5
NAKAUPO na kami sa isang lamesa at katabi ko si Cheska. "Anong kakainin nyo? Ako na ang oorder." wika nya at hinintay ang sagot namin. "Mag sa-sandwich na lang ako saka strawberry shake busog pa ako at napadami ang kain ko kaninang recess." ika ni Cheska tumango sya at humarap sa 'kin. "Ikaw Rachel anong sa 'yo?"
"Isang kanin at chicken yung akin." sabi ko saya binuksan ang wallet ko para mag abot ng bayad. "H'wag na Rachel, ako na bahala sa kakainin nyo." sabi nya bago sya lumakad para pumila at bumili.
"Lagi natin syang isabay sa lunch or recess, Rachel para libre tayo sa pagkain." hagikgik ni Cheska. Sinaway ko naman itong babaeng ito at nakakahiya rin naman na sya ang gumagastos baka nga hindi ako sure sa kanya. Hindi ko rin naman alam ang mangyayari sa hinaharap kaya hinahayaan ko na lang ang universe na umikot sa paanong rotate ang gusto nya.
Hindi naman porket nanliligaw ay sigurado na dapat sagutin hindi ba? Kaya nga nanliligaw para magustuhan sya ng babae may pag asa man o wala. Nag kibit balikat na lamang ako at iniwaksi sa aking isipan ang aking naiisip masyado pang maagap para dito. Bakit hindi na lang namin I-enjoy ang kasalukuyan. Dumating sya sa table namin na bitbit ang isang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain namin. Inilapag nya ang tray at umupo saka inabot ang pagkain namin ni Cheska inabutan nya rin kami ng tubig at masyado daw matamis ang strawberry cakes.
"Tunay pala na nanliligaw ka kay Rachel akala ko kasi chismis lang." sabi ni Cheska saka nya kinagatan ang sandwich nya. Inubos muna nya ang kanyang kinakain bago sya sumagot "Oo, totoo na nililigawan ko sya. Gusto ko kasi sya at gusto ko syang maging girlfriend." tumango tango naman si Cheska na para bang isa syang detective na nag iimbestiga.
"So gusto mo lang sya at hindi mahal? Hindi ba dapat mahal mo ang isang tao bago mo sya ligawan?" Umiling sya bilang pag tutol sa sinabi ni Cheska. "Kaya ko nililigawan si Rachel para makilala nya ako- para makita nya kung sino ako kung worth it ba na maging boyfriend nya ako. Saka ang weird naman kung ilang buwan palang nya ako kilala ay bigla bigla na lang ako mag sasabi sa kanya ng 'I love you' di'ba?" natatawa nyang sabi. Napangiti naman ako sa kanyang sinagot.
"Ay paano naman kung may ibang manligaw kay Rachel anong gagawin mo?"
"Edi may the best man wins. Hindi naman porket may ibang gustong manligaw ay titgil na ako para namang pinakita ko sa kanya na ang bilis bilis kong sumuko." sagot nya kay Cheska.
BINABASA MO ANG
Lie to Me (PLAYLIST SERIES 3)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 3) When someone lies to you the trust you gave to them is now broken. I hate when someone lied to me, it's just you can say the truth even it cause to hurt me as long as your honest with me. But perhaps I'm being a martyr because I...