CHAPTER 62: MAXIMUM PAIN

24 3 0
                                    

(BWHAHAHA syempre may Round 2 hakhak. Kakalimutan ko ba naman si Sofie. Hayop din ito)

THALIA'S P.O.V

Paglabas ko ay saktong nagsindatingan ang mga ugok. Hingal na hingal ngayon.

"N-nilibot na n-namin lahat kaso sa 8 ka lang pala bumaba" hingal na sabi ni Mike

"T-halia okay ka lang ba?" Tanong ni Klent, napansin kasi nito na sabay sabay nagsituloan ang mga luha ko.

"Thalia.. What happend?" tanong sacakin ni Khale

"Si K-iro--"

"Wife--" tawag ni Kiro.

"Honey. Wag mo na siyang habuli----- K-lent?!" napahinto sa paghabol si Esha ng makita niyang andito lahat ng mga kaibigan ni Kiro. Pati na si Kiro ay nagulat rin.

Tumalikod ako sa kanila at saka nagsimulang humakbang papaalis.

Nang makahakbang nasana ako papasok sa elevator ng biglaan akong hilahin ng kung sino.

Nagulat ako syempre dahil hindi ko iyon inakala. Isinandal niya ako bigla sa may dingding kaya may pagkakataon akong tingnan ang mukha niya.

"Sofie?!" Inis na sabi ko ngunit biglaan niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya

"Ha! So alam mo na pala ang lahat NATHALIA SHANE MILLER?" diing banggit niya sa boung pangalan ko.

"Ows, iyak na iyak ka ata ngayon. Bakit di mo nalang kasi tanggapin na hindi ka niya kayang mahalin dahil si Esha parin ang gusto niya" anang sabi sakin ni Sofie kaya medyo nainis ako.

"So ikaw nga" natatawang sabi ko kaya naoakubot noo siya.

ANONG AKALA NIYA SAKIN? BALIAN KO NG BUTO TO EH

"Anong nakakatawa?!!!" sigaw niya.

"HHAHA...sa galing mong umarte, imbis na manloko ng tao ay napapahamak mo nalang ang sarili mo" angas na sabi ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

HM...MATIBAY

"Ang so??! What do you mean b*tch?!" tanong niya sakin habang sobrang lapit ng mukha niya.

"Ows,...chill BES, masyado ka atang malapit" pang aasar ko sa kanya sabay dahan dahan siya tinulak papalayo.

"What the?! Nang- iinis ka ba? Kung ako sayo umuwi ka nalang sa inyo at itigil ang kasal. Tutal wala ka nang babalikan pa kay Kiro dahil magiging sila ulit ni Ellisha!" daldal niyang sabi ngunit akoay naka tingin lang sa kanya ngseryoso na parang walang nangyari.

"Ano naman kung itigil ko ang kasal?" mapang asar kong tanong

"Sila na ang ikakasal. Alam mo ba ang problema sayo Thalia?! MALANDE K--

*PAAAKKKK!*

"W-what?!!" daing niya sabay hawak sa pisngi niya namumula na ngayon.

"Malande ba??Hmm..matanong ko nga sayo SOFIE REYES.. ilang lalaki na ang pinatulan mo sa isang araw..hmm...actually parang IKAW YUNG MALANDE EH" mapang asaran kong sabi kaya bigla nalang siya nainis.

Mainis ka kung mainis.

"F*ck you! How dare you to say that to me?!" ani niya at akmang sasampalin ako ngunit agad ko naman nahawakan ang kamay niya.

"Subokan mong idikit sakin yang kasing dumi mong kamay sa mukha ko, makikita mo ang impyerno" ani ko. Sa totoo lang natatawa ako sa expresyon niya. Binitawan ko ang kamay niya saka tinulak siya palayo sakin.

We're Getting Married [COMPLETED] (EDITING)Where stories live. Discover now