CHAPTER 16

122 14 2
                                    

CHAPTER 16

Makalipas ang ilang araw nang mahalikan ko si Jazz noon sa training room, but accident lang yon ha.

Bukas na ang game namin sa Dangerous Forest. Noong mga nakaraan na araw puro training at pag lilinis lang ang ginawa namin.

And today ay araw ng pahinga dahil bukas lagot na kami,mahirap ang game na iyon at hindi namin sigurado if mapagtatagumpayan ba namin iyon.  Nakahiga ako ngayon sa bed ko dahil masakit ang buong katawan ko.

Napatingin ako kay Pia na tulog na tulog na. Sabi niya kanina pumunta daw siya sa room ni Findy at nag paheal siya kasi masakit din buo niyang katawan, kaya mahimbing na ang tulog ni Pia ngayon.


Naisipan kong pumunta rin sa room ni Findy kaya bumangon ako sa kama ko at lumabas ng kuwarto,agad-agad akong pumunta sa room niya.

Kumatok ako sa pinto ng room nila Findy at agad naman itong binuksan ni Findy. “Hacashi.” nakangiting bati ni Findy kaya napangiti nalang din ako sa kaniya.


“Come in habang wala pa yung roommate ko.” dagdag pa nito kaya pumasok agad ako. Pinaupo niya muna ako sa kama niya at pumunta siya sa bathroom saglit. Hindi nag tagal lumabas na siya doon at umupo sa tabi ko.

“Bakit nga pala?” tanong niya kaya umayos ako ng upo bago sumagot sa kaniya. “Findy masakit kasi katawan ko dahil sa training natin noong mga nakaraan na araw kaya nandito ako para sana—”

“Ah yun ba? oo,sige.” sagot niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko at pumikit siya. Unti-unting nawawala ang sakit ng katawan ko, nararamdaman ko ang kapangyarihan niya sa loob ko.

Hindi nag tagal dumilat na siya at nakangiting tumingin sa akin. Hindi mo talaga maiitanggi na masayahin siyang dalaga.


“Ano? okay na ba?” nakangiting tanong niya kaya napatango ako bilang sagot at ngumiti pabalik sa kaniya. “Findy... may gusto sana akong tanungin sayo. Bakit nakukuha mo paring ngumiti kahit maraming problema?” nagtatakang tanong ko sa kaniya, umiwas siya ng tingin at ang ngiti na kanina ay nasa kaniyang labi ay biglang nag laho. Huminga siya ng malalim bago tumingin muli sa akin.



“B-because... because my mother said before she d-dies, kahit gaano karami ang dumating na problema sa buhay natin
dapat nakangiti parin tayo,ipakita natin na kaya natin—na problema lang yan,malalampasan din natin yan. Ang kasiyahan ng tao ang siyang lumalaban sa problema natin...”panimula niya habang ang mga namumuong luha sa mga mata niya ay pilit niyang pinipigilan.

“At—kalimutan natin ang lahat ng masasama at malungkot na pangyayari sa ating buhay. Palagi lang natin isipin ang masasayang alaala dahil magiging daan ito para muli tayong bumangon.  At oo—mukha akong masayahin, p-pero sa likod ng masayahin kong mukha ay may tinatago rin na sakit, pero pinipilit ko parin maging matatag at masaya.”  patuloy niya pa.


“Kaya ikaw, dapat maging masayahin karin. Look si Jazz nag bago siya, ang lalaking laging seryoso noon ay palangiti narin ngayon—siguro ay napagtanto niya na hindi lahat ng masasakit na alaala ay panatilihin sa loob. Nilabas niya yon lahat para ipakita na walang tatalo sa masayahing tao kahit problema pa yan.” nakangiting sabi niya kaya napangiti ako.

“Tama ka. Thank you.” pasasalamat ko at niyakapa siya ng mahigpit. Marami akong natutunan sa mga sinabi niya. “Thankful din ako, dahil ikaw si Pia ay naging mabuti sa akin, parang naging true friends ko.” bulong niya na ipinagtaka ko.



“Parang lang? hindi ba puwedeng totoo na talaga.” bulong ko pabalik kaya naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.









School Of Magical Ability Where stories live. Discover now