CHAPTER 21

112 11 0
                                    

CHAPTER 21


“Pag hindi mo sinabi kung nasaan ang dalawang Cristal Magic hindi na ako mag dadalawang isip na patayin ka—si tita Catherine nalang ang tatanungin at pag hindi niya rin sinabi papatayin korin siya.”  banta niya na ikinagulat ko.

“Napakasama mo Jam. Naging mabait kami sayo tapos ito lang igaganti mo?”  umiiyak na tanong ko sa kaniya kaya parang nasaktan siya.


“Ibang Jam na ako ngayon. Bakit niyo pinatay si kuya Flin? Alam niyo bang siya ang tumulong sa akin at sa pamilya ko ng lumipat kami dito. Siya ang dahilan kaya nag bago ako— pero pinatay niyo siya. Kuya mo siya pero hindi mo man lang naipagtanggol.” seryosong sagot niya.

“Jam masakit din sa akin ang nangyari! Kaya wag ako ang sisihin mo!” pasigaw na sagot ko sa kaniya. Sinubukan kong tumayo kahit nakatapat ang espada niya sa leeg ko.


Hanggang sa makatayo ako hindi niya tinanggal ang espada. “Please...” pag mamakaawa ko. Tinanggal niya ang espada sa tapat ng leeg ko at akmang sasaksakin niya ako sa tiyan pero bigla siyang tumalsik.


Napatingin ako sa likod ko at nandoon si Jazz nakatayo. Alam kong hindi pa patay si Jam.


“Wag kang mag papadala sa kaniya.” seryosong payo niya at sinugod ang ibang kalaban.

Bakit hindi niya ginagamit ang powers niya para hindi na kami mahirapan. Isang babae ang lumapit sa akin at masama ang tingin nito sa akin.

Agad niya akong sinugod pero nakaiwas agad ako at kinuha ang espada ko.  Tinignan ko siya pero bigla siyang nawala.

Nagitla nalang ako ng may espadang nakatapat nasa likod ko. Export ang power niya. 

Agad akong humarap sa kaniya pero bigla siyang nawala sa likod ko at naramdaman kong nasa tagiliran kona siya. Ang bilis niya.

Nag kunwari akong hindi ko siya nakita. Naramdaman kong mabilis siyang nag export papunta sa likod ko kaya mabilis akong humarap at sinaksak siya sa tiyan.


Hindi niya ako napansin ng humarap ako dahil tinapatan ko ang bilis niya. Akmang sasaksakin niya rin ako non pero sorry siya naunahan ko siya. Dapat lang sayo yan.


Unti nalang sila. Nakita ko sila Pia at Findy marami nang sugat. Espada at pana lang kasi ang gamit nilang dalawa dahil healer si Findy at nag co-control ng mind si Pia. 


Tinignan korin si Rex at Lian na mediyo marami ang sugat sa katawan. Si Jazz at Set naman ay kaunti lang.


Pinilit kong tumakbo ng mabilis kahit may sugat ako sa binti. Pumunta ako sa kumikinang na bato upang kami ang manalo sa labang ito.


Akmang kukunin kona ito ng bigla itong sumabog sa harap ko kaya tumalbog ako sa ere. Dinaya nila kami!!!


“Aray!” sigaw ko dahil sa sakit na pinsala. Gumulo ang buhok ko at nag karoon ng abo sa muka ko at damit. Nag karoon din ako ng gasgas sa noo at katawan dahil sa sumabog na bato.

Bakit sila ng dadaya. Tumingin ako kila Miss Glee pero wala na sila sa puwesto nila hanggang sa mapansin kong nag kakagulo na pala sa labas.


Nag lalaban laban na sila. Si Mr. Clinton at Mr. Fer ang mag kalaban, nakikita ko ang mga kakaibang powers nila mula sa palad.

At ang dalawang principles naman. Si Miss Glee at isang teacher. Pati ang ibang students na nang galing sa ibang school ay nakikipag laban na sa mga students ng War Academy.


Nahihirapan na akong tumayo pero pinilit ko parin. Nakita ko sila Jazz na seryosong seryoso.

Patay na ang mga kalaban namin—hindi pala buhay pa si Jam pero nawalan ng malay dahil sa lakas ng pag talsik niya kanina.

Agad na lumapit sila Jazz sa akin, nagitla ako ng alalayan ako ni Jazz na tumayo.  Nagpasalamat ako sa kaniya.


Nakita ko si Miss Glee na kinuha niya ang key sa shield at agad na binuksan ito.  “Pumunta na kayo sa kuweba kami na bahala dito!” sigaw ni Miss Glee kaya tumango kami.

Napatingin ako sa mga nakalaban namin at nakita kong tumatayo si Coby. Pero hindi kona siya napansin muli ng hilain na ako ni Jazz.


Habang tumatakbo kami palabas dito sa school ay maraming sumusugod sa amin kaya napapahinto kami at ginagamitan nalang namin ng power. Para less pagod.

Nang makalabas na kami sa gate ay napatingin kami kay Jazz. “Jazz saan tayo sasakay? Hindi tayo makakarating sa kuwebang iyon kung wala tayong sasakyan.” saad ko pero hindi siya sumagot.


Nakatingin lang si Jazz sa mataas na gubat kung saan matatagpuan ang kuweba. Hindi ko alam kung alam ba nila Set kung anong meron sa gubat o kuweba.

Napatingin kaming lahat kay Set ng gumawa ito ng palapad na tubig. “Tara na.” saad niya. “Hindi ba kami malalaglag pag sumakay kami sa tubig na iyan?” nagtatakang tanong ni Pia pero umiling si Set.


Kaya sumakay na kami, parang isang kahoy ang sinasakyan namin ngayon. Unti- unti itong tumaas ng makasakay na kami.
Binitawan na ni Jazz ang kamay ko,hindi ko rin alam kung bakit.

Papunta na kami sa mataas na gubat ngayon. “Sana maabutan pa natin ang dalawang Cristal Magic sa kuweba. Baka kasi may nauna na.” seryosong saad ni Lian.

So alam pala nila kung nasaan ang dalawang Cristal Magic,Pero pano?. “Paano niyo nalaman kung nasaan ang dalawang Cristal Magic?” nagtatakang tanong ko sa kanila.

“Sinabi sa amin ni Miss Glee ang plano kahapon.” sagot ni Rex kaya napatango ako. “Dapat kayong dalawa ang makakuha.” dagdag ni Lian.

Hindi nag tagal bumagsak kami dahil unti unting nag lalaho ang tubig na sinasakyan namin. “Sorry.” agad na sabi ni Set.


Nanghihina narin kasi siya, kaya siguro ganon ang nangyari. Nasa taas na kami ng gubat kaya okay na ito. Nag simulang mag lakad si Jazz kaya sumunod kami sa kaniya.

KWAK KWAK

Mga tunog ng uwak at owl ang naririnig namin— may mga kaliskis din pala. “Guys...May mga wild animals dito sa paligid at pasugod sa atin.” bilin ni Rex kaya napatigil kami.

Nine nalang kami dahil kalaban pala si Coby. “Mag handa kayo.” patuloy pa ni Rex .Nilabas ko ang kutsilyo na nakasabit sa bewang ko dahil hindi ko nadala ang espada ko kanina.

Si Set at Pia ay nag labas din ng kutsilyo dahil wala din silang dalang espada. Si  Findy at Rex naman ay hinanda ang pana. Si Lian, Drik at Natasha ay inayos ang pag hawak sa espadang dala nila.

Si Jazz ay wala man lang hawak. Hanggang sa sumugod na ang mga wild animals dito sa gubat. 


Kaniya kaniya kaming sugod sa mga wild animals. Nakakatakbo parin ako ng mabilis kahit may sugat ako sa binti kaya madali kong napapatay ang wild animals na kalaban ko dahil narin siguro may lason ang mga armas namin. 


School Of Magical Ability Where stories live. Discover now