CHAPTER 20

110 12 0
                                    


CHAPTER 20

After a month. Bukas na ang laban ng bawat schools at gaganapin iyon sa school ng War Academy.


Nag hahanda na kami ngayon ng mga gamit namin dahil baka mahuli kami sa train station.

Pag katapos naming mag handa ng gamit agad kaming pumunta sa train station at sumakay.


Ang katabi ko ngayon ay si Findy. Marami pang mga ibang pasahero ang nakasakay dito kaya mediyo siksikan.

Kasama namin sila Miss Glee, Sir. Nathan, Mr. Clinton at ang Principal ng school namin. I feel walang kahit isa ang excited ngayon lahat kasi ay sad face.


Nakatulog kaming lahat dahil sa haba ng byahe papunta sa kabilang bayan sa War Academy.


Hindi nag tagal nakarating na kaming lahat sa kabilang bayan. Nangupahan muna kami ng tutulugan ngayon dahil bukas pa naman gaganapin ang malaking labanan.

Kasama ko sa isang room si Miss Glee at Findy, alam kasi nilang galit ako kay Pia kaya pinag hiwalay kami.

Nakaupo ako ngayon sa kama namin habang sila Miss Glee ay inaayos ang kanilang mga gamit, wala akong gana mag-ayos ng gamit.

Lumabas muna ako at umupo ako sa mahabang upuan dito sa labas ng tapat ng tinutuluyan namin para mag pahangin.

Nakatingin ako sa mga nadaan sa harap ko na mga tao. Napatingin ako sa umupo sa tabi ko at laking gulat ng si Pia ito.

Huminga siya ng malalim bago nag salita. “I'm so s-sorry—because I kill your brother.” naiiyak na sabi niya habang nakatingin sa malayo.

“Naiintindihan kita.”patuloy niya pa.  Tumingin siya sa akin habang umiiyak. “Please.... patawad. Ayaw kong mawala pa ang isa kong kaibigan. Patawarin mo ako Hacashi. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako.” dagdag niya pa at pumunta siya sa harap ko sabay lumuhod.


Hindi kona rin napigilan ang luha ko sa pag bagsak dahil sa ginagawa niya. “I-I know its all my f-fault. Sorry nag padala ako sa nakakainis na pag-ibig na yan, natauhan na ako H-hacashi, Im r-really really sorry.” pag-amin nito.

Pinatayo ko siya at niyakap ng mahigpit, binalikan niya rin ako ng mahigpit na yakap.


Akala ko hindi na kami mag kakaayos yung pala—humahanap lang pala siya ng siyempo na kami lang dalawa. 


“I-I'm so glad Hacashi.” bulong niya kaya napangiti ako. “Me too. I'm sorry.” bulong ko pabalik. Wala na kaming pakeelam kahit tinitignan kami ng mga nadaan, ang sa amin lang ay maramdaman muli ang pag mamahal sa isa't isa bilang matalik na mag kaibigan.





Gabi na kaya nasa kuwarto na kaming lahat. Masaya na ako dahil humingi na siya ng sorry sa ginawa niya.


Siguro kailangan ko talagang tanggapin ang kapalaran ni Kuya Flin— na hanggang doon nalang iyon. I’m sure kasama niya na si Mom and Dad.


Mabilis akong nakatulog dahil magaan na ang aking pakiramdam. I can't believe na nangyayari lahat ito.





Kaumagahan maaga kaming ginising ni Miss Glee kaya agad kaming naligo at nag ayos. Ang suot namin lahat ay kagaya ng suot namin nung nag laro kami sa Dangerous Forest. At may nakasabit na espada at kutsilyo sa bewang, pana at palaso naman sa likod.

After naming kumain lahat sumakay kaming lahat sa van papunta kung saan magaganap ang laban. Katabi ko si Findy at Pia.

Nagtataka sila dahil ngumingiti na ako ngayon pati si Pia. Hindi sila makapaniwala sa nangyayari haha.


Hindi nag tagal nakarating na kami sa War Academy. Pag pasok namin doon bumungad ang napakaraming students at nakatingin ng masama sa amin.

Parang gusto na nila kaming patayin ngayon palang. Umiwas kami ng tingin sa kanilang lahat hanggang sa makita ko si Jam sa gilid at nakatingin ito ng seryoso sa amin.


May mga ibang van pa ang dumating dito— mga taga ibang schools din nang galing. Pinuntahan kami ni Mr. Fer ang president ng War Academy at si Mrs. Drina ang principal.

Nakipag kamay siya kay Mr. Clinton at sa principal ganon din ang principal dito. Pinapunta kaming lahat sa green field nila.


Habang nag lalakad kami papunta sa green field nila napansin ko si Coby na nakatingin kay Jam habang nakangisi silang dalawa.


Parang may mali. Iba ang pakiramdam ko sa school na ito. Nang makarating kami sa green field pinaupo muna kaming lahat. Maraming nakapalibot sa green field na mga students. 


Pumunta sa gitna ng green field si Mr. Fer bago nag salita. “Mag start na tayo. Ang unang mag lalaban na school ay ang War Academy at School Of Magical Ability.”  seryosong announced nito sa lahat.


Napatingin ako sa  kabilang upuan at nandoon sila Jam, naka t-shirts silang lahat ng pang laban, of course. Pakiramdam ko mainit sila sa amin.


Lumapit sa harap namin si Miss Glee at Sir. Nathan. “Guys galingan niyo. Ayaw kong may mabawas sa grupo kahit isa, understand?” sabi ni Miss Glee sa amin kaya tumango kami.

Pumunta na kaming sampu sa gitna at pumwesto. Ganon din ang mga kalaban namin,nasa labing isa sila, ang daya.

Ang laban na ito ay kailangan makuha ang dalawang kumikinang na bato sa malayo sa mag kabilang dulo. Legal ang pumatay dito kaya dapat seryoso ka.

Biglang nag karoon ng shield sa buong gilid kaya hindi ka makakatakas kung gugustuhin mo man. Puwede kang makoryente pag nadikit ka sa shield na iyon.

“Start!” sigaw ni Mr. Fer mula sa labas kaya agad na sumugod ang mga kalaban sa amin. Tumingin sa akin si Jazz na parang sinasabi niyang ‘sabay kaming tumakbo ng mabilis’ kaya tumango ako sa kaniya.


Si Jam ay nag palutang ng kung ano-ano na nasa gilid at sinugod kami nito pero agad kaming nakakailag doon.


Si Lian ay nag simula nang mag pa-apoy sa buong paligid. Si Set naman ay naging invisible bigla.



Napatingin ako kay Coby na parang mga kakampi niya ang kinakalaban niya. No...eto na nga ba ang sinasabi ko, kakampi siya ng mga kalaban.


Si Natasha at Drik ay gumagamit narin ng mga powers. Malalakas din ang powers nang mga kalaban namin kung kayat talagang kailangan mong ibigay ang best mo.

Mabilis akong tumakbo at sinugatan ang mga nadaanan kong kalaban. Nabangga ako kay Jam ng harangin niya ako kaya perehas kaming tumalsik.


Agad akong tumayo ganon din siya. Nakita ko ang mga pinapalutang niyang mga damo dahil nabubunot ito.

Agad na sumugod sa akin ang mga damong iyon kaya mabilis kong sinasalag nang espada.

Parami ng parami ang sumusugod sa akin na damo dahil kay Jam. Agad kong nalampasan ang mga damo at mabilis na pumunta sa kaniya at sinugutan ko siya sa binti kaya napaluhod siya.


Hindi niya ako napansin dahil napakabilis ko. Tumakbo ako papunta sa kumikinang na bato pero napasudsud ako ng may tumamang espada sa binti ko.

Napatingin ako sa may gawa nun at si Jam iyon, bumalik sa kaniya ang espada at papilay pilay na lumalapit sa akin.

Pinilit kong tumayo pero masakit ang binti ko. Hanggang sa nakalapit siya sa akin at tinapat ang espada sa leeg ko.

“Jam...please...” pagmamakaawa ko pero umiling siya. May mga namumuong luha sa mata niya pero pinipigilan niya ito.


“Sorry Hacashi. Bago kita patayin sabihin mo sa akin nasaan ang dalawang Cristal Magic?” seryosong tanong niya sa akin.


“Sorry...pero hindi pwede mapasayo iyon!”  pasigaw na sagot ko kaya nagalit siya. “Kung inaakala mong ako parin ang...Jam na nakilala niyo noon ni Pia then you're wrong!”sigaw niya.


“Jam...Tell me the truth, kakampi niyo ba si Coby?” tanong ko sa kaniya, napangisi naman ito bago sumagot sa akin. “Oo,At papatayin ka niya at si Jazz pag nalaman niya na kung nasaan ang dalawang Cristal Magic.”




School Of Magical Ability Where stories live. Discover now