I felt very not myself when I entered my apartment. It's still early and I should be sleeping again but I just couldn't. I can smell Jarris everywhere and it's making me miss him more. I decided to go to my room and force myself to sleep even if I don't want to.

Ito yung mahirap din saakin minsan. I get too attached to people that I also barely know. Kahit kakameet lang natin kahapon o ngayon, you will immediately have a space in my heart. I don't but this trait that I have is not good to my heart. Pinapahamak na niya ako minsan.

I lazily got up in my bed when I heard Aling Lusing harshly knocking my door. Alas singko na kanina nung makatulog ako and it's already past eight. Shoot! May klase nga pala ako.

"Jusmiyo kang bata ka! Akala ko kung ano nang nangyari sayo diyan! Hala, sige magbihis kana. Tanghali na!" aniya.

"Sige po," I yawned.

"Puyat na puyat ka.." she noticed.

Tumango ako, "Hinatid ko po kasi si Jarris kaninang madaling araw. Hindi ako agad nakatulog"

Her eyebrow raised, "Bakit? Namimiss mo agad?"

"Nay!" I spat.

Ayaw ko munang pag usapan si Jarris. Pakiramdam ko mas lalo ko lang hahanapin yung presensya niya sa bawat pagbanggit sa pangalan niya. Oh my god! We're not even together, bakit ba ganito ako makapag react! Bobo ka, you like him!

"Ay sus! Ayna kilala kita, gusto mo yung poging yun. Okay lang saakin, mabait naman siya"

"The last time I checked you didn't like him," asar ko.

"Nakausap ko siya nung isang araw, nakita ko naman ang ugali niya. Malambot ang puso para sa mga babae.."

"What did you talked about? Bakit hindi ko alam yan... nay baka naman siniraan mo ako sakanya ah!" I laughed.

"Medyo," she laughed hard when I pouted. Really! "Kahit naman siraan kita kung gusto ka din niya hindi yun maniniwala saakin.. but he has a pure heart"

"Pero hindi nga po.. ano'ng pinag usapan niyong dalawa?"

"Saamin nalang yun nak," she patted my back before going downstairs.

Pinagsawalang-bahala ko nalang muna yun at mabilis na gumalaw. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay agad akong bumaba. Rinig ko na din kanina pa ang pagtawag ni Aling Lusing saakin.

"Ininit ko nalang itong toast hija... kumain kana muna bago ka umalis" aniya.

Napatingin ako sa bread toast na nasa plato. I bitterly smiled when I remember Jarris. Wala na akong oras na magtimpla ng kape kaya magdadala nalang ako ng tubig. Agad naman akong napatigil sa pagbubukas ng ref nung makita ko ang dalawang post it note na nakadikit dito.

Ayna,
I left the recipe of the avocado toast you liked. You can do it yourself if you want. You have a whole month of supply, please eat REAL food. Take care.

JarrisD

Paano ako magfofocus niyan! I hid the paper at the back of my clear phone case before getting myself a bottle of water.

"Una na muna po ako, see you later!" I waved my hand.

"Mag ingat ka," she said.

Tumango ako bago naisipang umalis na. I'm already late for my first subject but I still have a plan on attending it. Hindi naman siguro ako todong papagalitan at ngayon ko lang naman ito gagawin.

I was sweating when I arrived in our room. I roamed my eyes around but all I could see are my classmates busy in their own worlds. I exhaled sharply before seating in front, beside the window.

Beauty in the Pain(La Union Series #2)Where stories live. Discover now