CHAPTER 64: SHE LEFT

33 3 0
                                    

KHALE'S P.O.V

Hindi ko maipahayag kung gaano kaawa-awa ang isang Kiro Montefalcon ngayon.

"Please....ihatid niyo ako sa kanya" pagmakaawa nito kaya nagkatinginan kami at saka nagsitangoan.

"Sakin kana sumakay Kiro" ani ni Matheo at sabay sabay laming pumasok sa eevator at saka pinindot ang numero pababa sa Ground Floor.

"Relax lang Dude. Maiintindihan kani Thalia kung magpapaliwanag ka kaagad" payo sa kanya ni Mike.

Sunod naman kaming nagsi-sakayan sa kani kanilang sasakyan, kasabay ko naman si Leo, Xian at Gussion.

Naunang magmaneho sina Matheo kasama si Kiro, Klent at Mike. Sa isang kotse naman ay si Dave ang nagmamaneho kasama si Sharm kami ang panghuli na nakasunod sa kanila.

"Kinakabahan ako sa dalawang iyon" basag sa katahimikan ni Leo.

"Ako nga rin eh. Kahit lalaking lalaki ako parang nagiging malambot dahil sa pangyayari ngayon HAHAH" nagawa oang tumawa ni Xian kahit lahat naman kami ay nagkakaproblema na.

"Sabi ko nga tatahimik na" kamot uling sabi niyo kaya ngumisi nalang ako.

Nang makarating kami sa bahay o mansion nina Thalia ay agad kong nakita na nakaabang sa labas si na Kiro. Nagtaka naman kami kasi nagsisigawan doon si Kiro.

"Lexander!Ako ito si Kiro papasokin mo ako." sigaw ni Kiro ngunit walang sumagot sa kanya.

Lumapit naman kami at saka tumabi sa likod ni Kiro. Narinig kong may tao saloob kaya hinintay namin itong pagbukasan kami.

"Sino po yan?" Tanong ng isang pamilyar na boses.

"Mang Elton! Mang Elton! Papasokin niyo ako." tarantang sabi ni Kiro.

"S-sir K-kiro?! B-bakit po k-kayo nandito...bakit po kayo nandito lahat??" utal na sabi ni Mang Elton, nararamdaman kong kabado siya dahil bigla itong nagulat ng makita kami.

"Gusto kong makausap si Thalia, saan po siya?" tanong ni Kiro.

"S-sir....ano kasi.." hindi kayang ipagpatuloy ni Mang Elton ang sasabihin nito bg bigla siyang tumahimik.

"Ano? Sabihin niyo po sakin. Kailangan ko talagang maka-usap si Thalia ngayon" nawawala na ang boses ng ni Kiro dahil unti unti itong napapahagulgol sa iyak.

"Mang Elton. Magandang gabi ho. Maari po ba namain malaman kung nasaan si Thalia?" lakas loob kong tanong.

"Hindi ko po maaring sabihin Sir Khale. Baka po pagalitan ako ni Sir Lexander" malungkot niyang sabi sakin.

"Si Lexander? Bakit?" nagugulohang tanong ni Kiro.

"Pinagsabihan niya po akong wag magsabi na kung ano sa inyo" sagot nito

"Saan si Lexander?!" galit na sigaw ni Kiro.

"Sir huminahon po kayo. Maya-maya ay darating po sina Sir Lexander" awat ni Mang Elton kay Kiro

"Please tell me. Sabihin niyo po sakin kung nasaan si Thalia, kailangan ko pong magpaliwanag sa kan--"

"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag Kiro. Malinaw na ang lahat ng ginawa mo sa kapatid ko" isang tinig ang narinig namin muna sa likoran kaya agad naman kaming napatingin dito.

"Xander.." mahinang sambit ni Kiro. Ultimo kami ay nagulat na rin.

"Anong gunagawa niyo dito?" tanong ni Xander saka nilibotang tingin sa bawat isa samin.

We're Getting Married [COMPLETED] (EDITING)Where stories live. Discover now