. . . ⇢ 21 ˎˊ˗

514 29 6
                                    

dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang magsimula ang practice para sa darating na dance competition. busy lahat ang groups na magkakalaban para masiguro nilang sila ang mag-uuwi ng tropeya.

dalawang linggo pa lang at sa katapusan pa ang dance competition, ganun pa man ang grupo ni ni-ki ay malapit na matapos at inaayos na lang ang mga dapat na iayos sa performance nila.

kasalukuyang nagpapahinga ang lahat dahil kakatapos lang nila sa last practice ngayong araw at mamaya pa lalabas ng dance practice room. pagod sila pero nagagawa pa rin nilang makapagkwentuhan.

maliban kila ni-ki at hera na tahimik lang sa tabi. nasa unahan si ni-ki habang si hera ay nakaupo sa sahig sa may bandang dulo, nakasuot ng airpods kaya hindi niya naririnig ang nasa paligid niya.

isang linggo ng ganito si hera— tahimik at ipinagpapasalamat iyon ni ni-ki. pansin din ng binata na umaayos na ito sa pagsayaw which is good dahil masisiguro ni ni-ki na walang magkakamali sa stage sa araw ng competition.

ilang minuto pa ang nakakalipas nang sumapit na ang oras ng kanilang labasan. isa-isang naglabasan ng dance practice room ang mga estudyante hanggang sa maiwan na lang si ni-ki.

pero nang mapalingon siya sa paligid ay bahagya siyang nagulat nang makita si hera na mahimbing na natutulog. nakasuot pa rin ang airpods niya at nakasandal ang ulo sa kanyang bag.

dahil doon ay napailing-iling na lang si ni-ki at nilapitan ito para sana gisingin. pero hindi niya na nagawa pa nang kusang magising si hera, napakurap-kurap pa ang dalaga at inosenteng napatingin kay ni-ki.

"d-dad?"

nang marinig iyon ni ni-ki mula kay hera ay unti-unti siyang napakunot ng noo at magsasalita na sana nang bahagyang matigilan si ni-ki nang tumayo si hera para sugurin siya at bigyan ng mahigpit na yakap.

"i-i missed you, dad.."

huh?

oh.

akala niya daddy niya 'ko? he thought.

gusto niyang itulak palayo si hera mula sa kanya pero may parte din sa kanya na gustong hayaan ang dalaga. hanggang sa napabuntong hininga na lang si ni-ki at hinayaan si hera na yakapin siya.

hindi pa man nakakalipas ng ilang minuto ay naramdaman na ni ni-ki ang pagbigat ng kanyang balikat kaya pasimple niyang sinilip si hera at nakita itong natutulog na muli.

"she looks so tired.." wala sa sariling bulong ni ni-ki.

huminga muna ng malalim si ni-ki saka iginaya si hera sa isang couch sa tabi ng lamesa sa unahan. doon ay inihiga niya si hera at dahil nakasuot ito ng palda, kinuha ni ni-ki ang coat niya para gawing kumot ng dalaga.

pagkatapos ay muli niyang pinagmasdan si hera at napangiti ng malungkot. "kailan ko kaya muling masisilayan ang mga ngiti mo?"

-♡️-

kyden
@kngkydn

kyden
ANONG ORAS NA BAKIT HINDI PA RIN UMUUWI ANG KAPATID KO????!!!

ni-ki
sino po sila?

kyden
mister rude guy im kyden, hera's older bro

ni-ki
kyden?

ni-ki
ah ikaw yung lalaking tumawag sa kanya ng sweetie?

ni-ki
saka anong older bro? diba bf ka niya?

kyden
mukha ba kaming mag-syota?

kyden
mukha bang pumapatol ako sa mga kadugo ko?

kyden
sa mismong lil sister ko na ako minsan ang nagpapalit ng diaper noon?

kyden
mukha ba?

ni-ki
seryoso ka ba?

ni-ki
magkapatid lang talaga kayo?

kyden
hindi, anak ko siya

kyden
syempre naman kapatid ko siya no

ni-ki
hindi kayo magkamukha

kyden
i know

kyden
pero hoy wag mo nga akong dinadaldal! nasaan ang kapatid ko anong ginawa mo sa kanya?!

ni-ki
wala akong ginawa sadyang nakatulog lang siya kaya hindi pa siya nakakuwi ngayon

kyden
nakatulog siya?

kyden
nasaan siya?

ni-ki
sa dance practice room namin

kyden
be specific boi

ni-ki
dance practice room 1

kyden
sige sige pupuntahan ko siya diyan

ni-ki
okay

kyden
wait mister rude guy?

ni-ki
bakit?

kyden
she likes you ya know?

ni-ki
and?

kyden
bakit ka ba ganyan sa kapatid ko?

ni-ki
kasi hindi ko nga siya gusto

kyden
really huh?

kyden
ano bang gagawin ko para magustuhan mo lang siya?

ni-ki
wdym?

kyden
hera likes you. so. much.

kyden
at ayokong makitang masasaktan siya dahil sayo

ni-ki
wala kang kailangan gawin

ni-ki
kasi kahit magustuhan ko ang kapatid mo

ni-ki
hindi kami pwede

kyden
ha?

ni-ki
hindi siya magiging masaya sa akin

dance mentor. nrkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon