ni-ki
@nishimurahera
you okay?hera
ang tahimik mo kanina pani-ki
may dahilan ba para magsalita?hera
sabagay HAHAHAHAhera
pero sabi nila makulit ka daw bat iba yata nakikita ko ngayon?ni-ki
ginagawa ko lang yon kapag komportable ako sa mga kasama koni-ki
at hindi ako komportable kasama ka-♡️-
hindi na nag-reply pa si hera at itinago ang phone sa bulsa. pagkatapos non ay lihim siyang napasulyap kay ni-ki na nasa harapan niya at busy sa pagpindot ng kung ano man sa phone nito.
si charlotte at sunghoon kasi ay busy sa pag-interview kay benedict- well, si charlotte lang talaga 'yung nagi-interview pero sunghoon being sunghoon na protective sa cupcake niya ay nasa tabi din siya ni charlotte habang kinakausap si benedict.
nasa iisa lang din naman silang lamesa pero pakiramdam ni hera silang dalawa lang ni ni-ki ang magkasama. yep, ganun nga talaga kapag inlove- nagiging delusional masyado, lol.
ganun pa man, hindi pa rin maiwasan ni hera na mapasimangot lalo pa't ilang beses na niyang sinusubukan na kausapin si ni-ki pero snob lang ang ni-ki ninyo.
pero alam din naman ni hera ang dahilan kung bakit ganito si ni-ki. masakit man sa side niya pero hindi niya na lang pinapansin ang bagay na 'yon at nananatiling positibo.
"okay! tapos na ang lahat kumain soooo tara na sa arcade?" pagsasalita ni charlotte na ikinatingin nila ni-ki at hera sa kanya.
"arcade?" tanong ni ni-ki.
"yes, arcade. don't tell me hindi ka pa nakakapunta doon?" tanong ni benedict, napatingin naman si ni-ki sa kanya ng masama.
"hindi kita kinakausap." sagot ni ni-ki.
napangisi lang si benedict sa asal na ipinakita ni ni-ki at nanatiling nakatingin dito. ganun din si ni-ki kay benedict at nagpatuloy silang dalawa sa pagtititigan habang si hera at charlotte ay nagkatinginan na lamang, si sunghoon naman ay tila alam ang nangyayari sa pagitan ng dalawa.
natigil lang ang tension sa pagitan ng dalawa nang tumayo si charlotte at malakas na pumalakpak. "alright! so, tara na sa arcade bago pa may sumabog dito na ano, haha." awkward pa siyang tumawa.
tumango lang si hera at tumayo. nagsitayo na rin ang iba at lumabas ng restaurant na pinagkainan nila. pero bago tuluyang malakabas si hera ay napatigil siya nang tawagin siya ni ni-ki na nasa likuran niya.
nagtataka man ay napatingin siya sa binata na seryosong nakatingin sa kanya. "b-b-b-bakit?"
"bawal ka mapagod, di'ba?" dahan-dahan na tumango si hera. "then bakit ka maglalaro sa arcade?"
saglit na natahimik si hera pero maya-maya din ay unti-unti siyang napangiti. "arcade lang 'yon at kung may mangyari man sa aking masama, labas ka na don." sagot niya at saka tuluyang naglakad palabas.
naiwan namang tulala si ni-ki at paulit-ulit na nirecall ang sinabi ng dalaga sa kanya. nang maunawan niya ang sinabi nito ay hindi niya maiwasang mapakunot ang noo pero hindi niya na lang pinansin iyon at sumunod na sa kanila.
-♡️-
"shoot the zombies!"
'yan ang unang lumabas sa bibig ni hera at benedict nang makarating sila nang tuluyan sa arcade. nagkatinginan silang dalawa at hindi maiwasang matawa.
"favorite mo din laruin 'yon?" tanong ni hera.
tumango si benedict at napakamot pa sa kanyang ulo. "honestly, doon lang ako magaling." medyo nahihiya nitong sagot.
"oh? cute~" react ni hera nang makita ang itsura ni benedict.
si charlotte naman ay hindi maiwasang kiligin dahil nasisilayan niya mismo sa kanyang harapan si hera na nakangiti kasama ang lalaking mukhang makakatuluyan niya- well, 'yon ang nasa isip ni charlotte.
"hindi pa ba tayo magsisimula?" napatingin kay ni-ki ang lahat, hindi dahil sa biglaan niyang pagsasalita kundi dahil medyo malakas ang boses nito kumpara sa normal niyang boses.
"ha? oh, right! sa shoot the zombies muna kami ni ben. byeeee!" sagot ni hera at excited na hinila si benedict papunta doon.
naiwan naman ang tatlo na pinanood lang ang dalawa na makalayo. hanggang sa bigla na lang napasigaw si charlotte na ikinagulat ni sunghoon at ni-ki.
"what happened, cupcake?" nag-aalalang tanong ni sunghoon sa girlfriend niya.
"kyaaaaaaaaaaaaaaa!!!! sa tingin ko magkakaroon na ng boyfriend ang anak-anakan natin hoonieeee!" tili ni charlotte na ikinatawa lang ni sunghoon.
"well, good to her." komento ni sunghoon at napatingin pa kay ni-ki.
napansin 'yon ni ni-ki kaya napataas lang ang kilay nito. "what?"
pero imbis na sumagot si sunghoon ay isang makahulugang ngiti lang ang iginawad niya sa binata na ikinailing-iling na lamang ni ni-ki saka nagsimulang magmartsa palayo kila sunghoon.
"bye, maglalaro na din ako." paalam nito at binilisan ang paglalakad dahil ayaw niya na marinig ang posibleng sasabihin ni sunghoon.
ugh, i hate this day.
BINABASA MO ANG
dance mentor. nrk
FanfictionCOMPLETED. in a world where dancing remains number one in ni-ki's heart, the word "love" held little significance to him until fate intervened and brought hera into his life. as they moved together, their steps in perfect synchrony- a deep connectio...