. . . ⇢ 32 ˎˊ˗

535 30 5
                                    

maraming nagbago sa pagitan nila ni-ki at hera sa paglipas ng bawat araw. not in a bad way but in a good way to the point na sobrang close na nilang dalawa at laging magkasama.

tapos na ang dance competition and guess who's the winner? of course it's ni-ki and his team. kasalukuyan silang nagc-celebrate sa pagkapanalo nila ni-ki kaya ang buong gang ay nandito at sobrang gugulo nila.

lahat sila ay nagkakasaya, kasama na rin si hera. pero nang makatanggap ng message si hera galing kay kyden ay agad siyang nagpaalam para lumabas. pagkalabas niya ay agad niyang binasa ang message mula sa kapatid niya.

"bukas na ang alis natin, sabihin mo na ang gusto mong sabihin kay ni-ki." basa niya at napabuntong hininga na lang.

"what's wrong?" sa gulat ay napasigaw na lang ang dalaga na ikinatawa ni ni-ki.

yes, si ni-ki. nung lumabas si hera ay napansin 'yon ni ni-ki kaya sinundan niya si hera palabas hanggang sa narinig niya na lamang ang dalaga na napabuntong hininga.

"j-jusko, 'wag ka namang nanggugulat!" mahina niyang hinampas si ni-ki na mas lalong lang natawa.

"sorry naman, mukha ka kasing seryoso. ano bang problema?" nang itanong 'yon ni ni-ki ay saglit na natigilan si hera.

napansin 'yon ni ni-ki dahilan para unti-unting mawala ang ngiti sa labi ng binata. akmang magsasalita pa sana ulit si ni-ki pero hindi niya na nagawa pa nang bigla siyang yakapin ni hera ng mahigpit.

ni-ki froze. halong-halong emosyon ang nararamdaman niya dahil sa ginawa ng dalaga. pero isa lang ang nasisiguro ni ni-ki sa mga oras na 'to; wala pa ring nagbabago sa nararamdaman niya para kay hera.

"ni-ki.. thank you ha?" paninimula ni hera at humiwalay mula sa pagkakayakap kay ni-ki. "thank you for being my friend.. kahit na hindi mo talaga ako crinushback— de charot lang!" nagbiro pa si hera pero nanatili lang seryoso si ni-ki.

"tell me, what's wrong?" tanong ni ni-ki pero umiling-iling lang si hera.

"wala, i'm just happy. alam mo 'yung feeling na hindi man ako nagustuhan ng lalaking gusto ko, naging mabuti naman kaming magkaibigan. naging mabuti tayong magkaibigan." sagot ni hera at napangiti.

nakikita ang ngiti sa labi ni hera pero bakit pakiramdam ni ni-ki may kakaiba? or baka imagination niya lang 'yon? kasi sa totoo lang, ayaw man aminin ni ni-ki pero bakit pakiramdam niya nagpapaalam si hera?

"hera.."

napatingin si hera doon pero agad din siyang natigilan nang ilapit bigla ni ni-ki ang sarili para hagkan sa labi ang dalaga. literal na nanlaki ang mga mata ni hera at pakiramdam niya ay anytime pwede na siyang sumabog.

pero hindi rin nagtagal, natagpuan na lang ni hera ang sarili na unti-unting napapikit at sumusunod sa daloy ng pagsayaw ng kanilang magkalapat na mga labi. at mararamdaman mo na ang halik na 'yon ay kakaiba.

mararamdaman mo ang pagmamahal.

matapos non ay unti-unting naghiwalay ang mga labi nila mula sa isa't-isa at pinagdikit ang noo nilang dalawa. parehas silang naghahabol ng hininga pero nagawa pa rin nilang tumingin ng diretso sa mata ng isa't-isa.

"n-ni-ki.."

"i-i like you, hera.."

nagitla si hera pero wala siyang sinabi dahil sa totoo lang hindi niya alam ang dapat niyang sabihin. hindi niya kasi inaasahan na ang imahinasyon niyang gugustuhin din siya ni ni-ki ay magkakatotoo.

huminga ng malalim si ni-ki at muling nagsalita. "i thought dancing was my first love, but it's you. you're my first love, hera."

"gusto kita, matagal na. h-hindi lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para umamin dahil alam ko namang wala ding saysay kung sasabihin ko sa'yo dahil hindi rin naman tayo magtatagal." dagdag pa ni ni-ki.

"w-what do you mean?" nagtatakang tanong ni hera.

"hindi tayo pwede."

tatlong salita pero libo-libong karayom ang naramdaman ni hera na tumusok sa kanyang puso. nakatitig lang siya sa mga mata ng binata at hindi na naramdaman pa ang unti-unting pagtulo ng mga luha pababa sa kanyang pisngi.

gusto siya ni ni-ki at gusto niya pa rin si ni-ki ngunit pareho man sila ng nararamdaman, hindi iyon nangangahulugang mauuwi na sila sa masayang tagpuan. dahil masakit mang aminin, pero tama si ni-ki.

hindi sila pwedeng dalawa.

nakatitig lang si ni-ki kay hera na walang tigil sa pagluha dahilan para gumuhit ang pag-aalala sa mata ng binata at pinunasan gamit ang hinlalaki nito ang pisngi ng dalaga.

"hera—"

"pwede ba tayong manatili sa ganito kahit saglit?" pananalita ni hera na agad ikinatango ni ni-ki.

at doon, niyakap nila ang isa't-isa, nakulong sa bisig ng bawat isa kasama ang katahimikan, malakas na hangin at mga puso nilang pinapakiramdaman ang malakas na tibok ng isa't-isa.

dance mentor. nrkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon