SIYAM

4 0 0
                                    

9

Ostrich group*


Cheesecake: Uy sabay sabay tayo mamaya na mag lunch. May bitbit akong bagong chismizz!

Langit: araw araw ka na lang may bitbit na chismis gaano kajuicy yan at ang gusto mo ay kumpleto tayo?

Cheesecake: Mas juicy pa sa chicken joy ng mcdo HAHAHAHA

Zaria: Diba ang chicken joy ay sa Jollibee? meron na rin pala sa mcdo non?

Cheesecake: hunghang ka talagang babae ka! HAHAHAHAH

Diane: Lutang ka na namang babae ka. Ganyan ba kapag may lalaki sa buhay?


I press exit sa group chat ng mga kaibigang ostrich at binalik ko na ang phone ko sa aking bulsa saka ko binuklat ang aking notes at nagbasa baka bigla na lang magkaroon ng recitation or surprise quiz kaya naman mas mainaman na handa ako. Lalo na at first semester at graduating na ako kailangan ko na muna mag karoon ng mataas na grades dahil alam ko ang bagsik ng second semester na talagang dadating sa punto na isasanla mo na ang iyong kaluluwa para lang makatulog. 


Mabuti na lamang at discussion lang nangyari ngayong umaga dahil sa curiosity na nakinig ko sa ibang department lalo na mula sa engineering department. Ganito ba talaga kapag graduating na talagang nausbong ang maiinit na balita. Ito rin kasi ang ugali na nakakatawa sa'kin kaya naman maging ang mga kaibigang ostrich ay hindi mapigilan ang magsagap ng chismis. Pero may motto pa ang mga yun ika nga daw ng marami hindi sila chismosa dahil chismis ang lumalapit sa kanila. 


Kapag si Cheska ang naghatid ng balita ay talaga namang makokompleto ang kaibigang ostrich dahil automatic na naglalagabgab sa halang ang juicy chicken joy na chismis nya. Akala ko ay may hihintayin pa namin ang iba at nakita ko kaagad ang lamesa ng mga ostrich na naghahabaan na ng leeg sa chismis na nasagap. Kompleto na kaagad sila at ako na lang ang kulang. Malayo ang department ni Genisse at Samira pero nandoon na kaagad sila nakaupo pero wala pang mga pagkain sa harap nila. 


Napansin naman ako kaagad ni Sky at kumaway ito. Nang aking maibaba ang bag ko ay kanya kanya na sila ng tao para umorder ng pagkain. "Nag pareserve na ba kayo sa chachi?" tanong ni Zaria kanya kanya silang tango at mukhang lahat naman pala ay nagpareserve kaya mabilis namin makukuha ang order namin. Roasted pork at isang cup ng rice ang inorder ko. Habang nakapila kami sa pilahan ng kukuha ng nireserve na order ay hindi maiiwasan na makinig ang ilang kwentuhan ng mga nasa likod. 


"Grabe ang buwan ng September halos kakasimula lang ng pasukan pero ang mga nasasagap na chismis ay mainit."


"There is circulate rumors na may teacher and student relationship na nagaganap." Hindi ba mula first year college palang may ganyan ng rumors pero wala namang napapakita na totoo iyon or else tinatago ng school ang ganitong issue para hindi ganon katunog ang paaralan na ito. Lalo na kung ang school na pianpasukan ng isang estudyante ay kilalang paaralan. 


Pasimpleng nagkakatinginan ang mga kaibigang ostrich at lihim akong natatawa sa mga ito. Isa isa na namin nakuha ang order namin at bumalik na lamesa. "So eto nga." panimula ni Cheska. Hindi lahat nagpahalata at parang normal na usapan lang ang aming pinag uusapan hindi katulad ng nasa ibang lamesa na halos mag umpugan na sila sa chismis na sinasabi. 


"Actually hindi ko alam yung chismis na nakinig natin don sa mga babaeng nasa likuran natin." ika ni Cheska. Napailing si Sky kay Cheska na ikinatawa naming lahat. "Wala ito, unti-unti ng nanghihina nag radar mo sa pagkalap ng chismis" natatawang sabi ni Zaria. Akmang ihahagis ni Cheska ang bote ng mineral kay Zaria. 


"Pasensya na po ha. Hayaan nyo aayusin ko na antena ng tenga ko para laging updated kayo sa chismis. So eto nga, may kumakalat na si ate girl ay kabit." parang hindi apektado ang mga kaibigan ko at parang normal lang na nakarinig sila ng ganitong balita. 


"Sino ba iyan? nagbigay na ba ang mga source ng mga pangalan?" tanong ni Genisse. Umiling si Cheska at nagkibit balikat si Sky. "Akala ko ba juicy bakit parang hindi naman?" 


"Ayan atat na atat mag hintay." sagot ni Cheska kay Sky. "Ang chismis ay mula sa nursing. Department mo yun bakit hindi mo alam?" natatawang sabi ni Cheska. Piangpatuloy ko ang pagkain ko ng aking lunch habang ankikiig kay Cheska. 


"Ang context ay hindi alam ni girl na kabit sya at yung jowa nyang lalaki ay bound to marry na sa iba. What I mean is the guy is already engage." napahinto kaming lahat at sabay sabay na napatingin kay Desiree dahil bigla na lamang ito nasamid. Natatawang inabutan ni Zaria si Desiree ng tissue.


"May alam ka dito, Desiree?" tanong ni Cheska. Bago pa makasagot si Desiree ay may lalaking lumapit sa gawi nya na ikinabigla naming lahat. "Nasa labas sina mama hinahanap ka." tahimik kaming lahat at hinihintay ang kasunod na gagawin ni Desiree. Nakakalahati palang ng kain si Desiree at kinuha nya ang kanyang bag at pati na ang mineral bottle na binili at humarap sa'min. "Mauna na ako sa inyo." iyon lang ang nasabi nya at sumabay na sa lalaking sumundo sa kanya. 


"Hindi ba yung lalaking iyon ang crush nya?" tanong ni Alex. 


"Oo ata. Pero balik tayo sa chismis." wika ni Maicy. "Gaano na katagal yung guy at girl? Kasi kung hindi pa alam nung girl na kabit s'ya hindi ba nya nasesense yun? I mean iba kasi ang hinala ng mga babae compare to guys." paliwanag ni Maicy. "Yun na nga mare, sabi sabi ay first boyfriend ni girl si guy kaya ang tiwala ay buo. Sometimes when person is deeply in love winawaksi ang ilang negatibong ugali na meron ang partner nila. They tend to believe that its just nothing na minsan ang red flag ay nagagawang green flag."


"Nakakaawa naman yung girl walang kaalam alam na niloloko na s'ya. She don't deserve that pain. At sana naman kapag nakaramdam kaagad s'ya ng hinala why not try to confront the guy in the sake of her peace. Ang hirap din talaga magtiwala..." lahat kami ay nakatingin kay Maicy pero s'ya ay patuloy lang sa paghihimay ng manok at hindi naharap sa amin. Nang mapansin nya na nakatingin kami ay nagkunot s'ya ng noo. 


"Iba talaga nagagawa ng tone kapag nagsasalita ano. The way you deliver those sentence parang may alam ka." natatawang sabi ko. 


But how come I fit into that shoe when I know it's not mine?

Lie to Me (PLAYLIST SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon