CHAPTER 31: MEET HIS SIBLINGS

42 3 0
                                    

THALIA'S P.O.V

Pagpasok ko ay agad kaming binati ng mga kasambahay nila dito sa mansion ng Montefalcon. Medyo nahihiya pa ako dahil pinagtitinginan ako ng mga kasambahay nila.

"Manang Fe, paki asikaso po ang Asawa ko" ani ni Kiro kaya gulat akong napatingin sa kanya.

Nakangiting lumapit naman sakin ang isang babae na kaparehas lang siguro sila ni Mang Elton.

"Oo, halika rito iha ihahanda ko na rin ang paligoan mo" sabi niya saka ako hinawakan sa kamay. Sumunod ako sa kanya pumasok siya sa isang napakalaking kwarto at saka ako iniharap sa pinto ng banyo.

"Ito ang soutin mo iha, diyan ka na magpalit dahil kompleto ang gamit riyan......." tumitig siya sakin at mukhang minamasid ang mukha ko, napangiti naman ito at saka sinabing "Napaka ganda mong dilag... at labis akong natutuwa dahil ikaw ang babaeng nagustohan ng alaga ko" sabi niya saka ako iniwan sa kwarto.

Nilibot ko muna ang tingin ko sa bawat sulok ng ng kwartong ito. Malaki at amoy panglalaki, hindi ko alam pero parang naaamoy ko ang pabango ni Kiro.

Matapos kong magsawang ilibot ang paningin ko at pumasok na ako sa banyo at nagsimulang maligo.
May naka relax ako kaya tumagal ako sa banyo.

Nangmarinig ko ang mga boses sa labas ng pinto ay agad akong nagbanlaw at nagbihis. Huminga ako ng malalim at saka binuksak ang pinto.

Nnakita kong hinaharangan ni Kiro ang dalawang babae dahil nasa labas ito ng pinto.

We're Getting Married [COMPLETED] (EDITING)Where stories live. Discover now