naman napabaling ako ng tingin sa cellphone ko. Bumungad ang mga chat ng kaibigang ostrich sa gc at nag aaya na mag samgyup. Para namang hindi finals at layas ng layas ang mga ito o hindi kaya ay mga nag iinuman. Nag reply ako sa gc na hindi ako makakapunta dahil may dapat pa akong aralin sa isang subject.
Natapos ang pag-aalmusal namin ni mama kaya naman mabilis akong nagdayag para makapag simula na rin mag basa at review na rin. Pagkatapos kong mag dayag ay umakyat na ako sa kwarto ko. I opened my laptop and the book that I need. Foreign language ang subject na dapat kong aralin ngayon. Tiningnan ko ang mga to-do-list na nakasapaskil sa pader ng kwarto ko at iilan na lang rin naman. Nilagay ko sa silent mode ang aking phone at nagsimula ng mag review at mag notes para sa subject na ito. Gusto ko ng makasakay sa eroplano bilang isang Flight Attendant. I can't wait for that day!
BINABASA MO ANG
Lie to Me (PLAYLIST SERIES 3)
Fiksi Remaja(PLAYLIST SERIES 3) When someone lies to you the trust you gave to them is now broken. I hate when someone lied to me, it's just you can say the truth even it cause to hurt me as long as your honest with me. But perhaps I'm being a martyr because I...